CHAPTER 27

5 1 0
                                    

CHAPTER 27

JEROME'S POV

Naisipan namin ni Gia na ipasyal si Aiah. Dahil maaga pa naman ay hindi muna umuwi si Gia pagkahatid niya samin dito sa bahay. Sakto namang nagmemerienda ang pamilya ko ng abutan namin sila. Hindi nagtagal nagulat ako ng makitang nandito si Aica. May pinuntahan daw siya malapit dito kung kaya naisipan niyang dumaan na din para dalawin ang anak namin, hindi ko naman maiwasan sumama ang timpla. Hindi ko kasi gustong nakikitang nandito siya habang nandito si Gia. Ayokong isipin ni Gia na hinahayaan ko pa din si Aica na maglabas pasok sa bahay namin kahit na wala naman na siyang karapatan.

Buti na lamang at marunong makisama si Aica, nakipaglaro na lamang siya kay Aiah. Lumipas ang mga oras at napagpasyahan na ni Gia na umuwi. Samantalang si Aica ay nandito pa din at mukang sinusulit ang pakikipaglaro kay Aiah.

Gusto ko sanang samahan nalang si Gia sa bahay ngunit sinabi niya na magpapahinga na siya pauwi kung kaya hindi na din ako makakapagtagal pa sa bahay niya kung sakali. Alam ko namang halata niyang iniiwasan ko talaga si Aica pero buong araw na din kaming magkasama kaya naman pinigilan na niya ako. Sabi niya kasi mas okay pa din na paminsan minsan bawasan namin ang mga oras na kasama namin ang isa't isa dahil kapag naging mag asawa na kami ay magsasawa kami sa mukha ng isa't isa. Bagay na alam kong hindi mangyayari sa akin pero tinawanan ko nalang din siya.

Hinatid ko na siya sa labas at sumakay na siya sa kotse niya. Nag iwan lang ako ng halik sa labi niya at nagpaalam na din siyang aalis na. Tinanaw ko nalang ang kotse niya hanggang sa makaliko sa kanto. Napagpasyahan kong tumambay nalang dito sa court sa tapat ng bahay kaysa pumasok sa loob. Dito ko nalang aantayin ang text ni Gia kung nakauwi na siya.

Abala ako sa pagbabrowse sa internet kaya naman hindi ko namalayan na may nakalapit na pala sa akin. Si Aica.

"Pwede ba tayong mag usap?" nagulat pa ako ng bigla siyang magsalita.

"Tungkol saan naman?"iritableng tanong ko din sa kanya.

"Tungkol kay Aiah?" hindi ko alam ang gusto niyang pag usapan pero hinayaan ko lamang siyang magsalita "Nabalitaan mo naman siguro yung nangyari sa amin ni Francis?"dagdag pa niya.

"Ano namang kinalaman ni Aiah don?"patuloy ang pagkairitang nararamdaman ko.

"Naisip ko lang, lumalaki na si Aiah, hindi ba mas magandang lumaki siya nakikita niyang buo tayo bilang isang pamilya? halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ano? Baka nakakalimutan mong may girlfriend na ko, at hindi lang basta girlfriend dahil nagpaplano na kaming magpakasal? Anong pamilya ang sinasabi mo? Matagal ng wala yung pamilyang gusto mong buoin. Hindi ba't ikaw ang dahilan bakit nasira yon?" wala akong pakialam kung may iba mang makarinig sakin pero nagagalit talaga ako sa mga sinasabi niya.

"Jerome! Handa kong gawin lahat para lang mapatunayan ko sayong nagsisisi na ko, siguradong maiintindihan ni Gia kung sakaling mas piliin nating ayusin ang pamilya natin." sagot niya.

"Huh! Si Gia naiisip mong papayag, ako? Akala mo bang papayag akong mawala sakin si Gia? Tumigil ka sa kabaliwan mo?" angil ko naman sa kanya.

"Isipin mo nalang si Aiah, gusto ko lang maibigay yung buong pamilya sa kanya, habang maaga pa." muling pakiusap niya.

"Edi sana naisip mo yan noon bago mo ko niloko at pinagpalit sa iba!" akmang tatalikod na ko pero pinigilan niya ko.

"Pag isipan mo muna bago ka magdesisyon, isipin mo si Aiah, isantabi mo muna ang galit mo sakin! Kahit para sa bata lang." sinabi niya yon at tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Naiwan akong nakatulala sa kaninang pwestong kinatatayuan niya kaya hindi ko namalayang may dumating

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon