Chapter 16

5 2 0
                                    

CHAPTER 16

GIANA'S POV

"Mahal na mahal kita Giana"

Habang yakap ako ni Jerome ay nagpaulit ulit iyon sa pandinig ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Siya ang kusang humiwalay sa pagkakayakap namin, nakatulala pa din ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Nakatingin lang ako sa kanya pero sigurado akong nahahalata niya ang gulat sa reaksiyon ko.

"Uy! Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya. Hindi ko naman mahagilap ang kahit anong salita sa utak ko. Nabibigla pa din ako sa sinabi niya.

"Ahm. Ano.. Kasi.. hindi ko alam ang sasabihin ko eh" parang napapahiyang sagot ko sa kanya.

"Wala ka naman kailangang sabihin eh, sapat na saking malaman mo ang nararamdaman ko. Noon pa man ito na ang nararamdaman ko para sayo, bata palang tayo. Kahit pa nagawa kong magmahal ng iba noon, alam ko sa sarili ko, mula ng makita kita ulit, walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo. At handa akong maghintay hanggang sa maging pareho na tayo ng nararamdaman." Mahabang pahayag niya mas lalo naman akong hindi nakapagsalita dahil sa mga sinabi niya.

"Baka nga pareho na eh, ayaw mo lang umamin" dagdag pa niya, ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko. Sa sobrang hiya ko ay bahagya ko siyang naitulak, pero napalakas pala kaya muntik na siyang malalag sa bench na inuupuan namin.

"Oi! Dahan dahan naman. Alam kong kinikilig ka pero walang tulakan" alam kong nagbibiro siya kaya naman hindi ko maiwasan ang matawa.

"Hahahahahahaha" tanging halakhak nalang ang nagawa ko.

"Huwag ka masyadong tumawa, lalo akong naiinlove sayo" hindi talaga siya tumitigil sa mga pahaging niya.

"Tigilan mo na nga ako! Niloloko mo lang ata ako eh" akmang tatayo ako pero bigla niyang hinila ang kamay ko, hindi ako handa sa ginawa niyang iyon kaya naman nawalan ako ng balanse at bahagyang napaupo sa mga binti niya.

Nakakalong ako sa kanya, mabuti nalang at maganda ang pagkakabagsak ko at hindi nasira ang bench na inuupuan namin. Nagkatitigan pa kami bago ako nagmamadaling tumayo mula sa pagkakakalong sa kanya. Mabuti nalang at wala dito ang mga kaklase ko dahil sigurado akong tutuksuhin na naman ako ng mga iyon kapag nakita kami sa ganitong itsura.

"Ayan! Kalandian mo dinadamay mo pa ko" pag iwas ko sa kanya, dahil ramdam kong sobrang pula na ng mukha ko. "Diyan ka na nga papasok na ko sa loob ang init dito" humakbang na ko papaalis. Ramdam ko naman ang pagsunod niya.

Nagulat pa ko ng bigla siyang umakbay sa akin. "Sus! Kinikilig ka lang eh" pang aasar pa niya sa akin.

"Hoy!! Ikaw ah, nagtetake advantage ka masyado, porket hindi kita sinasaway ah" pagtataray ko sa kanya. Alam kong iisipin niyang seryoso ako dahil nagtataray na ko. Kaya naman sumeryoso na din siya.

"Sorry na!" bumitaw siya sa pagkakaakbay sakin pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Hmmp!" nagdere derecho lang ako sa paglalakad pagkatapos kong agawin ang kamay ko sa kanya. Nakasalubong naman namin si Chris habang naglalakad papunta sa kwarto.

"Ano ba yan? Hindi pa man sinasagot LQ agad?" tiningnan ko lang siya ng masama at nagdere derecho sa paglalakad.

Ramdam ko naman ang paghabol ni Jerome sakin. Pero hindi ko siya pinansin at dumirecho lang ako sa kwarto at nahiga sa kama.

"Sorry na kasi! Gia! Huwag ka namang magalit sakin, hindi naman ganon ang intensyon ko eh. Sorry na talaga! Please." Ramdam kong iniiwasan niyang hawakan ako o lumapit ng sobrang lapit sa akin. Natatawa naman akong nakatalikod sa kanya.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon