CHAPTER 24

5 2 0
                                    

CHAPTER 24 – CONTINUATION OF TRIP TO PALAWAN

GIANA'S POV

Nagising akong yakap yakap ni Jerome, ramdam na ramdam ko pa rin ang nangyari sa amin kagabi. Bagay na hinding hindi ko pag-sisisihan dahil ibinigay ko ang sarili ko sa kaisa isang lalaking minahal kong lubos. Naisip ko baka kaya hindi ko matagpuan sa kahit na sinong lalaki ang pagmamahal na nais ko dahil ang lalaking ito lamang ang makakapagpuno sa pagmamahal na iyon.

Bago pa tuluyang lumalim ang iniisip ko ay napagpasyahan ko ng bumangon, dahan dahan kong inalis ang mga kamay ni Jerome na nakayakap sa akin, maingat na maingat upang hindi ko siya maabala sa mahimbing niyang pagtulog. Nagtagumpay naman ako at dali daling dumirecho sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay isa isa kong pinulot ang mga damit namin na nagkalat sa sahig.

Bumaba na lamang ako para umorder ng agahan namin ni Jerome, balak ko ay ipahanda na lamang ito sa kwarto namin. Dumirecho na ko sa restaurant at nirequest ang order namin. Sabi ko ay tatawagan ko na lamang sila kapag pwede na nilang iakyat ang mga pagkain dahil natutulog pa naman si Jerome.

Napagpasyahan ko na maglakad lakad malapit sa dalampasigan. Hindi pa man ako napapalayo ay nakita ko ang pwesto ng duyan kung saan nagpropose si Jerome kagabi. Lumapit ako doon at naupo. Sinariwa ang mga alaala mula ng muli kaming magkita hanggang sa mga oras na ito. Habang pinagmamasdan ang singsing sa kaliwang kamay.

"Hayy, naiiyak na naman ako" hindi ko na napigilang kausapin ang sarili ko.

Naramdaman kong parang may papalapit sa akin kaya agad kong inayos ang sarili ko. At hindi nga ako nagkamali, maya maya pa ay sumulpot na si Francis sa harapan ko.

"It was nice to see you again Giana" sabi niya na may nakakalokong ngisi sa mga labi.

Umarko naman ang kilay ko sa tinuran niya. Kilala ko si Francis, at alam ko ang isa sa madilim na parte ng buhay niya. Sa totoo lang ay nilalakasan ko lang ang loob ko sa harap niya pero may kaunting kaba akong nararamdaman dahil sa alam ko ang kapasidad niya ... at ng sakit niya.

Pinakalma ko ang sarili ko't hinarap siya ng maayos. "Yeah, long time no see, you look good"

"Small world isn't it? How long did you know this family, mukhang hindi ito naresearch ng mga tao ko." Kaswal na turan niya.

"Them, I don't know them, I'm just here because of Jerome and his child. So tama naman siguro ang research ng mga tao mo." Pilit nilalakasan ang loob, iniiwasang pumiyok sa bawat salitang bibigkasin. Mahirap na baka matrigger ko saltik nito.

"Oh! I see" naglalakad siya pababalik balik sa harap habang hawak ang baba niya. "Is that so? So wala naman pala akong dapat ipag-alala?" Maya maya ay unti unti na siyang naglalakad papalapit sa akin.

"Why? Are you afraid that I will tell her?" kitang kita naman ang pagbabago sa mga mukha niya. Pero agad naman siyang nakabawi at mabilis na nakalapit sa akin.

"Don't you dare tell her th-"dinuro niya ko pero mabilis kong nasalag ang mga kamay niya.

"Hindi ko kailangang sabihin sa kanya, dahil kahit wala akong gawin, malalaman niya. Ikaw mismo ang magbubuko sa sarili mo. Kaya hindi mo ako kailangan balaan. Bantayan mong mabuti ang sarili mo, siguraduhin mong hindi mo malalabas yan kapag kasama mo siya. Kung ayaw mong iwan ka niya dahil sa takot niya sayo sa tuwing inaatake ka." mahabang paliwanag ko na siya namang biglang nagpabago sa emosyon ng mukha niya.

"We've been together for a very long time now, I can barely manage it from time to time. I'm sorry. Natatakot lang kasi akong iwanan niya ko kapag nalaman niya ang nakaraan ko." kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Ganito talaga siya. Mabilis magbago ang mood sa loob lang ng iilang minuto. Kaya naman kahit natatakot ako ay nagagawa kong kumalma, I didn't take up psychology for nothing kaya naman nahahandle ko siya kahit papaano.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon