CHAPTER 29

5 1 0
                                    

CHAPTER 29

JEROME'S POV

Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay nandito na naman ako papunta sa subdivision kung saan nakatira si Gia. Minsan nga ayaw na akong papasukin ng mga guard dahil wala naman daw doon si Gia. Pero nakikiusap nalang ako kaya hinahayaan nalang nila ako.

"Oh sir, ikaw na naman." bati sa akin ng guard. Nginitian ko na lamang siya.

Pagliko ko sa kanto nila Gia ay ganoon na lamang ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakikita ko ngayon ang kotse niya na nakaparada sa labas ng bahay nito. Maging ang mga ilaw sa sala at kwarto ay nakabukas.

Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko dahil baka namamalikmata lang ako pero hindi, hindi ako nananaginip. Nandito na nga siya.

Dali dali akong naglakad papunta sa bahay ni Gia at walang pag aatubiling nagdoorbell.

Parang pansamantalang tumigil ang mundo ko, nang mula sa screen door ng pinto ay nakita ko. Si Gia. Ang babaeng miss na miss ko na.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya, habang papalapit siya sa gate. "Jerome, anong--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya, agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Gia, miss na miss na kita. Hindi mo lang alam kung gaano ako nangulila ng mawala ka. Gia! Huwag mo na akong iiwan ulit." Naramdaman kong lumuluha na ako pero wala akong pakialam. Labis labis ang pagkasabik ko sa babaeng ito.

Humiwalay ako sa pagkakayakap at tinitigan ang kanyang mukha, pansin ang ilang pagbabago sa kanya. Medyo tumaba siya, nakataas na ang buhok niyang palaging nakalugay. May mga pawis din sa noo niya, mukhang may ginagawa siya bago ako dumating.

"Paano mo nalaman na nandito na ko?" takang tanong niya.

"Hindi ko alam. Sa totoo lang wala akong alam. Pero araw araw bumabalik ako dito, umaasang isang araw babalik ka at magkikita tayong muli. Buti nalang at hindi ako sumuko." nagulat siya sa sinabi ko.

"Araw araw? Tatlong taon? Araw araw? Seryoso ka?" gulat na gulat talaga siya sa mga sinabi ko.

"Oo, gusto mo itanong mo pa sa guard eh."pagyayabang ko sa kanya. " Pero--"

"Mommy" nagulat ako sa boses ng bata sa likuran ni Gia.

"Mo- Mommy?" paguulit ko sa tinuran ng bata.

Nagpapalit palit ang tingin ko kay Gia at sa bata. Ngunit napako ang tingin ko sa kanya na para bang nakikita ko ang sarili ko sa batang iyon. May kung anong kibot sa puso akong naramdaman.

"Daddy!" nagulat ako ng bigla ay tinawag akong daddy ng bata. Tinawag niya kong daddy?

"Ahm. Pasok muna tayo sa loob?" yaya ni Gia at agad namang tumalikod sa akin hawak hawak ang bata.

Pagpasok ko ay tumakbo payakap sa akin ang bata. "Daddy! Yehey! Nakita ko na si Daddy!" masiglang masigla ang bati sa akin ng bata.

Punong puno ako ng pagtatakang tumingin kay Gia habang sinasalubong ko ang yakap ng bata.

"Maupo ka muna, please." habang karga ko ang bata ay naupo ako.

"Dion, can you play with your ipad upstairs, you're dad and I will just talk, is that okay?" utos ni Gia sa bata.

"But Mom, I want to play with Daddy." maktol naman ng bata.

"Yes anak later, you will play with Dad, we will just talk first for a moment okay?" sagot naman ni Gia.

"Sure mom. Bye dad see you later." paalam naman ng bata at umakyat na siya sa taas.

Nanatili naman akong nagtataka sa mga nangyayari.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon