CHAPTER 28

5 2 0
                                    

CHAPTER 28

JEROME'S POV

"Just try. Isipin mo din si Aiah, mas makakbuti ito sa kanya. Huwag na nating pahabain pa ito. Tama siya. Makakabuti ito sa bata." tumalikod na siya at sumakay sa sasakyan. Sinubukan ko pa siyang habulin pero humarurot na siya.

Naiwan akong nakatulala sa kawalan. Pilit na inaabsorb ang huli naming napag usapan. Nakipaghiwalay na ba siya sakin.

Sinubukan kong tawagan ang lahat ng number niya pero ni isa doon ay hindi niya sinasagot. Maging sa company phone niya ay tinatawagan ko siya ngunit mukang nakablock na ako maging sa number na iyon.

Kinabukasan, maaga palang ay nandito na si Aica. Mukhang seryoso siya sa gusto niyang mangyari. Pero nangako ako sa sarili ko na hinding hindi ko susukuan si Gia. Kahit gaano katagal, kahit anong mangyari. Hinding hindi ko siya susukuan.

Hinayaan ko lang si Aica sa mga ginagawa niya. Kahit araw araw na nandito siya ay hindi ko siya pinagtutuunan ng pansin. Maging ang anak namin ay ginagamit niya para mapalapit sa akin ngunit hindi ako nagpapatinag. Wala akong ibang gustong makasama kundi si Gia lamang.

Tuwing gabi. Tuwing oras ng pag-uwi niya ay pinupuntahan ko siya sa bahay niya. Maging sa trabaho ay inaabangan ko siya ngunit ni anino niya ay hindi ko nakikita. Hindi ko alam kung lumipat ba siya ng bahay o ano.

Sa tuwing pumupunta ako dito ay sarado ang mga gate at patay ang lahat ng ilaw. Wala din sa garahe ang kanyang sasakyan. Maging sa opisina ay hindi ko din nakikita ang sasakyan niya. Kaya kahit anong abang ko ay hindi ko siya nakikitang lumabas doon.

"Hindi ko na naman alam kung saan ka hahanapin." halos maubusan na ko ng pag-asa. Maging ang pamilya niya ay hindi sinasabi sa akin kung nasaan siya. Batid kong sinadya niyang gawin ito upang maging totoo sa sinabi niya sakin.

Pero hindi nito mababago ang isip ko "kahit gaano katagal Gia, maghihintay ako sayo."

Lumipas ang mga araw na naging paulit ulit nalang, pagkagaling ko sa trabaho ay dederecho ako sa bahay nila Gia para abangan ang pag uwi niya. Ngunit gaya ng mga nagdaang gabi wala akong inaabutan at wala ding dumadating.

Naging madalas din ang pagpunta ni Aica dito sa bahay at ang effort niyang makipagbalikan sa akin. Ngunit nanatili akong matigas sa desisyon kong si Gia lamang ang mamahalin ko.

"Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan, iniwan ka na ni Gia, nagpaubaya na siya para sa atin, para maayos ang pamilya natin. Bakit ba hindi mo nalang gawin ang sinabi niya sayo?" tila nauubos na ang pasensya ni Aica dahil sa araw araw na lamang na ginawa ng Diyos ay ni tingnan siya ay hindi ko ginagawa. Talagang pinaparamdam ko sa kanya ang kawalan ko ng pakialam sa presensiya niya upang siya na mismo ang sumuko sa ginagawa niya.

"Kahit anong gawin mo, si Gia ang mahal ko at hinding hindi na kita babalikan." matigas kong sabi sa kanya.

1 YEAR LATER

Isang taon na nakakalipas, araw araw pa rin akong naghihintay. Hanggang ngayon ay wala akong balita sa kanya. May mga pagkakataong naiisipan ko nang sumuko pero hindi talaga. Hinding hindi ko siya kakalimutan. Maghihintay ako kahit walang kasiguraduhan. Naniniwala akong babalik siya, babalikan niya ko.

6 months ago tuluyan ng naninirahan dito si Aica tutal araw araw naman din siyang nagpupunta dito. Kaya naman mas naging madalas ang pananatili ko sa harap ng bahay ni Gia. Umuuwi lamang ako dito para magbihis,at pagkagaling sa trabaho ay dederecho na sa bahay nila Gia. Alam kong napapabayaan ko na ang anak ko ngunit dahil gusto naman ni Aica makasama ang bata ay hinayaan ko na lamang siya.

Makalipas ang anim na buwan heto siya at nag eempake na. Marahil ay natauhan na siya dahil desidido talaga akong hindi na siya balikan pa. Dahil kahit anong mangyari. Si Gia lang ang mamahalin ko. Siya lang at wala ng iba.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon