Chapter 9

5 2 0
                                    

CHAPTER 9

JEROME'S POV

Ngayon ay araw ng Sabado, ngayon din ang araw na sinabi ni Kuya Paolo na meeting ng mga Alumni para sa dadating na homecoming. Makikita ko kaya siya ngayon? Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko.

"Oh? Papunta ka na ba sa school?" Bungad sakin ni Ate Cielo ng lumabas ako ng kwarto. Mula ng ikasal sila ni Kuya Paolo ay dito na din sila nakatira sa bahay. "Aantayin ko lang si kuya mo, susunod na din kami don."

"Ah sige, natutulog din si Aiah, baka kasi humabol pa kung gising siya pag alis ko, binilin ko naman na kay Ate Kaye, mauuna na ko." Tumango lang siya. Lumabas naman na ko ng bahay at sumakay sa motor.

Pagdating ko ay marami rami na din tao, may sumalubong sakin at tinanong kung anong batch ko, nung sinabi kong batch 2004 ako, sinabi niyang doon sa court ang pwesto namin ng meeting kaya doon na din ako dumirecho. Nakita ko naman ang mga kaklase ko at nakipagbatian sa kanila.

Matagal na masyado ang nangyari sa huling reunion para magtanim pa ko ng sama ng loob sa kanila, kaya ito ako ngayon nakikisama nalang sa kanila. Palinga linga ako, umaasang makita ang kanina pang inaasahan at gustong makita pero walang bakas niya ang makikita sa paligid.

Maging si Lian ay wala, baka gaya ng dati ay sabay na naman silang dadating. Sa ilang araw na lumipas bago dumating itong araw na ito, palagi ng laman ng isip ko si Gia. May mga pagkakataon pa ngang sinasadya kong dumaan sa harap ng bahay nila, sa umaga, sa tanghali o sa gabi umaasang makita siya.

Aaminin kong namimiss ko siya, at excited na kong makita siya ulit. Sinubukan ko siyang hanapin sa FB ngunit sobrang pribado noon, tanging ang profile picture lang niyang larawan pa niya noong bata pa siya ang nandoon kaya hindi na ko sigurado kung anong pagbabago ba ang meron sa kaniya ngayon.

Hindi ko din siya in-add dahil ayokong isipin niyang bigla ko siyang naalala, sampung taon nga din naman kasi na ang nakakalipas. At isa pa ako ang nag unfriend sa kanya. Nakaramdam ako ng kaunting hiya dahil doon.

May ilang minuto pa bago magsimula, madami na din ang nagdadatingan na sa tingin ko ay mula sa ibang batch dahil inaassist sila nung kaninang lumapit sa akin at tinuturo sa ibang lugar.

Nakaupo ako sa kaliwang parte ng mga upuan sa harap ng stage sa pinakadulo. Busy naman sa pagkukwentuhan ang mga kasama ko sa kalapit na mga upuan. Nakikinig naman ako sa kanila, at sumasagot kung ako ang kinakausap at tinatanong.

Maya maya ay may dumating na VIOS na kulay itim, tinted ang salamin noon kung kaya hindi makikita ang sakay noon. Nagpark ang sasakyan sa may likod mismo ng mga upuan na nasa harap ng stage.

Napalingon ang lahat ng nasa gawin na iyon ng harap ng stage dahil sa pagtigil ng sasakyan na iyon hindi kalayuan sa pwesto namin. Maya maya ay bumaba mula sa passenger's seat ang isang pamilyar na bulto. Si Lian. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nang mula naman sa driver's seat ay bumababa ang bultong kanina ko pang hinihintay makita.

Pakiramdam ko ay nakanganga ako ng makita ko siya, sobrang laki ng pinagbago niya mula ng huli ko siyang makita. Nakasuot siya ng itim na tube sa loob ng kulay puting see through women's polo, nakamaong na short na may katamtamang iksi lang at naka birken na sandals. Nakalaylay din ang kulay golden blonde niyang buhok na may highlights na blonde at nakakulot sa dulo.

Nagising ang ulirat ko ng marinig kong pindutin niya ang lock ng kotse at tumunog iyon hudyat na ni-lock niya ang sasakyan. Naglalakad na siya ngayon papunta sa unahan sa may parte ng stage, kasunod naman niya si Lian.

Pasimple akong umayos ng upo, hindi ako sigurado kung may nakakita sa akin sa reaksyon ko kanina. Hanggang ngayon ay namamangha pa din ako sa nakikita ko kay Gia. Pakiramdam ko ay bagong tao ang nakikita ko ngayon. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya, wari'y sinasaulo ko ang bawat linya ng buong pagkatao niya.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon