CHAPTER 26

5 1 0
                                    

CHAPTER 26

AICA'S POV

Naging balisa ako sa presensya ni Francis, hindi ko alam kung paanong babalik sa dati ang relasyon namin pagkatapos ng mga nalaman ko. Hindi ko tuloy napansin na hindi pala pumasok sa trabaho ang asawa ko, pagbaba ko ng sala nakita ko siya roon na nagkakape habang nagbabasa sa laptop niya.

"Goodmorning Hon! Gising ka na pala?" nakangiting bati niya sakin. Maganda naman ang mga ngiti niya ngunit bakit parang nagdala ng kilabot yun sa akin.

"Kumain ka na ba? Sabay na tayong magbreakfast?" kaswal kong sabi sa kanya ngunit hindi maitatanggi ang kaba sa dibdib.

Lalo pa akong kinabahan ng lumapit siya sa akin."May gusto sana akong sabihin sayo?" sa hindi malamang dahilan ay parang lumambot ang puso ko, pakiramdam ko bumalik na ang asawa ko.

Naupo kami sa mahabang sofa sa sala."May aaminin ako sayo, pero sana huwag kang magagalit sa akin." nagtataka man ay mataman akong nakinig sa kanya.

Mula sa la mesa sa harap namin ay may kinuha siyang envelop. Inabot niya sa akin iyon. "Medical documents ko yan simula pa nung bata ako. Nakalagay diyan lahat ng medical treatments na ginawa ko, nanjan din yung psychological diagnosis ko." bigla akong nagka idea sa sinasabi niya, ngunit nagpanggap akong naguguluhan.

Binuksan ko ang envelop at nakumpirmang may Unspecified Schizophrenia nga siya. Bawat isang dokumento ay naglalaman ng mga therapy schedule at remarks ng doctor patungkol sa improvement ng case niya.

"Yan ang dahilan ng biglaan naming pag alis ng Pilipinas noon. Naging malala ang mga sintomas ng sakit ko, na kahit anong gamot na iturok sa akin ay parang hindi na umeepekto. Madami na din akong nagagawa na kahit ako ay hindi ko alam na ginagawa ko pala ang mga iyon. Ayokong malaman mong ganito ako kaya kahit malayo ako sayo ay pumayag ako, dahil gusto kong gumaling para maging karapat dapat ako para sayo. Ayokong malaman mong ganito ako at tuluyan mong iwan.

Pero huminga siya ng malalim bago muling nagsalita, "hindi ko gugustuhing mamuhay ka kasama ko habang ganito ako."

"Anong ibig mong sabihin?" gulong gulo na ang utak ko sa mga sinasabi niya.

"Babalik ako ng America para magpagamot. But I'm afraid, hindi kita maiisama pa doon. Kung sa ganitong mga sitwasyon palang ay natatakot na kita, kapag dumaan ako sa mga theraphy session, alam kong higit lang kitang matatakot at ayokong malagay ka sa sitwasyon na iyon. Kaya naisip kong maghiwalay na muna tayo habang inaayos ko ang sarili ko."

"Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay, pero hindi ako magiging karapat dapat na asawa at ama ng magiging anak natin kung ganito ako. Aica, ayokong makulong ka sa relasyong mayroon tayo. Hindi ko kakayaning habang buhay kang mababalot ng takot mo sa akin sa tuwing inaatake ako ng sakit ko. Umaasa akong mababalikan pa kita kung gagaling ako pero hangad ko ang kaligayahan mo. Sana ay mahanap mo iyon."

"Francis" yun lang ang nasabi ko at tumulo na ang luha ko.

Ilang araw na ang nakakalipas mula ng umalis si Francis patungo sa America, at heto ako ngayon sa Laguna sa piling ng pamilya ko.

Naisipan kong dalawin si Aiah, kaya naman heto ako at naghahanda na papunta sa kanila.

Pagdating ko doon ay nadatnan ko ang pamilya nila kasama ni Gia. Wrong timing yata ako pero nakita na ko ni Ate Cielo kaya hindi na ko nakaalis pa.

"Oh Aica, anjan ka pala? Nandito ka ba para dalawin si Aiah?" tanong ni Ate Cielo sakin, nagtinginan naman ang lahat sa akin.

"Sorry, biglaan lang. May dinaanan kasi ako sa malapit kaya naisip kong dumaan na din dito. Kung okay lang?" nahihiyang ani ko sa kanya.

"Halika! Pasok ka. Sakto nagmemerienda na din kami. Kain" alok sakin ni Ate Cielo.

Pumasok ako at bumati sa tatay nila at niyakap naman ang anak ko. Nakita ko naman ang magbabago ng itsura ni Jerome, halatang hindi niya gusto ang presensiya ko dito lalo't nandito si Gia. Gayunpaman, nilapitan ko nalang ang anak ko at nakipaglaro sa kaniya.


Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon