Chapter 3

6 3 2
                                    

CHAPTER 3

GIANA'S POV

Mabilis na lumipas ang mga araw, inakala kong uubusin ko ang bakasyon ko sa pagkain at pagtulog, pero nagkamali ako dahil sa biglaang paggiging organizer ko ng reunion na ito. Naging busy kami sa paghahanap ng pwede magluto ng food na kakainin namin sa swimming at paghahanap ng marerentahang sasakyan na maghahatid sundo sa amin sa resort. Nagprepare din kami ng ilang mga games para magkaron kami ng short program sa event na yon.

Sa pagdaan ng mga araw, patuloy din ang pakikipagtext at tawagan ko kay Jerome, aaminin ko na may kakaibang pakiramdam akong nararamdaman sa tuwing magkakausap kami. Kung minsan nga ay nilolook forward ko na din ang mga messages niya. Gustuhin ko mang pigilan ang nararamdaman ko pero parang kusa niya na talagang nararamdaman ang mga iyon.

Aminado akong kinikilig sa tuwing inaalala niya ko, sa pagdaan ng mga araw ay unti unti ko na din siyang nakilala. Nahahalata ko din na napakarami niyang alam tungkol sakin sa kabataan ko, bagay na ipinagtataka ko nung una, pero sa huli ay nakapagbigay ng isipin sa akin patungkol sa kung ano ba talaga ang intensyon niya sa pakikipagusap sa akin.

Magdamag na gumulo sa isip ko ang mga napagusapan namin patungkol sa buhay ko nung elementary na halos lahat ay parang nakita niya samantalang ako ay hindi man lamang matandaan na nandoon siya sa mga pangyayaring iyon sa buhay ko.

"Hindi kaya, may gusto sakin ang taong 'to bata palang kami?" Nangilabot ako sa naisip ko, para kasing hindi kayang tanggapin ng sistema ko na meron posibleng magkagusto sa akin. Ayoko din namang itatak sa isip ko ang bagay na yon dahil baka nagkakamali lang ako.

Sa huli, inisip ko nalang na baka observant lang talaga siya sa mga kakilala niya, at pilit inaalis sa utak ang unang naisip. Ayokong umasa, baka mamaya mali ako, baka namimisinterpret ko lang ang mga ginagawa niya. Gia! Wag marupok please lang! Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko.

FAST FORWARD A DAY BEFORE THE REUNION

All set na ang lahat, alas singko bukas ng hapon ang usapan namin na magkikita kita sa school para sabay sabay na pumunta sa resort.

Nag-usap din kami ni Lian na sabay ulit kaming pupunta sa school, ilan beses ko pa siyang pinaalalahanan na huwag malelate gaya nung araw ng meeting namin at binalaan na mauuna na ako kapag wala pa siya ng 4:30 pm sa bahay. Ayoko kasi talaga ng nalelate sa kahit saan, mas gusto ko pa na ako yung naghihintay kesa may naghihintay sakin.

KINABUKASAN.

Maaga palang ay nagreready na ko ng gamit na dadalhin ko, tulad nalang ng toiletries at ng pamalit ko, dahil nga swimming yun. Hinanda ko na din ang susuotin ko paalis. Hindi talaga ako palaayos o maporma, laging ordinaryo lang ang sinusuot ko sa araw araw. Naisip kong isang black spaghetti strap at maong short na hindi ganung kaikli ang suotin ko na papatungan ko lang ng poncho blouse, balak ko ay tanggalin nalang ang poncho blouse kapag magsuswimming na. Bahagya ko din itinali ang buhok ko paitaas dahil masyadong mainit yung oras ng meet up namin.

Nang masigurado ko nang kumpleto na ang lahat ng gamit ko ay tinawagan ko na si Marc para icheck kung okay na ba ang sasakyan at kung nasundo na ba nila yung mga pagkain dun sa kinuha naming taga luto. Nung sinabi naman niya na nandun na sa school ang lahat ay nagpasya na din akong magprepara para umalis.

Sunod ko namang tinawagan si Lian pero bago ko pa man mai-dial ang number niya ay may kumakatok na sa labas. Sa tingin ko ay si Lian na yun. Kinuha ko na ang gamit ko at pasigaw nalang na nagpaalam sa nanay ko na nasa likod bahay.

Nagbatian lang kami at tiyaka masayang naglakad papunta sa school, naging mabilis lang ang paglalakad namin pero hindi naman nagmamadali dahil maaga pa naman. Pagdating namin sa school ay may mangilan ngilan ng mga kaklase akong nakita, natuwa naman ako na may mga kaklase at ka-batch kaming dumating na wala noong meeting. Masaya akong nakarating sa kanila ang balita tungkol sa reunion at eto nga at umattend sila.

Love Will Lead You Back [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon