29: Christmas

150 2 0
                                    


Naaamoy ko na ang simoy ng pasko. Nafefeel ko na. Ilang days na lang, pasko na!!!

Kaso mukhang malungkot ata yung pasko ko this year, wala yung pamilya ko. :(

"Uy, Lexie samahan niyo nga ako later ni Kat." sabi ni Cass

"Bakit?" tanong ko.

"Bibili lang ako ng mga decorations para sa christmas. At saka nga pala may christmas party tayo sabi ni President! Nakaka-excite diba?" sabi niya.

"Wow, exciting naman non. Sige, sama ko mamaya. Baka gusto mong isama na rin si Kevin?" nakangisi kong sabi.

"No thanks. Nakapag-move on na ko sa kanya. Charot, sige isama mo siya later. Bye girl, see you na lang mamaya." sabi niya.

"Lexie, may nagpapabigay." sabi ni Beatrice.

"Sino?" sabi ko.

"Wag daw sabihin yung pangalan eh. Sige, una na ko." sabi niya.

"Ah sige salamat." sabi ko.

May clue na ko kung kanino galing. Si Allen talaga, maisipan gagawin. Loko talaga.

Binigyan lang naman niya ko ng Starbucks coffee na may nakalagay na Mrs. Santos tapos yung favorite kong blueberry cheesecake. Napangiti na lang ako.

Ay nga pala, nakalimutan kong sabihin sa inyo na sa mismong christmas ay sasagutin ko na si Allen. Pero siyempre surprise iyon at hindi alam ni Allen.

Kaya kailangan ko ulit ang tulong ng buong barkada para sa preparation. Bibili na naman ako ng mga cheche bureche para lang sa surprise. Nako, ikaw na talaga Lexie!

Tinawag ko si Kevin dahil nanunuod lang naman ng movie sa cellphone niya. Lagot, hindi nagtatrabaho.

"Bakit? Ano kailangan mo?" sabi niya.

"Hoy grabe ka naman. Hindi ako john michael na nandyan lang kapag may kailangan. May tatanong lang ako sayo kuys." sabi ko

"Sige, anything. Hahaha."

"Ano ba magandang surprise? Yung cool ha!!" sabi ko.

"Naks. Hilig talaga ng surprise. Bakit, kailangan mo isusurprise na naman si Allen?" sabi niya

"Nanliligaw nga diba? Mga 2 or 3 weeks na siyang nanliligaw pero sa mga kinikilos naman niya.. halatang sincere at seryoso. Kaya sa pasko, baka sagutin ko na siya." sabi ko.

"Ganito. Isurprise mo siya mga bandang 11:59 ng December 24. O kaya naman alas dose to be exact. Para mas cool."

"Anong gagawin kong surprise? Help me naman!!" sabi ko.

"Saan ba location?" -Siya

"Naisip ko kasi sa kanila na lang. Para mas masaya. Nandun lahat. Family, friends and relatives niya. So.. final na sa bahay na lang nila." sabi ko.

"Eto lang masusuggest ko ha. Bat di kaya libangin niyo muna siya o kaya ayain niyo muna siya sa 24. Kunyaring bibili ng mga pagkain para sa christmas. Tapos kunyaring hindi ka makakasama. Ayun, dun ka lang magsisimulang magprepare. Idamay mo yung mga kaibigan mo para matapos agad. Basta ikaw na bahala Lexie!! Alam ko namang kaya mo yan eh! Ikaw pa." sabi niya.

"O sige na nga. Salamat na nga lang." sabi ko.

"Sige mauna na ko parekoy. May gagawin pa ko e." sabi niya

"May gagawin daw? Nanunuod lang naman ng movie." sabi ko.

"Shhhh! Wag kang maingay! Sige, bye! Kaya mo yan!" sabi niya.

SL 2: Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon