"Ano? Sa condo niyo siya papatuluyin? Ayoko nga." sabi ko.
"Allen.. wag ng matigas ang ulo. Pansamantala lang naman si Jiro sa condo mo. Pinsan mo pa man din siya." sabi ni Mommy
"E kahit na po. Di parin ako papayag." sabi ko.
"Isang linggo lang naman Allen. Dahil next week uuwi na yung kapatid ko. Nauna lang yung pinsan mo."
"O edi sa bahay niyo siya patirahin." sabi ko.
"Sa condo mo na nga lang diba? Para malapit na din sa pinapasukan niya. Kesa sa Tayuman." sabi niya.
"Isang linggo lang?" sabi ko.
"Depende kung kailan uuwi si Carla." sabi niya.
"Ay nako Mi. Isang linggo lang. Sapat na yun."
"Bat ba kasi ayaw na ayaw mo sa pinsan mo?" tanong niya
"Alam mo na yun. Natandaan mo ba nung nag highschool kami pareho.. diba nga kaklase ko siya non, may nililigawan akong babae, si Alex ata yun. Basta yung mahilig gumala satin nung nasa Cavite pa tayo, Mi. Hindi ko alam.. inunahan na pala ko nung kumag na yun. Hindi ko pa namamalayan na sila na pala ni Jiro. Kaya hindi naging kami ni Alex. Timawa ang tagal kong niligawan si Alex non.. inunahan lang ako ni Jiro."
"Pero okay na rin 'yon, nak. Edi kung hindi inagaw sayo ng pinsan mo yung Alex.. hindi mo makikilala si Lexie ngayon. Diba?"
"Oo nga no? Pero subukan lang niyang agawin sakin si Lexie.. kalimutan nalang niyang magpinsan kami. Nakakabanas talaga, Mi."
"Pabayaan mo na." sabi ni Mommy.
Bumaba na kami para mag tanghalian. Naghihintay na rin si Jiro sa sala. Feel at home pa si kumag.
Habang kumakain kaming tatlo, biglang nagsalita si Mommy.
"Kamusta ka na ba Jiro, nak?" sabi ni Mommy
"Ayos lang naman po. Kaso ayun nga po, pinapapunta kami dito ni Mama para ayusin yung trabaho dito sa Manila." sabi niya.
"Magtatagal ba kayo dito?" -Mommy
"Depende po. Siya nga po pala, ikaw bro.. san ka pala nagtatrabaho ngayon?" tanong niya.
"Sa Santiago's Event Marketing Co." sabi ko.
"Wow. Dun ka? Sikat kaya yun sa buong Manila. Saka sa pagkakaalam ko, may branch pa sila sa ibang bansa. Yaman kaya nung may ari na yun. Swerte mo bro." sabi niya.
"E ikaw ba Jiro, san ka dito sa Manila?" sabi ni Mommy
"Dyan po sa Makati."
Kwentuhan ng kwentuhan sila Mommy saka 'tong pinsan ko. Tawa ng tawa. Ako naman malapit ng mabwisit dito sa lalaking 'to. Hanggang sa marinig ko yung pinaguusapan ulit nilang dalawa.
"May girlfriend ka na ba?" tanong ni Mommy kay Jiro.
"Wala po. Single po ako ngayon." sabi ni Jiro.
"Himala?" bulong ko. Bigla naman akong tinapakan ni Mami. Siguro narinig yung binulong ko.
"E ikaw ba Allen?" tanong ni Jiro.
"Meron." sabi ko sabay alis.
Pero tinawag pa ko ni Mommy. "Allen, tapos ka na ba nak?" sabi niya.
"Opo!" sigaw ko habang umaakyat sa hagdanan.
Makapagayos na lang ulit ng gamit at uuwi na naman ako sa condo.
BINABASA MO ANG
SL 2: Complicated Love
RomansaMagiging sila pa kaya sa kabila ng lahat na kahit paglaruan na sila ng tadhana at madaming umeeksena sa kanilang dalawa, mauuwi pa kaya sa happy ending ang kanilang lovestory? The continuation of the Allex Couple's love story.