20: Allex Vibes

203 3 1
                                    


"Kamusta naman byahe niyo? Ayos ka lang ba? Baka pagod ka pa? Kamusta naman kayo ni Allen? Maganda ba sa Vigan?"

"Interview ba itey?" sagot ko.

"Tanggal na ba yung hangover mo sa Vigan? Kakauwi niyo palang gimik na agad yung gusto mo." -Marion

"Hoy pasalamat nga kayo dyan e. Pagod na nga ako sa lagay na 'to pero mas pinili ko paring gumala kasama niyo." sabi ko.

"Nako lagot ka kay Tita. Pahinga ka muna kaya kahit isang oras lang? Kami mapapagalitan sayong bata ka e. Masyado kang batang hamog." -Caloy.

"Uy nagtext sila Mikalya saka si Benjamin." -Dani.

"Ano sabi?" -Jeremy.

"Umuwi na daw ba si Lex. Reply ko, oo. Hinahanap tayo nung magsyota." -Dani.

"Sabihin mo nandito tayo sa condo ni Lexie." -Jeremy.

"Guys.. kung isama kaya natin si Allen?" tanong ni Caloy.

"Wag." bigla kong epal.

"Bakit?" tanong nilang lahat.

"Pagod 'yon. Next time niyo na lang siya ayain." sabi ko.

"Ayun e, ang sweet. Baka ba mapagod? Hahahaha. Worried o." -Caloy.

"Nako Caloy."

"Kamusta na nga ba kayo ni Allen, par?" -Dani.

"Going strong yung friendship. Ice na yun." sabi ko.

"Wala na ba talagang chance?" -Marion.

"Hindi ko alam. Paanong magkakaron ng chance, e kung may special someone na?"

Halatang nagulat silang lahat. OA guys ha.

"Pe..p-pero... MAY SPECIAL SOMEONE NA YUNG BULOL NA YON?! PAANO NA ANG ALLEX VIBES?!" sabi nilang lahat.

"Hindi lahat ng storya natatapos sa happy ending. Hindi laging masaya." sabi ko.

"Weh, ikaw ba yan Lexie?" sabi ni Dani.

"Makatulog muna. Gawin niyo muna kung ano yung gusto niyo. Pagod na pagod na talaga ko." sabi ko sabay higa sa kama.

"Sleepwell!" sigaw nilang lahat sa labas ng kwarto.

Marion's POV.

"Naiisip niyo ba yung naiisip ko?" tanong ko sa kanila.

"Oo naman. Tara sa kabila naman tayo." sabi ni Caloy.

Pasalamat sa mga bulol na 'to, hindi slow. Gets agad.

Nagdoorbell kami sa pad ni Allen.. maya maya ay binuksan na niya agad.

"Kayo na naman?!" -Allen.

"Pare, may hindi ka pa sinasabi samin ah." -Jeremy.

"Ano na naman?" -Allen.

"Ah.. yung sa Vigan ba? Masaya naman. Kasama ko nga si Lexie nung isang gabi e----" -Allen.

"Hindi 'yon. Yung may sinabi samin si Lexie na may iba ka na daw. Totoo ba yon?" -Caloy.

"Hoy mga 'tol. Magpapaliwanag ako. At alam kong magagalit na naman kayo saken. Kaya sasabihin ko na yung totoo."

"Buti alam mo, par." -Dani

"Ganito kasi 'yon..." -Allen.

"Teka lang huy. Uy Allen, kakainin mo ba 'to?" sabi ni Caloy kay Allen. Pagkain na naman. 👊

"Sige, sa inyo na 'yan."

"Yon, pre salamat!" sabi namin.

"Sige, continue." sabi ko.

SL 2: Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon