"Ang tagal naman." sabi ko habang nagpapaypay dito.
"Maghintay ka kase!" sabi ni Benjamin.
"Kailan ba landing nila Insan? Napakainit kaya." sabi ko.
"Mag ipit ka nga. Naaalidbadbaran ako sayo." sabi ni Benj.
"Parang Allex Vibes lang ah? Hays." sabi ni Caloy at Jethro.
"Nakakamiss no?" sabi ni Marion.
"Sinabi mo pa." sabi ni Jeremy.
"Asan nga pala si Allen? Hindi talaga siya sumama no? Takot kay Insan?" sabi ko.
"Engot ka ba? Malamang may mga nakaraan na yung dalawang 'yun. Siguro hindi pa sila ready magkita ulit." Kahit kailan ang epal nitong Benj na 'to.
"Bat ba ang epal mo? Hindi ka naman kausap dyan eh." sabi ko.
"Pero seryoso. Asan si Allen?" tanong ko ulit sa kanila.
"May pupuntahan daw sa Makati." sabi ni Jeremy.
Jusko po. Ang sakit na ng pwet ko wala parin sila Insan. Dalawang oras na kami dito hangga't ngayon wala parin.
"Hintayin na lang natin na maging arrived yung flight nila." sabi ni Joey.
Natapos rin ang ilang weeks at napakabilis talaga ng araw. Parang kailan lang diba makalipas nung sa amin ni Benj, ngayon, uuwi na naman sila Insan dito para mag stay ng matagal tagal. Yun oh. Sana naman magka-ayos na rin sila ni Allen. May chance pa kaya ulit sila? Tanging sila na lang kaya ang hindi okay.
"FINALLY!!!" nagulat ako sa katabi ko. Bigla biglang magsasalita. Si Marion talaga.
"Asan? Asan si Insan?!" taranta kong sabi.
"Ayun oh!" turo nilang lahat.
"Asan?!" sabi ko. Ang dami kasing tao. Hindi ko makita.
"Hirap ng maliit no? Hahahahaha." sabi ni Benjamin.
"Ulul!" sabay sabunot ko sa kanya.
"Bwisit talaga 'to. Tamong inabot ako ng isang oras dito kakaayos ng buhok ko tapos guguluhin mo lang? Abno!" sabi niya na parang inis na inis na.
"Lagkit ng buhok mo, ew!" sabi ko.
"Arte. Claydo kasi 'yun. Tsk." sabi niya.
"Huy tara na dun! Nandun na sila Tita!" sabi nila Marion samin.
Tumakbo na kami papunta kay Lexie. Shemay, nakita ko na yung napakaganda kong pinsan (joke lang syempre) Ganun parin. Walang pagbabago. Still look so pretty parin katulad ko. Joke lang guys. Hahaha.
"INSAN!" sigaw ko.
"Hoy, eskandalosa!" sabi ni Benjamin.
"Bat ba? Wala kang pake. Sa namiss ko yung pinsan ko eh." sabi ko sabay takbo kila Pinsan.
Ibang iba na si Insan. Ibang iba sa dating Lexie. Ikumpara mo naman yung ichura niya noon sa ngayon. Mukhang ewan diba? Nag matured na yung face niya pero maganda parin. Halatang napaka RK na ng batang 'to. So proud of her!
"Insaaaan!" sabay yakap ko sa kanya pero tinanggal niya 'yon.
"Sino ka? Kilala ko ba kayo?"
"Hay, ewan ko sayo. Wag mo kong lokohing gaga ka. Ganyan ka na ba? Porket nakarating na ng ibang bansa, nakalimot ka na." sabi ko.
"Oo nga. Kita mong nag countdown pa kami para sa pagdating mo. Tapos gaganyanin mo lang yung pinsan mo."
"Nga naman. Atat na atat na kaming makita ka tapos ganyan?! Makakalimutan mo lang pala kami? Ganyanan ba Lexie?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/18388428-288-k198277.jpg)
BINABASA MO ANG
SL 2: Complicated Love
RomantizmMagiging sila pa kaya sa kabila ng lahat na kahit paglaruan na sila ng tadhana at madaming umeeksena sa kanilang dalawa, mauuwi pa kaya sa happy ending ang kanilang lovestory? The continuation of the Allex Couple's love story.