40: One Last Goodbye

160 4 0
                                    


7 years later...

Pitong taon na ang lumipas. Ang bilis no? Parang kailan lang, kasama pa namin siya, ngayon... hindi na.

Sa pitong taon na lumipas, madaming nangyari. Madaming nagbago. May nagpaalam at meron ring bagong nakilala.

Pero hanggang ngayon na kahit ang tagal na ang nakalipas, makita ko pa lang ang puntod niya, naiiyak na naman ako.

"Ganito na lang ba palagi? Sa tuwing dadalawin kita, papaiyakin mo ako. Alam mo bang miss na miss na miss na kita? Paramdam ka naman kahit minsan. Miss na miss ka na namin ng barkada. Pero bago yan, Happy 7th Death Anniversary! Nakakainis ka naman... *punas luha* Ang bilis mong mangiwan. Bakit mo kami iniwanan agad? Ang unfair mo. Akala ko pa naman...magkakasama tayong tumanda lahat. Bigla kong naalala yung memories natin. Ang bilis ng panahon no? Dati rati, ang saya saya natin. Pero ng dahil lang sa aksidenteng 'yon, buhay mo ang naging kapalit."

Pinunasan ko muna yung luha ko at nagpatuloy. Bigla ding humangin at natakot naman ako.

"Buti naman at nagparamdam ka na. Miss na miss na kita."

Nagsindi muna ako ng kandila at nilagay sa harap ng puntod nito.

"Ay may kwento nga pala ako sayo. It's weird but wala akong pakialam. Alam mo ba nung isang araw... napaginipan na naman kita. Masaya na ko kahit sa panaginip man lang, nakakasama kita, nakakausap kita, at nakikita kita. Pero after lang ng ilang seconds, naglaho ka na agad. Tapos ayun, nagising na ako."

"Salamat ha? Salamat kasi binabantayan mo kaming lahat. Ikaw na yung angel namin. Salamat kasi kahit wala ka dito literal, ramdam ko pa rin yung presensya mo. At salamat dahil lagi kang nandyan para bantayan at protektahan kaming lahat. Mahal na mahal kita, alam mo yan. Magiingat ka dyan sa heaven ha. Ay, hindi ko na kailangan sabihin dahil alam kong iingatan ka talaga ni God dyan. Once again, Happy 7th Death Anniversary! I love you and I miss you!"

"MAMA!!!"

Isang bibo at cute na bata ang tumatakbo palapit sakin.

"Alex!!! Dahan dahan lang naman, nak. Baka madapa ka!" sabi ko.

Niyakap niya agad ako at kiniss sa cheeks.

"Namiss mo naman agad ako, anak. Asan yung magaling mong Papa?"

"Ayun po oh. Kasama sila Tito Caloy." sabi ni Alex.

Nagtataka ba kayo? Oo, may anak na ko. 4 years old na siya ngayon. 28 na rin ako. Wala lang, gusto ko lang ishare. Wala namang masama diba? Ang mahalaga, mahal na mahal niyo ang isa't isa.

Kaya eto, si Alex Santos (mini Allen ng buhay ko) ang bunga ng pagmamahalan namin. Super cute na bata at napakakulit!!! Nakakainis nga minsan eh, pinagtutulungan ako nung mag-ama. Eto namang si Alex, nakikiride pa sa magaling niyang Papa. Bully yung mag-ama, kaasar. Pero kahit ganyan sila, mahal na mahal ko sila. Akalain mo nga namang... hahantong pa tayo sa ganitong sitwasyon at binigyan pa kami ng blessing. Thank you po talaga Lord!

"Hi mahal! Always early bird ka ha! Kaya mahal na mahal ka ni Marion eh!" sabi ni Allen.

Nandito na rin pala silang lahat. Si Karlo at Raine, ay nga pala buntis na si Raine!!! Ninang ako! Nakakaexcite diba? 3 months na siyang buntis pero ang sexy sexy niya parin.

Si Caloy. Sa wakas... may girlfriend na after 5 years. 2 years na sila ngayon. Ang bait bait din ni Dianne, close ko na rin siya. :)

Si Jethro naman. Ayun, kakahiwalay lang sa ex. Sadlayp nga eh. Pero di bale kako. Makakahanap ka rin kako ng mas deserving niya.

SL 2: Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon