Special Chapter

102 2 0
                                    

When our baby Alex came to our life, sobrang stress. Akala ko madali lang, mahirap din pala...

(24 years old na ako nito. Nung wala pa si Alex sa buhay namin at isang year na rin ang nakaraan nung iniwan kami ni Marion sa buhay namin)

[A/N: Flashbacks lang 'to guys. Kapag may ***, iba na ulit.)

Ilang years na kaming magkasama ni Allen pero ever since hindi pa kami nakakapunta sa mga restobar, bar and grill na.. magkasama.

Madalang lang rin kasi kaming uminom. Once in a blue moon lang. Once a month. Mga ganon lang ba. Hindi naman kasi kami pinaglihi sa beer. Ewan ba namin kung bakit hate namin pareho ang uminom. Tikim tikim lang pwede pa. Pero ang teenage nowadays, gustong gusto ang uminom. May napapala ba sila sa pagiinom ng alak? Malalasing lang naman sila at mostly, pinapasakit lang naman yung ulo mo.

Sa tuwing iinom kasi kami, hindi kami magkasama. Magpapaalam siya sakin na may lakad lang sila ng boys, boys night out daw mga ganon. Kapag ako naman, kasama ko naman sila Cass. Pero alam naman namin pareho ang mga limits namin. Like, wag magpapalasing. Uuwi before 12. At lastly, NO GIRLS/BOYS ALLOWED. Yan ang rules namin sa tuwing may lakad kami na hindi kami magkasama.

Siguro sa condo ko lang siyang nakasamang uminom. Pero dahil malapit na naming i-celebrate ang anniversary namin, nag-aya ang barkada na pumunta daw sa Valkyrie, Bonifacio Global City.

Hindi naman namin matiis yung barkada, nilibre namin sila. And, siguro eto na yung time na magbabar kami na magkasama. Parang ewan lang diba?

Sa sobrang lakas ng music ng DJ, hindi kami magkaintindihan sa pinaguusapan namin.

"Ha?"

"Ang tanong ko, san mo na naman balak isurprise si Lexie sa anniversary niyo?"

"Hindi ko pa alam." sabay inom niya ng beer.

"E ikaw Insan, san niyo gustong i-celebrate yung anniversary niyo?" tanong sakin ni Mikayla.

"Kahit dyan lang sa tabi tabi, ice lang sakin. Basta mas naaapreciate ko kapag simple lang. Ewan ko ba kung bakit pero bigla kong inayawan yung mga restaurants sa tuwing nagcecelebrate tayo ng monthsary natin." sabi ko.

"Nakakasawa na e ano?" sabi ni Allen.

"Yabang." sabi nila.

"Pero wag kayo. Napakaeffort kaya ni Allen kapag monthsary nila. Every month, sinusurprise. Hindi naman pala every month, basta most of the time, laging surprise ang monthsary nilang dalawa. Eto pa isa, si Lexie. Ma-effort din. Surprise din ang peg sa tuwing icecelebrate yung monthsary nila! O edi kayo na. Grabe, kayo na talaga. Relationship goals."

Isang oras na kaming nagkakasiyahan dito, hindi namin namamalayan na napapadami na pala kami sa iniinom namin. Medyo tipsy na rin ako nung nag-cr ako. Buti inalalayan ako ng pinsan ko para hindi ako matumba.

"Lasing ka na teh. Tama na. Suka ka na ng suka dyan oh."

"Kaya ko pa! Woooo!"

"Iinom inom ka, hindi mo rin pala kaya. Sure ka ba talagang kaya mo pa? Matutumba ka na e." -Insan

"Ano ba! Kaya mo pa! Promise!"

Nung makabalik na kami sa table, napaupo agad ako sa tabi ni Allen. Medyo umiikot na yung paningin ko, nahihilo na ako.

"Kaya mo pa?" tanong niya. Medyo lasing na rin siya pero hindi gaya ko na napasobra ata sa alak.

Tumango na lang ako. Kaya hindi na ako uminom. Napasandal nalang ako sa balikat ni Allen dahil hilong hilo na ako. Nung kami na lang nila Allen at Mikayla ang natira sa table namin, (dahil busy ang ibang boys kakasayaw sa mga babae nila) inom pa rin ng inom si Allen.

SL 2: Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon