11: He's hired

164 3 0
                                    

Lexie's

Pagkagising ko, napatingin ako sa orasan sa side table ko. Nagulat ako kung anong oras na. Shet 11:30 na non? Ang sakit ng ulo ko, anong oras na ba ko nakatulog kagabi at napuyat ako ng ganito.

Bwiset na Allen Santos 'yan. Siguro may alam yung kumag na 'yun na dito rin yung unit ko. Assuming na kung assuming ba'y hindi ko naman alam na nandito rin siya. At kailangan sa tapat ko pa? Holy shit. Nananadya ba si tadhana? O nangaasar?

Paano na 'yan ngayon? Ngayong alam kong nandito na rin siya, ano ng gagawin ko? Iiwasan? Hindi papansinin? Dedeadmahin na lang? E gaga ka rin Lexie, iisa lang 'yang mga pinagsasasabi mo eh.

Mababaliw na 'ko kakaisip kung ano bang gagawin ko. Lumipat na lang kaya ako ng ibang condominium? Hu ayoko nga. Hindi ko naman sinasadya na dito rin pala yung kumag na 'yun eh.

Nakakabaliw pala talaga dito lalo na't ikaw lang magisa. Asan na kaya si Ermats?

Biglang may kumakatok. Nakalimutan ko nga palang may passcode yung pad ko. 0622 ang password. Kaso hindi ko pa pala nasasabi kila Mama. Hahaha.

Speaking of..

"Heyo!" sigaw ko kay Mama.

"Maka-heyo ka dyan. Gising na Lexie!" sabi niya.

"Nakakatamad po kaya. Lakas pa ng ulan sa labas."

"May umagahan ka na ba dito? Bilisan mo, aalis na tayo mamaya. Ipapasok ko na kayo ni Kevin sa company." sabi ni Mama at sa sobrang gulat ko, nahulog ako sa kama ko.

"Aray ko. Sht sht." bulong ko sa sarili ko. "MA, NGAYON NA BA YON?! DI PA KO READY!!!" sigaw ko.

"Bahala ka. Si Kevin na lang ipapasok ko." sabi niya.

"Joke lang, Ermats talaga, di mabiro." sabi ko.

"Maligo ka na nga dun at maya maya aalis na tayo."

"Wag na kaya akong maligo? Malamig yung tubig e. Katamad." sabi ko.

"Hay nako Lexieee!"

"Oo na po. Maliligo na." sabi ko sabay pasok sa banyo.

Tili ako ng tili dito sa loob ng banyo. Pano ba naman kasi, napakaginaw. Plus ang lamig pa ng tubig. Bwiset.

Dumeretso na agad ako sa kwarto ko sabay bihis ng malaking tshirt at short.

"Ano ba naman 'yang suot mo Lexie?"

"Pagbigyan niyo na 'ko Ma. Namiss ko lang maging tomboy." sabi ko.

Habang kumakain kami ni Mama, "Ma, may tanong ako."

"May sense ba 'yan?" sabi niya.

"Ma naman. Seryoso." sabi ko.

"Osige. Ano ba 'yun?" sabi niya.

"Anong gagawin niyo kapag nakita mo yung ex mo dito mismo sa building na'to? Dito siya mismo nakatira. Ano ng gagawin niyo? Iiwasan na lang siya forever?" sabi ko.

"Ano bang tanong 'yan. Bakit nandito ba si Allen?"

Tumango ako. "Anong gagawin ko, Ma? Mababaliw na ata ako kakaisip sa gagawin ko."

"Kasalanan mo bang nandito rin siya? Hindi naman diba? Kaya wag kang mataranta dyan na parang matatae. Act normal lang nak." sabi niya.

"What if Ma kung magkasalubong kami sa hallway, o sa elevator. O kaya naman sa swimming area o mapa-gym man niyan. Ano yun, stranger ganon?! Hindi ko kakayanin 'yun Ma." sabi ko.

"De kapag nagkita kayo, bigyan mo siya ng closure. Para wala na kayong ilangan sa isa't isa. Magsimula ulit kayo bilang magkaibigan. Hindi yung iiwasan mo na lang siya. Hindi tama 'yon."

SL 2: Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon