"Sampalin mo nga ako." sabi ko.
"Hu ayoko. Hindi ko 'yun magagawa sayo."
"Bilis na. Promise, hindi ako magagalit sayo. Hindi ako gaganti." sabi ko kay Kevin.
"Nako, ikaw pa? E sadista ka."
"Pwede bang magmura Kevs? Kahit isang malutong na mura lang. Please?" sabi ko.
"Osig - "
"T@NGINA KEVIN! NANDITO NA RIN SIYA!!! NANANADYA BA YUNG TADHANA?! PATI DITO, SINUNDAN NA NIYA KO?!!! Tangina lang talaga." sabi ko.
"Hoy wag mo nga akong sigawan saka hoy, ang assuming mo rin eno. Malay mo coincidence lang." sabi niya.
"Sht sht sht. Hanggang dito ba naman?! Hindi na 'to coincidence eh. Nangaasar na talaga yung tadhana eh. Ugh! Paano na yan ngayon?! Hindi na ko makakapagfocus niyan ngayon lalo na't nandito na yung kumag na 'yun!" sabi ko.
"Hindi na makakapagfocus? Grabe naman 'yan. OA na ha." sabi ni Kevin.
"Ay sasabihin ko kay Mama, magreresign na ko." sabi ko.
"Baliw ka ba? Ikaw na nga 'tong pinasok ng magulang mo dito tapos hindi mo pa igagrab yung opportunity?! Hays, lalaki lang 'yan Lex. Hindi ka naman niya kakainin o lalapain kaya steady lang. Chill lang. Hindi nama yan tigre o leon na susugod na lang basta basta. Kaya wag kang magpanic dyan."
"Kevin, hindi ko na talaga alam gagawin ko. Una, sa condo unit. Ngayon naman dito sa company nila Mama. Saan ang susunod?!"
"LEXIE, KEVIN!!!" May tumatawag sa labas.
"Ayan na nga ba yung sinasabi ko e. Ayoko. Ayokong makita siya, kung gusto mo ikaw na lang. Iwanan mo na lang ako dito."
"Gaga mo talaga. Tara na. Kaya mo yan. Para namang hindi siya dumaan sa buhay mo. Mahal mo diba? Gusto mo dibang ipaglaban? Bat simpleng pagpapakilala lang hindi mo na magawa? Asan na yung mga sinabi mo noon? Kinain mo na? Hindi mo na kaya? Kayanin mo. Diba gusto mo ulit siyang bumalik sayo? Kaya dapat lahat kayanin mo. Strong ka diba? Ang kilala kong Lexie, hindi lalamya lamya. Hindi mahina. Palaban dapat."
"Salamat Kevs." sabi ko sa kanya.
Inhale. Exhale.
"Allen, come here." sabi nung matandang lalaki na nasa kaedaran na ni Papa. Shet aya na. Haharap na siya.
"Kevin, ayan na." sabi ko.
"Hawakan mo na lang yung kamay ko para bawas nerbyos."
"Hu, ayoko. Issue pa 'to no!" sabi ko.
"De wag." sabi niya.
"Allen, meet Kevin and Lexie."
"Be strong. Wag kang iiyak dito, wala akong dalang panyo." bulong sakin ni Kevin.
"Baliw." sabi ko kay Kevin.
In 5..4..3..2..1
"Hi!" pacool niyang sabi.
"Pare, Kevin nga pala."
"Allen pare."
Lunok lang ako ng lunok ng laway dito. Simot na nga ata lamay ko kakalunok ko, at sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa nerbyos nakalimutan ko na yung sasabihin ko.
This time, nagkatitigan kami. Eye to eye. Sht, ganung ganun parin ang Allen na nakilala ko noon.
"Hi, Nice too meet you.. again." Iniwasan ko na yung tingin ko pero nakatitig parin siya. Pasalamat na lang talaga biglang nagsalita si Sir Joseph, at itotour muna si Allen.
![](https://img.wattpad.com/cover/18388428-288-k198277.jpg)
BINABASA MO ANG
SL 2: Complicated Love
RomanceMagiging sila pa kaya sa kabila ng lahat na kahit paglaruan na sila ng tadhana at madaming umeeksena sa kanilang dalawa, mauuwi pa kaya sa happy ending ang kanilang lovestory? The continuation of the Allex Couple's love story.