Marion's POV.
"Bye guys! Magiingat kayo sa Batangas ha! Hoy yung pasalubong namin, Benj!"
"Ingat kayo sa byahe!" sabi ni Jeremy.
"Hoy Benjamin, ingatan mo si Mikayla. Baka paguwi niyo eh may dinadala na yan." sabi ko.
"Goodboy 'to." -Benj
"Goodboy goodboy ka pa dyan. Sige na umalis na kayo. Maiiwan pa kayo nila Tita." sabi ni Allen.
"Bye guys! Ingat kayo dito sa Manila!" sabi ni Mikayla.
"Pasalubong namin!" sabi ni Caloy.
Ngayong araw kasi aalis sila Benjamin at Mikayla patungong Batangas. Bakasyon daw kuno. Kasama yung mga pamilya nila. Sweet naman. Kupo, wala ng natira sa tropa. Sige, magalisan na kayong lahat.
Kaya pala gustong magpool party kagabi. Despidida pala gusto.
"Guys... alam niyo na." sabi ni Caloy.
"Saan tayo ngayon?" -Karlo.
"Tara sa mall! Girls hunting tayo mga pare." -Jethro.
"Ikaw na lang." -Allen
"Ay oo nga pala, baka may magalit. Osie na nga, tara sa mall. Manlilibre ako ngayon." -Caloy
"Joke ba yan?" -Dani
"Seryoso ako mga kuys. Lika na. Sige kayo, limited edition lang 'to kaya sulitin niyo na." -Caloy
"Laki kasi ng sweldo mong hayop ka eh! Hahahaha!" -Jethro
"Tara na! Wohooo!" -Allen
"May lagnat ata si Caloy mga kuys." sabi ni Karlo.
"May himala!" sabi ko.
"Hoy wag niyong ganyanin 'yan. Minsan lang manlibre yang kumag na yan sa tanangbuhay niya kaya wag niyong gaguhin niyan. Mayaman na yan." Jeremy.
"Dinaig pa nga tayo eh. Iba na talaga kapag richkid si bulol!" -Allen
"Tara na nga. Bago pa ako maging kuripot ulit." -Caloy
"Oo nga." sabi ko.
Lexie's POV.
Ang pangit naman ng salubong sa akin ng new year.
Naiinis ako. Hindi pala. Nasasaktan pala ako. Bakit ganoon si Erika? Bakit nagbago na siya? Siya pa rin naman ang bestfriend ni Allen ah? Hindi ko siya maintindihan kung bakit niya yun ginawa sa akin. Naiiyak na naman ako.
"Sige, iiyak mo lang yan." biglang sumulpot sa tabi ko si Kuya. Inakbayan niya ako at pinasandal sa dibdib niya.
"Kuya, masama ba akong tao?" sabi ko.
"Bakit mo naman naitanong 'yan? Syempre hindi. Wala kaming kapatid na masamang tao." sabi niya
"Bat nila ginawa sakin 'yun? Bakit nila ko sinet-up? Para saan? Para sa wala? Bakit? Ano bang ginawa ko sa kanila? Kuya, ayoko na ng problema." sabi ko.
"Siguro kasi mga insecure lang sila sayo. Almost pinapangarap ka na kasi ng karamihan. Saka wag mo na silang problemahin, hindi sila kawalan." sabi niya
Kinomfort lang ako ni Kuya Anton. Salamat at may Kuya akong naniniwala sa akin. Iniyak ko na lang lahat.
Allen's POV
Tawa kami ng tawa dito loob ng restaurant. Mukha na kaming baliw, eh paano ba naman kase si Caloy at Jethro, patawa ng patawa. Ayan tuloy, napapatingin yung ibang girls samin, mga nagpapacute pa.
BINABASA MO ANG
SL 2: Complicated Love
RomanceMagiging sila pa kaya sa kabila ng lahat na kahit paglaruan na sila ng tadhana at madaming umeeksena sa kanilang dalawa, mauuwi pa kaya sa happy ending ang kanilang lovestory? The continuation of the Allex Couple's love story.