Bukas na pala yung lakad ng boys. Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung ano ba talaga ang gagawin nila don.
"Ang ganda ng sunset."
"Parang ikaw." bulong niya malapit sa tenga ko.
Napangiti na lang ako at tumingin sa kanya.
"Ano ba kasing gagawin niyo dun? Baka naman hindi safe sa pupuntahan niyo bukas?" sabi ko.
"Safe 'yon. Promise. Uuwi pa kami ng buhay, relax lang mylove."
"Nagaalala lang kasi ako sa inyo. Lalo naman sayo. Tatanga tanga ka pa naman, baka mapano ka pa."
"Hoy, hindi mo ko katulad."
Tumawa naman ako. "Joke lang. Basta magiingat kayo ha? Siguro mangchichix lang kayo dun eh!" sabi ko.
"Ilang beses ko bang uulitin sayo na wala ngang babae don? Gusto nga kitang isama kaso bawal eh!" sabi niya
"Ilang days kayo doon?" sabi ko.
"Isang araw nga lang diba. Unli ka teh?"
"Sorry naman."
"Itetext na lang kita kapag nandon na kami."
"Dapat lang."
***
Isang oras na kaming magkayakapan ni Allen (Joke lang, mga 25 minutes lang) dito dahil ngayon na sila aalis.
"Hoy, OA na yan teh." sabi ni Mikayla
"Babalik pa kami dito, Lex. Wag kang magalala. Pahiram muna saglit ng jowa mo kahit isang araw lang. Ibabalik rin namin bukas. Promise." sabi ni Caloy
Binatukan ko naman. "Baliw. Osiya, sige na. Bye na!! Boys, ingat na lang sa byahe!" sabi ko.
Isa isa na silang umakyat sa van at ang ating forever driver natin, puwesto na rin.
Tatalikod na sana si Allen pero bumalik agad siya sakin at niyakap ng mahigpit at hinalikan niya ko sa noo.
"Bye babe. See you tomorrow." sabi niya at lumarga na.
"Bye girls! Bye Lexie! Bye Mikayla!" sigaw nilang lahat at umalis na sila.
"Bye guys! Ingat kayo ha!" sigaw rin namin.
Ng makaalis na yung boys, si Mikayla kung makatulak sakin, wagas.
"Babe babe pang nalalaman. Kayo na. Kayo na talaga ang sweet." sabi niya at pumasok na sa loob ng bahay.
"Hoy hintayin mo naman ako." sigaw ko.
Nandito kami sa bahay nila. Dito galing yung boys kanina bago umalis. Sinundo pa kasi si Benj dito. Kulang na lang kasi dito na tumira si Benjamin. Aba'y araw araw ba naman na nandito kila Mikayla.
"Lexie, kailan ka nga pala umuwi?" tanong ni Tita. Kapatid siya ni Mama. Si Cecille Domingo. (Wala lang, share ko lang) Nagtataka siguro kayo kung bakit ang daming kapatid ni Mama no? Wala eh. Nasa lahi eh. De joke lang, si lola kasi (deads na siya, rip lola ko :( imy) bata palang nabuntis na kaya ayun, nasarapan ay este nagustuhan naman.
"Last week lang po, 'ta. Miss ka na nga daw nung mga kapatid mo eh. Bat daw kasi kayo na lang yung natira dito." sabi ko.
"Kamusta na ba sila doon?"
"Ayun, ganun parin naman po." sabi ko.
"Lex, hindi pa ba nasasabi sayo ni Mikayla?" sabi niya.
Napatingin naman ako kay Mikayla na nasa kusina't kumakain.
![](https://img.wattpad.com/cover/18388428-288-k198277.jpg)
BINABASA MO ANG
SL 2: Complicated Love
RomanceMagiging sila pa kaya sa kabila ng lahat na kahit paglaruan na sila ng tadhana at madaming umeeksena sa kanilang dalawa, mauuwi pa kaya sa happy ending ang kanilang lovestory? The continuation of the Allex Couple's love story.