"Paano kong sasabihin sa kanya?" Paikot ikot ako dito sa loob ng kwarto ko. Natataranta ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya."Baka naman magalit siya." Kinakausap ko yung sarili ko sa salamin.
"Aish, paano na 'to? Siguro naman hindi yun magagalit. Masabi na kaya hangga't maaga pa?"
"Ang alin?" biglang sulpot ng Kuya Bryan ko.
"Ay butiki!" Ano ba yang si Kuya. Bigla biglang sumusulpot.
"Kanina ka pa dyan paikot ikot, Lex. Ano ba yung sasabihin mo?" sabi ni Kuya.
"Bat mo alam?!" sabi ko.
"Tanga. Kanina pa nakabukas yung kwarto mo. Akala namin nababaliw ka na naman. Ano ba kasi yung sasabihin mo?" tanong niya.
"Yung pagalis natin next year. Kung paano ko sasabihin kay Allen. Sasabihin ko na ba?" sabi ko.
"Oo. Hangga't maaga pa. Hindi yung kung kailan aalis na tayo, saka mo lang sasabihin. Baka magalit pa sayo yung tao. Saka siguro maiintindihan din naman niya yun. Kaya wag kang kabahan dyan. Pusta ko bente, hindi yun magagalit sayo. Mahal ka non, maiintindihan ka non."
"Sa text or sa personal?" tanong ko ulit.
"Ikaw ang bahalang magdesisyon. Choice mo na yan. Saka bakit ka ba kinakabahan? Wag ka ngang ma-praning. Sasabihin mo lang e."
"Oo nga naman. Bat ba ko kakabahan? Si Allen lang naman 'yon."
"Sige na. Tara muna sa baba't magaalmusal na."
***
"Huy, Lexie okay ka lang?"
Bumalik lang ako sa realidad ng tawagin ako ni Allen. Nandito ako sa labas ng bahay nila. Eto na, sasabihin ko na.
"Ha? Ah, oo naman. Allen, pwede ba tayong magusap?"
"Sige. Sa garden tayo." sabi niya.
Kaya mo yan, Lexie. Ngayon ka pa ba matatakot kay Allen? Sabihin mo na hangga't maaga. Atleast, wala kang tinatago.
"Sige, ano na naman ba yung sasabihin mo? Lagi ka na lang may kwento sakin." sabi niya
"Uhm...ano kasi..."
"Ano?"
"Paano ba 'to? Ano kasi.... pano ko ba tong sasabihin? Kasi Allen..."
"Ano nga 'yon?"
"Wag kang magagalit ha."
"Oo sige. Ano muna 'yon?"
"Ano....kasi ano.... kasi babalik na ulit ako sa Canada. O, wag kang magagalit ha." sabi ko.
"O, bakit? Hindi naman ako magagalit ha? Pero kailan naman?"
"Next year. Saka ano ka ba! Ilang days pa tayong magsasama kaya wag kang malungkot dyan!" sabi ko
"Naiintindihan ko naman. Kasi syempre sila Tita yung may ari ng kumpanya kaya pinapabalik ka na sa Canada. Pero bakit ang bilis ata? Bat ngayon pa?"
"Ako din kaya nagulat nung nalaman ko yang balitang 'yan. Sa totoo lang din naman pati ako nagreact agad sa sinabi nila. Bat kako kung kailan okay na ang lahat saka aalis na naman. Okay na nga tayo tapos aalis na naman. Hay jusko di ko na keri."
"Hindi na kayo babalik dito?" tanong niya.
"Babalik pa ako syempre. Siguro may aayusin lang don saka uuwi na rin ako dito. Kasi madami pa akong pending still now sa trabaho dito sa Manila. Babalik ako promise."
![](https://img.wattpad.com/cover/18388428-288-k198277.jpg)
BINABASA MO ANG
SL 2: Complicated Love
RomanceMagiging sila pa kaya sa kabila ng lahat na kahit paglaruan na sila ng tadhana at madaming umeeksena sa kanilang dalawa, mauuwi pa kaya sa happy ending ang kanilang lovestory? The continuation of the Allex Couple's love story.