14: KFC

143 2 1
                                        

Kanina pa 'ko paikot ikot dito sa office. Natatarantang parang matatae ang peg ko dito. Paano ba naman kasi bigla akong kinilabutan sa sinabi niya kahapon. Wag daw akong mag alala, wala daw siyang iba. E ano naman diba? Pagkatapos nung "closure" namin kahapon, hindi na 'ko nakapasok. Wala, tinamad na ako. Sinabi ko na lang kay Mama na absent ako, second day ko pa lang sa trabaho. Allen kasi eh, ng dahil sa kanya, mukha akong tangang ngumingiting mag isa.

O ano ng next dyan? Kakausapin ko na ba siya? Paano? Hays, ang dami paring tanong sa utak ko na hindi ko masagot sagot.

Nandito ako ngayon sa office ko right now. Doing my paper works (wow, english)

Ng biglang may kumatok. Sila Cass lang pala.

"Girl, hinahanap ka ng Mama mo. Punta ka daw sa ground floor." sabi ni Cass.

"Sige. Sunod na lang ako." sabi ko.

Pumunta na ko sa tapat ng elevator ng bigla ko siyang nakasalubong. Nasa labas ako nasa loob siya ng elevator.

Masanay ka na kasi Lexie na lagi mo na siyang makikita dito.

Para kaming tangang pareho na nagpapatintero sa gitna ng elevator.

Kapag dadaan ako sa kaliwa, ganun rin siya. Kapag sa kanan naman, ganun rin siya.

"Patintero lang?" sabi ko.

"San ka ba pupunta?" tanong niya.

"Sa ground floor. Ikaw ba?" tanong ko.

"Sa ground floor din."

Napakaawkward naman nito. Di ako sanay sa ganitong sitwasyon. Parang hindi si Allen 'tong kinakausap ko. Parang.. ang dating Allen na napakaloko at gago naging baklang mahinhin. Hindi talaga 'to si Allen promise.

Sa loob ng elevator..

*Kruu *Kruu

AWKWARD.

Hay, sisimulan ko na nga.

"Allen!" bigla naman siyang tumingin sakin.

"Baket?"

"May gusto lang sana akong sabihin sayo."

"Ano 'yon?" sabi niya.

This is it. Ice lang 'yan Lexie. Sus, si Allen lang naman 'yan eh.

"Request lang. Tutal naman, okay na tayo. Tutal naman magkaibigan na ulit tayo. Pwede bang.. bumalik ka na lang sa dating ikaw? No offense ha, nakakainis kapag ang tahimik mo. Hindi ako sanay sa pinapakita mo ngayon. Parang ang lata mo lagi na parang may sakit ka mga ganon ba. Pwede bang bumalik ka na lang sa dating ikaw? Yung Allen before?"

"Pagiisipan ko." sabay tunog ng elevator.

"Sige, bye." sabi niya.

Tama ba 'yung mga pinagsasabi ko kanina? Nah, nevermind na nga lang.

"Maaaa!" sigaw ko sa office niya.

"Huy, kung makasigaw 'to." sabi niya.

"Pinatawag niyo daw ako?"

"Malamang. Tapos mo na ba yung draft mo? At para mapadala ko na rin sa ibang branch. Kasi bukas, aalis na ko. Hoy ikaw babae ka. Magtino ka dito ha. Ikaw na bahala dito. Good girl ka lang ha? Alagaan mo na lang yung sarili mo. Magtrabaho ka muna bago lumandi."

"Bat kailangan niyo pa kasing umalis eh. Pauwiin niyo nga po sila Kuya. Sobrang miss ko na yung dalawang kolokoy na 'yun. Nakakainis naman kasi eh. Natapat pa ko dito sa Manila. Pwede naman sa Canada. Asar talaga." sabi ko.

SL 2: Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon