Apat na araw na lang. Aalis na naman kami. Babalik na naman kami sa pinanggalingan namin. Hays. Ang bilis naman ng oras. Pwede bang i-slow motion muna? Kita niyong nageenjoy pa ko eh.
Day 3. Wednesday.
"Teka lang. Teka lang. Uy, san ka na naman pupunta, Lexie?" sabay hila sa tshirt ko ni Kuya. Wala akong takas e.
"Pagbigyan niyo na 'ko. Isang linggo lang naman tayo dito eh. May pupuntahan lang ako." sabi ko.
"San nga? Layas ka ng layas." sabi niya.
"Wow. Nahiya naman ako sayo. Sino bang umuwi ng Alas tres ng madaling araw ng dahil sa girlfriend niya ha, Sino?" sabi ko kay Kuya A.
"Osiya. Bilisan mo ha. May lakad tayong mamayang gabi." sabi niya.
"Alright. Byers." sabi ko sabay takbo papaalis ng bahay.
Dabest talaga si Kuya. Hahaha.
Tinext ko na sila.
To: Kath; Mich
Guys, otw na 'ko. Sn na kayo?
Wala pang 5 minutes. Nagreply na sila.
From: Kath
Morning loves! :* Kita na lang tayo sa LRT, sa Tayuman station. See you later. Miss you loves! <3
From: Mich
Bes, puntahan niyo na lang ako dito sa condo ko. Dito sa taas. Robinsons place Manila. Hehe miss you bes :* loveyou
Aanhin ko pa ng boyfriend kung nandyan naman ang mga girlfriends ko. 😏
Nagjeep na lang ako papuntang Lrt. Bat kailangan pang magtaxi eh ang jeep mura na, mabilis pa.
Sobrang dami ng tao kahit miyerkules ngayon. Nakakamiss lang magLRT. Hahaha. Bat kasi ang layo ng Tayuman sa Pedro Gil?
Maya maya, nakita ko na si Kath na kumakaway sakin.
"OMG loves, ang laki na ng pinagbago mo. Hindi ka na tibo. Yan ang nagagawa ng Canada sayo ha." sabi niya.
"Grabe naman 'to. Hindi ah. Babae naman kasi talaga 'ko e. Trip ko lang talaga dati magtomboy tomboyan. Hehe."
"Halika na nga. Baka maiwanan pa tayo ng LRT at naghihintay na si mich dun." sabi ko.
Madami pang station ang dadaanan kaya nagkwentuhan muna kami. Buti nakahanap pa kami ng upuan kaya hindi kami standing ovation ngayon ni Kath.
"Lex, natatandaan mo pa ba yung pumunta kami ni Mich sa bahay mo noon? Yung akala namin na wrong address kami sa inyo. Remember?" sabi niya.
"Ah oo. Nagulat nga ako sa inyo nun eh. Akala ko nakalimutan niyo na ko."
"Diba sabi ni Mich, broken hearted daw ako noon. Nagbreak kami noon. Niloko kasi diba ako ng boyfriend ko non. Pero unexpectedly happens, nagulat ako kasi akala ko tapos na kami. Akala ko hiwalay na talaga kami pero makita kita ko, bumalik sa bahay namin. Kahit napakalakas nung ulan, may banner siya na nakalagay na, "Sorry. I love you." Alam kong basang basa na siya dun sa labas pero hindi parin siya gumigive up. At dahil hindi naman ako madamot sa second chance, binigyan ko siya. Nagtake ulit ako ng panibagong risk. Kasi mahal ko parin siya eh. Tamo ngayon, kami parin hanggang ngayon. Sweet diba, Lex? Siguro kahit korning pakinggan, siya na yung destiny ko. Siguro nakadestined na talaga siya para sakin. Akala ko wala ng chance, pero meron pa pala."
Sa mga pinagsasabi ni Kath, nakakarelate ako. Kaya nanggigilid na naman 'tong luha ko eh. Ang sweet lang. Meron pa pala talagang magkakatuluyan sa dulo. At sila yun.
BINABASA MO ANG
SL 2: Complicated Love
RomanceMagiging sila pa kaya sa kabila ng lahat na kahit paglaruan na sila ng tadhana at madaming umeeksena sa kanilang dalawa, mauuwi pa kaya sa happy ending ang kanilang lovestory? The continuation of the Allex Couple's love story.