Wish:05 PART 03

29 2 1
                                    

Dedicated to bunnyofmatoplanet

Indigo’s POV

Nagising ako ng may marinig akong naghihiyawan sa labas.

Tumayo ako at sumilip sa bintana.

Naglalaro lang pala sina Germon ng Volleyball na naka-topless kaya pala tilian ang mga babae.

Si Proie naman nakaupo lang sa gilid at naka-headphones lang at nakatitig sa phone nya.

Kahit kelan talaga may sariling mundo si Proie.

Dumiretso na ako sa banyo para mag-shower at magpalit. Sa sobrang pagod at antok ko kanina nakalimutan ko nang magbihis.

Tinignan ko ang side table clock.
05:30 pm

Ang haba ng tulog ko ah.

Madali lang akong natapos maligo at magbihis.

Lumabas na ako, nga pala suot ko ngayon summershorts na black at fit white t-shirt, hindi na ako nag-shades takipsilim na kasi baka isipin nila na bulag ako. Haha!

Yung mga babaeng nadadaanan ko parang may epilepsy at parang inatake sa puso.

Sobra na talaga siguro kagwapuhan ko, nakakamatay! Haha!

Nakalabas na ako ng Hotel.

Hinayaan ko na lang sila doon na pagpantsyahan ng mga kababaihan, Sus! Hindi naman nila yan ikakayaman MAS LALO!

Pumunta ako sa ibang direksyon, actually matao sa Resort ngayon.

*TUGSH!*

May bumunggo sakin sa muscular chest ko lang naman.

Aba, grabe naman ang impact! O baka kaartehan nya lang para tulungan ko sya? Sus! No way!

Dinungawan ko ang babae, aba maganda naman kahit konting tabo.

Maputi sya at makinis, naka-shorts kasi at naka...

LONGSLEEVES? Wala namang araw ah, pagabi na. Tae! Anong tingin nya dito sa Resort? Park?

“Aray ko! Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!!” sigaw nya sakin.

“Sino kayang mas hindi tumitingin satin?! Ikaw ata! Baka gusto mo lang tumama sa muscular chest ko! Type mo ko noh?!”

“Kadiri ka! Maghunos dili ka nga!”

“Yun naman ang totoo diba?! Lampa ka kasi! Sisihin mo sarili mo! Dugita!”

“Anong sinabi mo?!” hinawakan nya yung shirt ko. Aba ang angas ah!

“Dugitang lampa!” inulit ko with my calm face.

“Walangya ka! Dugyot!” sigaw nya pabalik at pinagsusuntok dibdib ko, feeling ko puppy lang ang sumisipa sakin.

“Dugyot?! Sa gwapo kong toh? Mas bagay pa ata yan sayo eh!”

“Dugyot ka talaga! Ewan ko sa’yo!” nagsimula na syang maglakad palayo nang namumula ang mukha sa inis.

“Type mo kasi ako eh!” sigaw ko sakanya.

Nagdiretso lang sya maglakad nang hindi lumilingon.

Muli rin akong naglakad palayo.

*BOG!*

Ang lakas nun ah! Lumingon ako sa likod. Nakita ko yung dugita na bumunggo sakin kanina. Kay Lampang bata talaga! Haha!

Akalain nyo? Knockout? Haha. Sabagay Volleyball yun eh!

Angel's Wish(GRANTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon