Wish:13

43 2 3
                                    

1 WEEK LATER...

Germon's POV

"Hindi dapat bukas! May trabaho pa ako!"

"Eh kelan mo gusto?! Next next week na ang performance kasama ka!"

"Pwede namang ata, mauna na kayo magpractice hahabol na lang ako."

"Anong oras ba matatapos trabaho mo?"

"Mga 7 pm."

"Eh? Ano bang trabaho mo? GRO ka ba? Ba't hindi halata?" sumabat na ako sa pagtatalo ni Indigo at Daniella.

Hoho! Alam ko na din ang pangalan nya!

"ANO?! Sa lahat pa naman ng pwede mong sabihin na trabaho GRO pa! HINDI NOH! tsaka NEVER!"

"Ah. Hindi ka naman katanggap-tanggap lahat. Flat kasi lahat! Bawal ka dun!" pang-aasar ni Karv.

Almost 1 hour na naming pinagpaplanuhan kung kelan magsisimula ang Practice para sa 'Clash of Bands'

Alam nyo ba kung sino nag-isip ng title nyan? Si PROIE!

Sya kasi ang President ng School Activities Organization.

Next next week na yun, kaya kelangan naming paghandaan. Oo professional kami sa pagbabanda kasi matagal na kaming nagbabanda, at nagcocompete kami sa iba't-ibang bansa.

Ang kaso wala kaming tiwala sa babaeng ito! Natatakot kami na baka mag-Fail. Perfectionist kasi kami. Kaya ayaw namin ng palya lalo na pagdating sa PERFORMANCE. Kumbaga ipalya mo na lahat 'wag lang ang Performance kasi ibang usapan na yan.

Hindi naman sa minamaliit ko ang babaeng ito pero, mukha talaga syang walang katalent-talent.

"Marunong ka bang kumanta?" tanong ni Karv.

"Oo, marunong din akong magtugtog ng Violin, Gitara at Organ." sabi nya.

Nanlaki mata ko. Pareho talaga sila ni ANGEL!!

Si Proie wala paring reaksyon kami ni Karv, nga-nga.

"Oh ano?! Kala nyo siguro lampa ako forever?! Hoy! May ibubuga rin ako!" pagmamayabang nya.

Natauhan nalang kami ng magsalita sya.

"Ah. Okay." bored na sabi ni Indigo.

Nakakainis kasi yung Adviser ng School Activities Org. biglaan yung Announcement, gusto kasi namin a Month before.

Kaya heto kami cramming! Bwisit! Gusto kasi namin Well-prepared kami!

Ayaw namin na ang mga ideya, o pasabog biglaan o madali. Gusto namin maganda ang Flow at Organized. Kaya heto kamo bwisit na bwisit.

"Pwede bang mag-absent ka muna sa trabaho mo?" tanong ni Karv.

"Hindi pwede! Papalayasin ako ng boss ko!" mangiyak-ngiyak nyang sabi.

"Ano bang trabaho mo?" tanong ko.

"Cashier sa Mcdo." sabi nya.

"Tss. Bibigyan kita ng pera! Mag-practice ka bukas Dugita! Kung hindi gagawin kong Violin yang mukha mo!" banta ni Indigo.

"Oo na! Bigyan mo nalang ako ng maraming pera pangtustus sa pamilya ko, matrikula ko, gastusin sa bahay--"

"Ayan. Bayaran mo na lahat ng kaylangang bayaran." iniabot ni Indigo cheque nya!

Nanlaki mata ni Daniella.

Such a damn rich kid talaga! Sus, parang ako hindi noh?! Lahat kami mayayaman!

"A-ah...E-eh...S-salamat." nauutal at nahihiya nyang sabi.

Tumango nalang si Indigo.

"Bukas 9 a.m. sharp at my pad." sabi ni Karv.

"Huwag kang magdala ng babae dun ha?!" banta ni Indigo.

Tinaas naman ni Karv ang dalawa nyang kamay na parang sumusuko sa mga pulis.

"Hindi. Relax lang." ngiti nya na makahulugan. Kahit ako nagdududa.

"Siguraduhin mo! Practice ay Practice!" sabi ni Indigo.

Nagthumbs up nalang si Karv, tumalikod na kami para pumunta sa kanya-kanyang kotse.

"Uy! Teka! Di ko alam ang bahay mo!" sigaw ni Daniella kay Karv.

Lumingon ito. "May GPS ba phone mo?"

"Iniinsulto mo ba ako!? Kita mo na ngang poorita ako--ARAYKOSH*TKA!" sigaw ni Daniella sabay himas sa pisngi.

Binato kasi ni Indigo ng Samsung.

"Ayan! May GPS na yan! Magpaturo ka na lang sa iba kung pano gamitin yan! Wag kang tatanga-tanga ha!" sigaw ni Indigo.

"Hoy Dugyot! Anong tingin mo sakin walang kaalam-alam pagdating sa Cellphone!?" nagngingitngit na tanong ni Daniella.

"Welcome!" sagot ni Indigo at pinaharurot na ang sasakyan.

Sumunod naman ako.

Atsaka si Karv.

Teka asan si Proie!? Nawala nalang na parang bula!?

Angel's Wish(GRANTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon