Wish:12

19 2 0
                                    

Author’s Note:
Pasensya na kung boring. Marami na bang nakakagets sainyo? Ng mga hanging words ni Proie? Haha! For sure yung mga magagaling sa Logic Games, alam kong nagets nyo kaagad. Btw, sa mga hindi pa nakakagets. Magegets nyo din sa tamang panahon! XD
Vote. Comment. ★

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Karvie’s POV

“Asan ba si Proie?” tanong ni Ger.

“Sigurado umuwi na yun, bugnutin yun eh! Tsaka maaga dismissal num ngayon.” sagot ko.

Nagkayayaan kasi kami na mag-inuman since Unang pasukan ng Sem.

Nakagawian na namin ito since 4th year High School palang kami.

“Akala ko pa naman mag-iinuman tayo. Nakalimutan siguro ni Proie.” sabi ni Ger.

May iba talaga akong nararamdaman sa lalaking yun! Pakiramdam ko, may nangyayari sakanya na hindi ko alam.

Naging misteryoso na si Proie, simula nang mamatay ang Step Father nya.

“Siguro next time nalang, lalo na’t si Indigo kelangan magpahinga.” sabi ko.

Tumango nalang si Ger.

“Oh pano, una na ako ha? Ingat kayo mga dude!” sabi ni Indigo at pumunta na sa kotse nya.

Kumaway nalang kami ni Ger, at pinanuod makaalis yung sasakyan nya.

“Naalala nya na ba sa tingin mo? Diba sabi ni Tita, kapag sumakit daw ang ulo ni Indigo may mga bumabalik sa alaala nya. Kahit mga gestures na ginagawa ng isang tao na nakalimutan nya, maaaring maalala nya dahil dito.”

“Hindi ko alam. Baka sa matinding init lang yun sa Soccer Arena. Alam mo namang hindi sanay yun sa mainit.” sabi ko, kahit na may doubt ako.

“Ah. Pero pakiramdam ko brad, may mga gestures si-- babaeng yun. Na nagpapaalala kay Indigo ‘bout Angel, tapos may mga nakikita syang blurry images at nakakarinig ng hindi maintindihang mga salita.”

“Ayos ah? Gumagana utak mo ngayon Ger? Umiinom ka na ba ng pampatalino? O kaya kumakain ka na ba ng maraming gulay? Good job!” pagbibiro ko sakanya.

“Hindi! Haha! Napanuod ko lang yun sa isang palabas! Hahahaha! Sinaulo ko lang yung mga lines na sinabi nung--ARAY!”

Binatukan ko ng pagkalakas-lakas si Ger, may lahi kasing baliw! Eh memorize daw ba yung lines sa isang pelikula?!

Eh yung mga dapat imemorize dito sa School hindi nya masau-saulo!

“Uwi na tayo! Walang kwenta yang mga sinasabi mo!” sabi ko at nagsimula nang maglakad papunta sa kotse ko.

Hayyst! Kelan kaya gagana ang utak ni Ger?

Angel's Wish(GRANTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon