Wish: 20

11 1 0
                                    

Daniella’s POV

Arrggggh!

Ang gandang pambungad noh? Nakaka-badvibes!

Pero pramis! Masakit ang ulo. Nag-stretching lang muna ako. Ba’t ganun? Bumili ba ng bagong kama si Papa?

Ang lambot kasi eh! Parang ayoko na tumayo. Sa banig kasi ako natutulog. Katabi ang tatlo kong kapatid na maliliit pa.

“Hi Ma’am Goodmorning! Are you feeling better now?”

Aba! Umeenglish na si Mama.

Nakakapanibago naman lahat. Simula sa malambot na kama,  Malamig na hangin, At umeenglish pa sya! Upgraded na siguro.

“Anong ulam natin Ma? Hmmm. Pakiramdam ko...Tortang talong noh?” sabi ko.

Nakapakit pa kasi ako, baka panaginip lang lahat sayang naman lubus-lubusin!

Narinig kong tumawa si Mama.

Aba’y Good Mood? Matignan nga facial expression nya!

Minulat ko ang mga mata ko.

Puti...Kelan pa sina Papa nagpapintura!?

May dumungaw saakin. Isang babae na nakangiti at maganda. Oh Em! Angel in our house?

“Uminom na po kayo ng gamot at ichi-check ko po ang blood pressure ninyo.”

Wow. Angel na may Technology.

Asan kaya si Mama?

Matanong nga si Angel Technology.

“Asan si Mama? Nakita mo ba? Kumuha narin ba ng Nurse si Papa? Kelan pa sya nagpapintura ng puti dito sa bahay?”

Tumawa na naman yung Angel.

“Nasa ospital po kayo. Nurse po ako dito. Kinontak na namin ang Parents mo, kasi you passed out sa highway kaninang madaling araw. Tapos may kasama ka yung boyfriend mo. Andun sa kabilang kwarto.” nakangiti nyang sabi.

“Ahh. Pero Miss, wala akong boyfriend.” ngumiti akong pilit.

Nekekeheye lehet ng senebe ke sekenye, negpeke-feeler eke. Ehmeged! Pekelemen ne pe eke.

“Hihi. Deny-deny! Sige po una na po ako, tawagin nyo lang po ako kapag may kailangan po kayo.”

Nginitian ko nalang sya. Arrrgh! Nakakahiya.

Kilala nyo na siguro noh?

“DANIELLA CARLENE QUINZON! ANAK KO, AYOS KALANG BA?”

Insta-pakilala! Galing sa nanay ko.

Andito sila lahat. Si Papa, Si Mama, si Bobot, si Fit, atsaka si Kel.

Lahat yan lalaki. Si Bob-Grade 5, Si Fit-Grade 4, tapos si Kel naman-Grade 2.

Si Mama nagtitinda sa Palengke tapos si Papa naman Ex-con.

Uy! Hindi s’ya kidnapper, Carnapper, Holdaper, o kahit ano pa man. Nakulong sya kasi nakabangga sya ng isang kotse nung High School pa lamang ako.

Tapos yung isang pasahero na babae doon sa kotse, ay nasawi. Yung lalaki lamang ang nakaligtas. Sabi saakin ni Mama yung lalaki at babae raw ka-edad ko.

Simula ‘nun, inalis siya sa trabaho bilang Truck Driver.

Yung Nanay kasi nung Lalaki, pinakulong si Papa. Binigyan nya na nga kaunting Pera yung mayamang babae pero ayaw parin. Halos nga lumuhod na si Papa nung mga panahon na ‘yun.

Pero alam ‘nyo ba kung ano ang sinabi nung babaeng yun?

“Hindi mo ko kailangan luhudan dahil hindi ako Santa!”

Aba taray naman! Tapos inapi nya pa si Papa.

Alam nyo ba kung nasaan ako nung mga panahon na yun?

Simple lang.

Nakamasid ako sakanila, na nag-uusap.

Nakatayo ako doon at dinadaan-daanan lang nila ako as if hindi ako nag-eexist.

Laking gulat ko nang makita ko ang katawan ko na dinadala papuntang Morgue.

Patay na ba ako?!

Oo, saksi ako sa banggaan. Dahil kasama ako ni Papa sa Truck.

At mukhang ako ang napuruhan.

Napaiyak nalang ako nung mga panahon na yun, kasi patay na ako. Hindi ko natupad ang mga pangarap ko sa buhay na iaaahon ko pa sina Mama sa kahirapan.

May humawak sa balikat ko nung mga panahon na yun. Nakita ko s’ya.

Yung babaeng nasawi sa kotse.

Nakangiti, at napakaamo ng mukha.

Sinabihan nya ako na kung maaari nya ba raw hiramin ang katawan ko.

Pero lahat ng nasa utak ko ay mananatili. Tulad ng mga alaala, lahat ng bagay tungkol saakin, wala syang kukunin mula roon.

Ngunit sabi ‘nya, maghahati kami sa alaala. Kapag tulog ako, ang alaala nya ang nasa isipan ko.

Ngunit kapag gising ako, lahat saakin.

Pumayag ako para mabuhay akong muli.

Kaya laking gulat ng mga mahal ko sa buhay nang biglang dumilat ang mga mata ko noon.

“Anak. Gising, ipinagluto kita ng Chicken Soup na paborito mo.” nakangiting sabi ni Mama.

Saka ko narealize, nasa bahay na pala ako? Nakatulog ako kakakwento sainyo? Oh Em!

Angel's Wish(GRANTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon