Wish:14

35 2 3
                                    

Author’s Note:

Hi Rockziefiers! Kapag hindi pa ako nakakapag-UD. Try reading my First Horror Story entitled “Cursed Friday” Slow-UD rin yan, lalo na’t College na me. Dreadful na at Hectic ang Sched. Hope y’all understand!

Votes and Comments are highly appreciated! ♥

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Indigo’s POV

“Mali! Diba sabi ko ganito ang pagtalon mo! Ang hirap mo namang turuan!” naiinis na talaga ako sa Dugitang toh! Ang tanga-tanga!

May part kasi na tatalon sya mula sa apakan nung Drum Set na tutugtugin ni Germon.

Ako kasi sa Bass, at sa Organ naman si Karv.

At ang Vocalist namin si Dugita.

“Sorry ha! Expert kasi ako sa pagpeperform.” sarcastic na pagkakasabi sabay roll eyes.

“Ayusin mo! Kapag nag-fail toh ipapakain kita sa mga bulldog sa labas!” banta ko.

“Oo na! Ang dada mo!” sabi nya at nag-practice ulit ng talon.

Ito kasi yung Start na pasabog. Nakatalikod sya at sabay talon.

Mababa lang naman yung babagsakan, kahit siguro 6-years old na bata matatalon yun.

“Posisyon na. Karv, Ger, Proie.” sabi ko. Nagsibalikan naman sila sa posisyon.

Nakita kong nagkatitigan si Dugita at Proie. Si Proie ngumisi lang, si Dugita naman umiling. May namamagitan ba sa dalawang ito!? Bagay naman sila! Hahahaha!

“Hoy! Daniella posisyon na!” utos ni Ger.

Tumuntong na sya sa apakan ng Drum Set.

Nang biglang maapakan nya yung Wire ng Mic.

Dahilan para matumba sya, buti nasalo ko nasa gilid nya lang kasi ako.

Magkalapit ang mga mukha namin, ang ganda nya…para siyang…

ANGHEL!

ERASE THAT!

“Ba’t ba kasi ang LAMPA-LAMPA mo!? Ang baba na nga nyan mahuhulog kapa! Wag kasing tatanga-tanga!” binitawan ko na sya nun at bumalik sa posisyon ko.

“3…2…1…”

“Hey! Hey! You! You! I want to be your girlfriend! No way! No way! I think you need a new one!” 

Huwag siya! Huwag siya! Di ko alam kung ba’t nasali pa sya sa pagpipilian! Lahat ng kaya ko hindi nya kayang punan, iiwanan ka lang nya ng luhaan!”

< HUWAG SIYA by DONNALYN BARTOLOME feat. SHEHYEE >

Bale ganito, ako ang gaganap na Shehyee, ako yung sa Rap part. Wala kasi yung Rapper namin nagbabakasyon sa ibang bansa kasama ang Fiancé nya na hindi ko pa nakikita in person pero kilala ko sa pangalan.

“Okay. Mahusay!” masayang sabi ni Ger.

Sunod ay sasayaw si Dugita ng Shake it off ni Taylor Swift.

Medyo nahihiya pa nga sya eh, kasi kami ang kaharap nya pero magaling naman sya sumayaw, kasali kasi sya sa Dance club Org.

“Okay. Next duet kayo ni Indigo ng Terrified.” sabi ni Karv.

Tumango nalang ako.

Nagsimula na kaming kumanta.

Madali namang natapos eh.

“Ang galing! Kaso may kulang!” nagulat kami ng biglang sumulpot si Karlene, ate ni Karvie.

“Ate! Ba’t ka pumasok rito!? Diba sabi OFF LIMITS dito sa Music Room!?” sigaw ni Karvie sa Ate nya. Makaasta parang hindi nya Ate ang kaharap nya.

“Oh ano naman!? Makapagsigaw ka, daig mo pa ang babaeng nawala ang Virginity! Atsaka I’m here to judge your performance!” pananaray nito.

“Hindi namin kailangan ng Judge dito! Kaya lumayas kana!” asar na asar na sabi ni Karv.

“Karv, hayaan mo na. Let your sister judge our performance atleast malaman natin kung may kulang, may sobra o may dapat na idagdag. Atleast malaman natin kung may flaw or something.” sabi ko naman.

Napabuntong hininga nalang si Karv.

Ngumiting mapang-asar ang Ate nya.

“Okay. Maganda ang performance nyo, ang kaso may kulang...”

“ANO!? HINDI PA BA SAPAT!? SINASABI KO NA EH! WAG KA NANG MAG-JUDGE--ARAY KO!” hindi na natapos si Karv sa sasabihin nya dahil binato sya ni Karlene ng pingpong balls.

“Tsk. Patapusin mo ako! Walangya!” tinarayan nya ito.

“…Ang kaso may babae, dapat may KILIG FACTOR. Buti lamang kung lahat kayo Lalaki lang, mag-focus lang kayo sa Rock and Punk. Kaso may babae, Hinahanap ang KILIG FACTOR, yan ang Recipe na hinahanap ng mga Judges. Lalo na’t kayo ang pambato ng J.O.U.”

*~Grab a couple drinks with a nigga like me...~*

“Oops. Excuse me may natawag!” nagmadali itong lumabas ng Music Room.

“Paano na yan? Mahina pa naman ako sa ganyan.” nalulungkot na sabi ni Ger.

“Kelan ka ba naging magaling!? Baliw!” pambabara ni Karv.

“Don’t worry I have an idea.” sabi ni Proie na ikinagulat namin, ngayon lang kasi yan nagsalita.

“So? Paano?” tanong ni Dugita.

“Simple lang…” sabi nya at nginisian si Dugita. May namamagitan ba sa dalawang to? Iba kasi ang mga tingin at ngisi ni Proie sakanya parang may pinapahiwatig.

Hayys! Pabayaan ko na nga lang sila! Dapat mag-focus ako dito sa magiging Performance namin.

“Sa part na kakanta kayo ng Terrified, maghawak kayo ng kamay, stare at each other, and smile like you love each other.” aba’t ang traydor naman ni Proie, and take note ha! Nakangiti syang parang ewan habang sinasabi yun.

“What the!? Pwedeng--”

“No buts, Niella.” sabi ni Ger.

“Wag kana magreklamo, gawin nalang natin! At huwag nang gawan ng isyu! Tsaka, hindi ko rin ginusto ito kaya wag kang mag-inarte.” sabi ko.

So kumanta nga kami and we held each other hands, stare at each other.

Why do I feel so weird? Parang ang sarap sa pakiramdam. Parang…Matagal na panahon ko ‘tong hinanap, at inantay? Tsk. Ang weird!

Kakaiba talaga. What the--?! Ayoko na!

Inalis ko yung kamay ko sakanya at huminto.

“Ba’t ka tumigil?” tanong ni Karvs.

“I need to pee.” and I left them.

Angel's Wish(GRANTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon