Wish: 19

12 1 0
                                    

Indigo’s POV

What?!

As in What talaga!

Am I? Am I?

Kissing this Ugly Creature infront of me?

Yung puso ko tumitibok. Ba’t ganun?!

I pulled away, and I feel something hot in my face. Shet naman oh, namumula ako...

Sa dami ng alak na nainom ko. Kahit siguro kayo diba? Huwag namang madumi ang isip!

“Sir, alas tres na po ng madaling araw. Pasundo na po kayo kasi sarado na kami atsaka hindi po kami nagpapatulog ng Customer dito.”

Sabi ng isang Crew dito, antok na nga yung itsura nya.

Wala namang susundo saakin, alangan namang pauwiin ko sina Mommy dito sa Pinas para lang sunduin ako?

Kahit ilang bote na ang nainom ko, Aware pa naman ako sa paligid ko. Di tulad ni Karvie at Ger, bigla-bigla silang naghahalik ng babae.

Buti nga’t sinundo na ni Karlene si Karvie, halos nga ipasok nya na si Karv sa Compartment ng sasakyan sa sobrang kulit.

Si Ger naman, kinuha ng Kuya nyang kakauwi pala galing China, si Kuya Gerton.

“Ah. Ako nalang sige aalis na ako Pasensya na.”

Tumayo na ako at hinawakan na ang glass door. Para makalabas na ng Bar.
Nang biglang---

“Sir, diba kasama nyo po itong  babae?”

Lumingon ako. Shet naman ako ‘san ko ‘yan itatapon-- este papatuluyin muna kahit ngayong gabi? Di ko kaya alam ang address ng babaeng ‘yan!

Hmm. Isip.

Pero ayoko eh!

Pero sige na nga! Mamahalin ako ni Lord ‘pag nagmagandang loob ako kahit ngayon man lang.

“Ah. Itatapon ko--este Ihahatid ko na sya.” sabi ko atsaka nilapitan ko na si Dugita at ipinasakay sa likod ko.

First time in history na nagpa-piggy back ride ako. -_-

Last na to huh!?

Tuluyan na kaming nakalabas. Deym! Parang pasan ko ang isang Scarecrow dun sa Palayan.

Paano ba naman? Ang gaan, hindi na siguro toh nakain, puro tubig sa balon nalang ang iniinom. Dejoke lang yun!

Napangiti naman ako sa sinabi ko. Para na akong baliw.

Hayy salamat! Nakarating na ako sa Parking Lot.

Pero the heck--!?

Flat lahat ang Goma! Sino bang gumag* sa sasakyan ko!? Putcha naman oh!

Wala pa man din akong alam na, malapit na talyer o kaya naman vulcanizing dito.

Hayy, for the nth time no choice! Papasanin ko sya hanggang makarating kami sa Condo ko.

Nagsimula na kaming maglakad.

May dumaang padyak sa harapan ko. Tatawagin ko na sana kaso biglang lumiko at mas lalong binaba ang sombrero nyang itim.

Aba’y ginagag* rin ata ako ng padyak driver na yun! Palay na nga yung lumalapit sa manok, di nya pa tinutuka.

Choosy yung driver na yun! Bwisit!

“Ang malas mo talaga.” bulong ko sa tulog mantika na si Dugita.

“Asdfghjkl.”

Ano raw?

“Alam mo Indigo h‘wag mo akong iiwan. Minahal kita pero naglaho kang bigla iniwan mo ako. *sniff*”

Di ko sya maintindihan? Naglaho nang bigla? Sabi na nga ba isa sya sa mga die hard fans ko!

“Alam mo rin ba? Lasing ka talaga, kaya naaamin mong may hidden pagnanasa ka saakin.” napatawa ako sa sinabi ko.

Pero umiyak parin sya, mas lalong lumakas yung iyak nya kasi sunod-sunod yung patak ng luha nya sa likod ng T-shirt ko.

“Ba’t mo ko iniwan!? Di mo ba alam na ako dapat ang nasa kalagayan mo ngayon? Ako dapat ang nabubuhay, at ikaw dapat ang namatay...”

“Pero mahal kita, kaya binigay ko ang buhay ko para sa’yo! Kaya ako ang namatay. Pero ngayon sinuklian mo ba yun ng pagmamahal? Nasasaktan ako sa ginagawa mo saakin araw-araw kasi mas pinapakita mo na wala lang lahat!”

Tuluyan ko nang naibaba si Dugita, hindi ko kasi maintindihan ang mga nangyayari. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa sintido ko, at sumasakit ang likod na parte ng ulo ko.

“Ano?! Guilty ka noh!? Sabihin mo!” sigaw nya saakin.

Punumpuno na rin ng luha ang mga mata nya. Parang naglaho bigla ang alak na nainom nya kanina.

“W-wala a-akong m-maintindihan.”

“AKO SI ANGEL OSSANDREA KEU! Ako ang  kaluluwang nasa katawan ni Daniella!”

Napaupo ako sa sakit ng ulo ko.

Bumalik lahat ng...

NAKARAAN KO!

Angel's Wish(GRANTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon