Wish:06 PART 01

23 2 1
                                    

Author’s Note:
Hi Rockziefiers! Btw, sa mga readers ko tatawagin ko na kayong Rockziefierspara kasi sakin each and everyone of you ay special. Follow me on twitter ‘@RockziefyHihi! Pasensorry kung medyo boring! yaan nyo sa kalagitnaan naman masaya and exciting! Maraming revelations! Wohoo! *clap clap* Sige I’ll start na this.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Dedicated to Iyou33958

FASTFORWARD»»»

Indigo’s POV

Back to School! For me it’s a nightmare! Hindi siya exciting!

Why? Simple lang, maraming mga chismosa. Samin kasing mga sikat may karatulang: One false move, the spotlight is yours.

It explain by itself naman diba? Kaya hindi na ako magpapaliwanag.

Pangalawa, hindi nawawala ang mga mahilig magselfie, maghiyawan kapag dadaan kami. Naiinis ako! Ang sakit kaya sa tenga! Mabuti pa mabilhan sila ng tig-iisang headset at isaksak ko sa bibig nila nang sila lang makarinig ng sigaw nila.

Wala kaming Hustisya diba?! Makapag-rally nga minsan.

At lastly, yung mga babaeng mahilig dumikit saakin?! Yung tipong yung dibdib nila halos ipalamon na sakin?! Siguro kung ako sina Ger at Karv, naku! Langit na siguro yun! Pero hindi eh parang nadikit ako sa mga Bisugo! Let me clear it first, hindi ako BAKLA! Basta ayoko lang ng mga ganyan may tamang oras para dyan!

Tsaka yung mga mukha nila parang mga Vodoo doll na bagong embalsama sa Morgue. Kadiri kaya yun!

Yun lang naman ang problema ko sa Campus.

Pero sa Academic Life ko, wala namang problema. Dean’s Lister kasi ako.

Since Grade 7-12 sa L.A, lagi akong Top Student. Graders for life nga ako sa L.A.

So ngayon I’m taking up BSB/Bachelor of Science in Business, hilig ko kasi yun gusto ko sana maging Archi or Engineer kaso naisip ko. Sa pamilyang SO walang ganun lahat ay mayayamang businessman o kaya Entrepreneur.

Pumunta na ako sa Soccer Arena. Maaga pa kasi bago ang start ng class ko. Ewan ba parang hinatak ako papunta dun. Bakit kaya? Haha baka may Magnet na tong Soccer Arena.

Actually, nanibago ako dito sa J.O.U kasi hindi pa ako nakapasok dito in my entire life. Pakiramdam ko oo na pero sabi naman ng utak ko hindi pa.

Feeling ko kasi Reborn ako kaya ganun. Para bang pinanganak akong muli simula nang magising ako tapos nasa L.A na ako.

Napunta ako sa may kahoy na malaki. Hinaplos ko ang tree, ang lambot parang yung kama ko lang sa Condo ah.

Woo! Relaxing talaga toh! Pinikit ko na mga mata ko.

*Creeeek*

Nakarinig ako ng mga sanga na gumalaw. Hindi naman malakas ang hangin ah.

Baka ibon lang.

*Crrrreeek*

Naulit yun, naku! Ano ba yan na ibon na yan ang likot!

Minulat ko ang mga mata ko. Tumingala ako. Nakakita ako ng tao na nakahiga sa isang sanga na makapal. At mukhang tulog pa yata.

Inayos ko yung upo ko. Nahaharangan kasi ng mga dahon yung mukha nung lalaki.

Kinilala ko yung mukha. Si Proie lang pala. Paano toh napadpad dun?!

Hinayaan ko nalang sya dun, alam ko namang naiinis yun kapag iniistorbo sa tulog nya.

Tumayo na ako. At nagsimulang maglakad.

Medyo malayo na ako sa Soccer Arena nang maramdaman kong may sumusunod saakin.

Nilingon ko at nakita ko si Proie na nasa likod ko na. What the--?!

“Huwag ka nang tumambay dun sa susunod dude. Hindi maganda dun.” sabi nya at naunang maglakad sakin. Sinasaksak nya na agad ang headset nya.

Lumingon ulit ako sa puno na yun. Okay naman ah, malinis bakit ba sabi nya na hindi maganda dun?

Oo, maraming kahoy dun sa Soccer Arena pero yung malaking kahoy na yun napakalambot kakaiba siya.

Bahala naman sya, hindi ko na lang yun pagtutuunan pansin yung sinabi nya.

Makapasok na nga lang sa Class ko. Baka malate pa ako tsaka  hindi pa familiar dito sa J.O.U

Angel's Wish(GRANTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon