Wish:08

23 2 1
                                    

Dedicated to CaseyLacsamana

FASTFORWARD »»

Indigo’s POV

“Haii. Ilang dekada ba bago maubos natin yang mga langyang damo na yan!” tanong ko kay Dugita. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan nya, at wala akong balak alamin!

“Malamang mga 5 dekada. Sa dami at lawak nito matapos natin toh ng isang oras lang. Mga maintenance nga hindi toh makaya ng mag-isa. Tayo pa kaya na dalawa lang?”

“Tinatanong ba kita?”

“Malamang! Huwag mong sabihin na may imaginary friend ka?! Ayyy! Creeepy!” sabay akap sa sarili nya.

“Tss. Imaginary friend mo muka mo! Magsimula na nga tayo! Kalbuhin na natin tong Soccer Arena! Hagisan na narin natin ng Nuclear Bomb!”

“Sa anime ko lang yan napapanuod ah? Don’t tell me pati ikaw nanunuod.”

“Hindi noh! Sa mga video games ko lang yan nakikita!”

Nagsimula na akong maglakad. Nahihiya kasi akong umamin na nanunuod din ako ng Anime, pastime ko din yun! MINSAN lang!

“Sa gilid ako.” sabi ko.

“Ako kahit saan.” sabi nya at naglakad na papunta sa dulo.

Ang bilis nya magputol. Aba mukhang ilang araw ang training ang ginawa nya.

“Mukhang sanay na sanay ka ah?” sigaw ko. Dinaig pa ako, isang damo palang ata yung naputol ko. Ikaw kaya na medyo mataas na tapos regular na gunting ang gagamitin mo kung hindi ka mainis?!

“May Garden kasi sa bahay, ako kasi ang inuutusan ng wicked--este...ni Auntie n-na mag-putol ng mga damo.” sigaw nya. Rinig ko din ang pag-utal nya.

Konti lang naman ang layo namin.

Nagpatuloy na ako. Naiinis na talaga ako kaya binato ko nalang ng kung saan yung gunting ko.

“Ayoko na! Nabubwisit na talaga ako!”

“Dapat lahat ng bagay, matutunan mo.”

“Tss. Lakas mo naman makapag-advice! Dapat rinereklamo ang mga teacher na tulad ni Sir Tomoya!”

“Eh galunggong ka pala eh! Kita mo nang DISCIPLINARY SCHOOL ito! Lakas ng loob mo din ano?! Tsaka wala saysay yang pagreklamo mo!”

Hayys  may point naman sya. Pero nadadaan naman lahat sa pera.

“Di bale! Pera lang katapat nyan!”

“Hindi lahat ng bagay nadadaan sa pera, sabagay kayong mayayaman nasa inyo parati ang hustisya.” sabi nya.

“Ang drama mo naman! Tapusin na kaya natin toh!” pinagpatuloy nalang namin yung pagpuputol. Worst day ever talaga toh! Baguhan ako rito pero ginaganto nila ako?!

Bwisit naman oh! Simula kasi ng makita ko tong dugitang toh! Palagi akong minamalas!

Kinamot nya yung ilong nya. Teka...Parang...para siyang pamilyar...

May mga nakita akong blurry image sa utak ko. Pusang gala?! Anong nangyayari. Nakakarinig din akong fuzzy voices.

Mhashmal kishtams Shindingos.”

Ano yun?! Di ko maintindihan!! Sumakit yung sintido ko. Kaya nabitawan ko yung gunting, nakaramdam ako ng pagkahilo.

“Hoy! Dugyot! Anong nangyayari sayo?!”

Malabo na din ang mukha ni Dugita. Tuluyan na akong nawalan ng malay.

Angel's Wish(GRANTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon