Wish: 15 PART 03

19 1 3
                                    

Dedicated to ayiezhaXD

Indigo's POV

First time...

Sa hinaba ng panahon, ngayon lang ULIT ako nakapag-Perform with them. Nasa L.A kasi ako nang mga panahon na nagba-banda sila.

Bakit ganun!? Parang nakakamangha lahat ng nagpeperform na galing sa Stumfer, Hallsheeb, Resumpters, at Esternfield.

Lahat may pasabog, talagang hindi ka madidissapoint. Kahit konting oras lang ang ibinigay na practice talagang pang Grand Finals ang performance nila.

"Dude oh tubig." napalingon ako kay Karvs na nasa gilid ko na pala.

"Salamat." inabot ko naman.

"Alam mo dude, 'wag kang papa-intimidate sa mga nagpeperform. Think positive!" tinapik nya yung balikat ko at nginitian ako. Tinanguan ko nalang sya.

Tama! Think positive! May kanya-kanya kaming estilo, kaya kelangan kong isipin na pasado ang performance namin.

Ito na nga...Tapos na lahat magperform.

"This is it! Whom do you think gonna win today's competition?" emcee na babae.

"JOU!!!"

"STUMFER!!!"

"HALLSHEEB!!!"

"ESTERNFIELD!!!!"

"RESUMPTERS!!!"

Di magkamayaw ang mga sigawan ay hiyawan. Napansin ko na mas madami ang supporters namin. Grabe lang! Parang ginagago nila ang sarili nilang paaralan! Kasi naman yung ibang samin sumusuporta kesa sa School nila.

"I can't wait na Ferna! Sino kaya ang mananalo? Okay. Habang hinihintay ang score ng judges. Magsaya muna sa Production Number from 'CHAOS'!" emcee na lalaki.

Sikat na Dancer ang Chaos. Sila ang pambato ng Pinas sa mga laban sa iba't-ibang bansa.

Bale apat sila, lahat babae. Lahat sila magaganda. As in!

Kinakabahan ako kasi yung mga Judges talagang masinsinan ang pagpupuntos at ngayon mukhang nagtatalo sila. Ipapakilala ko sainyo.

Britina Haluf-- Choreographer sa Malaysia.

Fergard Kallim-- Sikat na Fashion Designer sa Ukrain.

Daffuny Antreds-- Vocal Coach sa England.

Athena Qun-- Sikat na Cosplayer ng Hong Kong.

Mga bigtime sila! At hindi basta-basta!

Hindi na nga ako maka-concentrate sa nag-Production Number.

Napansin kong nasa tabi ko na si Karvs. Hindi ko na tinignan.

"Dude ipakilala ko sila sayo. Si Mic, Si Diffy, Si Chazy, Si Hay."

Dada ng dada si Karv, hindi ko naman pinapakinggan kasi ang atensyon ko nakatuon sa mga Judges. Nakita kong naghilot ng sintido si Britina.

"Magkapatid si Mic at Diffy, alam mo ba na Ex ko yan si Chazy nung Highschool? Ang gwapo ko talaga men, biruin mo pinag-agawan ako ni Chazy at Mic? Grabe!"

Nakita kong nagsitanguan na sila. Sana manalo kami, it's a great honor sa JOU!

"Hoy! Nakikinig kaba?"

Lumingon ako sakanya.

"Oo. Sabi mo nakikopya ka ng assignments kay Hay nung Elementary ka."

Tama ba!?

Sumimangot naman yung mukha nya.

"Pinaka-ayaw ko nga yun eh! Nakakabwisit yang Hay na yan! Palibhasa bitter!" sabi nya na nagngingitngit ang nga ngipin.

"Talaga?"

"Oo! Tsaka hindi yun yung sinabi ko kanina! Sayang effort ko magdada! First time ko pa naman i-open yung topic na yun! Confidential men! Remember this date ha?" kinuha nya yung phone nya at may tinype doon. Baliw talaga!

"Wow! That was an amazing and spectacular Production Number! Thank you Chaos for coming here!" sabi ng Emcee na babae.

Tapos na pala, kaya umalis na ako ng backstage at umupo na sa unahan.

Nakita kong kakalabas lang nina Dugita from CR. Wheww! She's hot with that Punk/Gothic/Rockstar Look!

WHAT THE HELL DID I SAY!? DID I JUST SAY HOT!?

Well, totoo naman. TUTONG NA SYA!! HAHAHAHA!!

"Done checking me out?" sabi nya with matching hawak sa bewang.

"Hindi ka test paper okay!? You're a Dugita!! And I'm not checking out Dugita Girls!" sabi ko at tumingin na sa Stage.

"Tsk! Whatever! Bakla!!" sabi nya.

What the--!?

I grabbed her, and looked straight into her eye.

Nakita kong lumunok sya. At hindi makapaniwala.

"Now tell me, who's bakla!? Huh!?" dinikit ko pa lalo ang mukha ko sa mukha nya.

"Sabihin mo pa na bakla ako, at talagang hahalikan even infront of many people!" banta ko.

Binitawan ko na sya at umupo ulit.

Nakita kong medyo dumistansya sya sa akin ng kaunti. Asan na ba yung mukhang gurang nyang kaibigan?

"Eto na!! Eto na ang pinakahihintay!!" sabi ng emcee na babae na iwinagayway pa sa ere ang maliit na sobre.

Hudyat na meron nang nanalo!

"Hmmm. Sino kaya?" dahan-dahan nyang binuksan.

Sheeet!

Kinakabahan ako...

"Ayyy! Astig sila!!" sabi nung emcee na lalaki na nakikisilip sa sobre.

Ano ba yan!! Pinapatagal pa!! Pa-suspense masyado!!

Ang mga tao hindi magkamayaw sa Chant.

"Congratulations to..."

Ayan na...Ayan na....

"JOZUME ONAHATA UNIVERISTY!!"

Napatalon ako sa sobrang saya. Nakita ko si Dugita na sobrang saya nya.

Nakakabingi ang mga sigawan ng mga tao.

Hindi ko namalayan...

Yakap yakap ko na pala si Dugita.

Angel's Wish(GRANTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon