Wish:10

31 2 2
                                    

Dedicated to Sweet_mae23

Proie's POV

Ako nga pala si Xen Proie Vertize. 20 years old. At may kursong Culinary.

Pumunta na ako sa East Building.

Nakalagay lang ang mga kamay ko sa bulsa ko.

Actually, boring ang buhay ko. Kaya wag nyo nang pag-interesan kasi walang kwenta.

Pagkapasok ko palang...

"Late ka na naman Mr. Vertize." sabi ng Culinary Teacher namin.

Umupo nalang ako at hindi na sya pinansin pa.

Yan naman talaga ang madalas nyang sambitin kaya hindi na bago sakin yun.

Nagturo na sya, puro luto naman at history. Ayoko naman talaga ng course ko napilitan lang ako dahil yun ang open na course para sa scholarship.

Nararamdaman ko talaga ang presensya nya. Alam ko...alam kong nasa paligid lang si Angel.

Alam kong hindi sya kaluluwa, kundi nasa katawang tao sya. Sana..mali ang iniisip ko.

Sana...mali talaga...

Bukod kasi kay Angel at Jianna. Wala na akong ibang kaibigan na na babae. Pili lang kasi ang kinakausap ko ng MATINO at MATAGAL.

Kadalasan naman, sila ang kumakausap sakin. 'oo, okay, sige, bahala ka,hindi' yan lang naman ang kadalasan kong sinasagot sakanila.

Para kasi sakin, si Jianna at Angel ang totoong tao. Marami kasing tao sa mundong ito pero hindi naman asal tao!

Yung mga babae, puro pacute. Nagmamagandang loob, pero isa lang yun na balatkayo para mapansin sila.

Yung mga ibang lalaki naman puro bisyo, basag-ulo, at kung anu-ano pa para lang COOL sa paningin ng mga babae.

Hindi naman sa bitter ako, ampalaya o kahit anong mapapait na salita ang ibibigay nyo sakin. Sige lang, pero gusto ko lang ipahayag ang mga observation ko.

Tsaka! Wala po akong pagtingin kina Angel at Jianna! Trip ko lang talaga ugali nila kaya ganun!

*KRIIING*

Dismissal na. Kaya inayos ko na sarili ko.

Napahaba ang kwentuhan ko sainyo, ang dami nyo kasing tanong!

"Mr. Vertize. Mag-usap tayo." pormal na sabi ni Sir Dermontes.

Napatango nalang ako.

Umupo ako sa upuan malapit sakanya.

"Mr. Vertize. Napansin ko na ngayong Semester, hindi ka na Active..."

"Pansin ko din ang madalas mong pagkatulala."

"Tsaka madalas kang Late...noon hindi naman."

"May problema ka ba sa pamilya? Nahihirapan ka ba sa bagong Grading System? Tell me...maybe I could help."

"Sir. Pasensya na po kayo kung ganun ang pagbabago ko sa Academics. Masyadong marami po akong iniisip. At maraming bumabagabag sa utak ko." sabi ko na walang ekspresyon ang mga mata.

Napabuntong hininga si Sir.

"Mr. Vertize, sana naman hindi maapektuhan ang pag-aaral mo. Kasi baka matanggal ang scholarship mo at mapalitan ka ni Ms. Garmonte sa pagiging top sa Course mo."

"Opo. Susubukan ko po."

"Osya hijo, 50/50 ka ngayong Sem. kaya pagbutihan mo." sabi ni Sir.

"Mauna na ako hijo. Sana kung anuman ang nagpapagulo sa utak mo. Sana maging maayos na ang lahat." ngumiti si Sir na may halong pag-alala.

Sana nga maging maayos na ang lahat...

Lumabas na ako ng Room.

Pupunta na lang ako sa Secret Place. At mag-yoyosi.

Walang nakaka-alam na nagyoyosi ako bukod sa sarili ko.

Tinatago ko tong sekreto, pampaalis Stress.

Lumabas na ako ng isang stick at sinindihan. Tinatago ko ito sa pinaka-sulok sulukan ng bag ko. Yung tipong kahit NBI hindi mahahanap.

Nagpabuga na ako ng usok na hugis bilog.

Napapikit ako. Umupo sa damo.

Naalala ko na naman sa bahay.

"Ano Dina!? Bigyan mo ako ng pangsugal!"

"W-wala akong p-pera Xendon. Mahina ang k-kita sa palengke."

"Yung anak mong nagbabanda!? Asan ba yun!? Hihingan ko ng pera!"

"Nag-asawa na yun, wala na sya dito sa Pilipinas."

Naramdaman ko nalang na may mainit na tubig ang dumadaloy sa pisngi ko.

Umiiyak na pala ako nang hindi ko namamalayan.

Mahal na mahal talaga ako ni Mama. Kahit hindi nya matanggap na nabuntis lang sya ng isang basagulero, mabisyo, at babaero.

Kumbaga isa lang akong pagkakamali na kailangang mapuksa o mawala sa mundong ito.

Simula nung mamatay ang Step Father ko, nalugi ang kompanya namin. Kasi nalaman iyon ng demonyo kong ama!

Siya ang namahala sa kompanya! Walang magawa si Mama kasi madalas syang pagbuhatan ng kamay at pasuin ng kung anu-ano.

Kaya nauwi kami sa wala. Yung mansyon namin nauwi sa BARONG-BARONG. Yung mga ari-arian at lupa. Nawala lahat.

Kaya heto kami naghihirap kahit ang dalawa kong Step sister hirap na hirap.

Noon masaya ako sa piling ng Step Father ko kasi, tinuring nya akong anak. Pinaramdam nya saakin na para bang walang bahid ng masamang tao ang nananalaytay sa mga ugat ko.

Kung noon, maingay at kalog ako. Ngayon malungkutin, cold at blanko ang ekspresyon parati, at hindi makausap ng matino. Ganito ata epekto ang nangyari sakin simula mangyari ang lahat ng iyon.

Kaya sobra akong nalungkot na aabot sa punto na mawala ako sa sarili. Pero pinilit ko ang sarili ko, dahil mas kailangan ako nina Mama, ni Trixie at Pixie.

Kaya heto napasok ako sa isang banda na nagpabago sa landas mg buhay ko.

Ang banda na itinuring kong pangalawang pamilya.

"Hala! Bawal ang sigarilyo dito!"

Angel's Wish(GRANTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon