Wish:11

28 2 1
                                    

Muntik-muntikan ko nang malunok yung stick ng sigarilyo ko.

Napatingin ako sa nagsalita.

Sya na naman…

“Eh anong gagawin mo ngayon Daniella?” tanong ko. Sabay hithit sa yosi.

“Ba’t alam mo ang pangalan ko?”

“Kasi may suot kang ID.”

“Ah eh...Isusumbong kita sa Dean! Alam ba yan ng mga kaibigan mo?” tanong nya.

Makapagsalita naman toh, parang maraming panahon kami nagsama ah?

Tinignan ko sya. “Sa tingin mo ba maniniwala sayo ang Dean? At ang mga kaibigan ko? Tsaka look...Matagal na kaming nagsasama. Pero ikaw? Nung isang araw palang ata. Kapag nagsumbong ka sigurado pagtatawanan ka ng mga yun, lalo na si Indigo.” Shoot! Pinakamahabang sagot ko sa isang tao.

Tumayo na ako at inayos ang uniform. At naglakad papalapit sakanya.

Tinapon ko na din sa Trash Can yung sigarilyo ko. Binalot ko muna ng makapal na papel bago itapon.

Tumigil ako sa harap nya.

“Ano bang pinaplano mo?” sabi ko na diretso na nakatingin sa mga mata nya na kinakabahan.

Dinaanan ko na lang sya at linagay yung mga kamay ko sa bulsa at sinaksak ang headset sa magkabilang tenga.

Uuwi na lang ako. Sana naman maganda ang kinalabasan ng iniisip ng babaeng yun.

Angel's Wish(GRANTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon