Wish: 21

10 1 0
                                    

Proie's POV

Naka-dalawang alak lang ako kagabi sa Bar. Kasi may trabaho pa ako.

Habang nagpapakasaya sila, linisan ko ang Bar nang hindi nila napapansin. Yun ay para sundan si Jocs.

Isa siya sa mahigpit na karibal ni Indigo, lalo na pagdating sa Babae. Si Angel, muntikan 'syang gahasain ni Jocs. Sa unang tingin, mukhang mabait at maginoo si Jocs, pero bastos yan at napaka-demonyo ng ugali. Magaling 'yan magpa-ikot ng tao gamit ang sarili 'nyang mga palad. At maluho 'yan si Jocs.

Sinundan ko 'sya, daig ko pa ang pusa sa bawat yabag ko.

Kasama 'nya sina Brone, at Quip. Sila ay anak ng mga Mafia.

Pumunta sila ng Parking Lot, nagtago ako sa isang puno malapit sa Parking Lot na sakto lang na maririnig ko sila, at makikita.

At tumigil sila sa bagong padala na Lambhorgini ni Indigo.

Sabi na nga ba! Hindi ako nagkamali na, pagtitripan nila si Indigo.

"Yeah. Bagong-bagong kotse 'to Jocs." demonyitong pagkakasabi ni Quinn, ang pinaka-bastos sa grupo.

Sabi nila nang-rape daw 'yan ng isang Chic Transferee na ayaw na sakanya. At the age of 15.

And guess what? Nabuntis 'nya yun. Kitams?

26 years old na 'sya kaso 2nd year college pa rin sa Resumpters. Kasi paulit-ulit sya sa sobrang kalokohan.

Mahilig din 'yan sa droga, weeds, ecstasy at kung anu-ano pa.

Ang dami 'nyang tattoo at piercings. Buti nga napatalsik 'yan sa J.O.U.

Hindi 'sya nakulong that time kasi, makapangyarihan ang mga Magulang nila.

"What's your plan now Jocs?" tanong naman ni Brone at humithit sa yosi.

Si Brone ay mahilig rin sa babae. Pero mahilig rin 'sya sa Drag Racing.

Sandamakmak ang Motor nya. At may isa 'syang Mansion na imbakan lang ng mga Motor.

Inikot muna ni Jocs ang sasakyan. Hinaplos 'nya ito. At nag-evil grin.

"Oh. Flawless." malisyosong sabi nito.

Nag-ngisian naman si Quinn at Brone.

"So?" tanong ni Quinn.

"Since, wala pa naman akong nababalitaan na Girlfriend nya. Ifa-flat muna natin ang gulong 'nya!" malokong sabi nito.

Nagsi-aprubahan naman ang mga ungas at nag-apir pa.

Sh*t! Kelangan kong masabihan si Indigo.

Tatakbo na sana ako palayo. Nang bigla kong matapakan yung kumpol ng bato at gumulong yung iba at nasugat ako.

Put*ng*na naman oh! Ngayon pa ako binisita ni LasMa!

"Sh*t pare! May tao!" narinig kong sigaw ni Brone.

Agad akong gumapang, papunta sa isang puno. Gusto ko pang mabuhay!

"Hay*p naman! Sino ba!?" asar na sabi ni Quinn.

"Narinig ko doon banda." tinuro ni Brone 'yung kahoy na pinagtaguan ko kanina.

"Puntahan natin nang maturuan ng lekayon!" inis na sabi ni Jocs.

Buti nga't lumayo ako doon sa kahoy. Asan na ba yung Cellphone ko? Nakakainis naman oh!

Kinapa ko bulsa ko, wala lintik! Mukhang nahulog pa ata.

"Lumabas ka 'dyan gag* ka!" sigaw ni Quinn.

Malapit na sila, ito na ang katapusan. Sh*t! Para akong bakla!

Sinilip ko sila. Maaapakani Brone 'yung Phone ko.

*~Meooooow. Meoooooow. Meoooooow~*

"P*ta naman oh! Pusa lang naman pala." sabi ni Brone.

Ang tanga! Hindi napansin yung Cellphone ko. Madilim naman kasi eh.

"Tara na nga, sayang oras natin dito." sabi naman ni Jocs.

Wooo! Salamat naman.

Naglakad na sila palayo, at naglabas na rin yung mga tao sa Bar kaya umalis na sila.

Nakakainis! Nagtagumpay sila sa plano nila.

Tinalian ko ng panyo yung sugat ko sa paa.

Ang hapdi Pucha!

Naglakad na rin ako palayo, pinulot ko yung Phone ko. Buti nga hindi nadisgrasya.

Natawa naman ako, helpful yung sinend na ringtone ni Pixie saakin nung isang araw.

Makapag-trabaho na nga lang. Bukas ko nalang sasabihan si Indigo, alas dos na kasi ng madaling araw.

(A: Quinn at the picture)

Angel's Wish(GRANTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon