Wish:23 PART 03

9 1 0
                                    

Continuation...

"Ako nga. H'wag kang matakot mahal ko."

Nginitian 'nya ako na ikinawala ng takot ko. Tumibok na muli ang puso ko.

Nakasuot 'sya ng puting bestida na sobrang puti at nililipad ang mahahaba 'nyang itim na buhok. Kumikinang ang mga mata nya, at kumikintab ang kanyang mukha.

"Totoo ba na nasa katawan ka ni Dugita?"

Ngumiti 'sya na nakapagpalambot ng puso ko.

"Oo."

"Para a-ano? at Para s-saan?"

"Sa isang misyon. At sa isang kahilingan."

"H-huh? Hindi ko maintindihan." naguguluhan ako sa sinabi 'nya.

"Malalaman mo din."

"Pero--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla 'syang maglaho bigla, at bumalik sa dati ang paligid.

"KUYA!"

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang may sumigaw.

Panaginip? Ang lahat?

Bumungad saakin si Isabel. Anong? Ginagawa 'nyan dito?

"Kuya, tinawagan kami ni Kuya Karvie. Chinika 'nya ang nangyari sa'yo, kaya heto kami umuwi para i-check ang kalagayan mo." sabi 'nya.

"Ikaw? May alam ka rin ba?" matabang kong tanong.

"Saan?" tanong 'nya.

"Sa mga nakaraan ko."

"No. Kasi lumaki ako sa L.A. Kuya hindi pa tayo Close 'nun. Kayo ni Mommy andito sa Philippines, kasi trip mo mag-study sa J.O.U. Tapos kami ni Dad nasa L.A. Nabigla na nga lang ako ng bigla kang pumunta sa L.A tapos nasa Stretcher ka pa. Tinatanong ko si Mom kung anong nangyari hindi naman ako sinasagot. Bakit mo natanong kuya?" tanong 'nya.

Napa-iling nalang ako.

"Mga anak, dinner is ready!"

Bumaba na kami ni Isabel, hindi ako umiimik. Gusto ko nang umuwi sa Condo ko. Ayoko dito sa bahay namin sa High Village.

Umupo na ako sa upuan na malayo sakanila, at nagsimula nang kumain.

"Kamusta kana Anak? Okay na ba pakiramdam mo? We're so worried lalo na nung makita ka namin na walang malay sa cemetery." tanong ni Mama.

Wala parin akong imik.

"Anak kung gusto mo--"

"DON'T CALL ME ANAK! DAHIL 'YUNG GINAWA MO SAAKIN 'NUN MOM AY NAPAKASAMA! TINURUKAN MO AKO NG PAMPALIMOT! GINAWA 'NYO AKONG HAY*P MOM. TAPOS UMAAKTO PA KAYO NA PARANG WALANG NANGYARI?! TAPOS SI ANGEL? IPINALIBING 'NYO LANG NA PARANG ASONG NAMATAY?! THE HELL!? KELAN PA KAYO NAKAKUHA NG GUTS NA MAIHARAP ANG MUKHA NYO SAKIN--"

*PAK!*

Isang malutong na sampal ang nakuha ko kay Mommy.

"WHAT I DID BEFORE, IS WHAT I THINK IS BEST FOR YOU! Yung Angel na 'yun? Wala 'syang naidulot na maganda sa buhay mo! Malas 'sya!"

"That's the problem. What you think! Is different from what I feel! And what would I feel!"

"Angel, is the best thing that happened in my life." pangangatwiran ko.

"You know what Mom, you're the most sellfish person I've ever met in my whole life."

Angel's Wish(GRANTED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon