MAAGA akong nagising pagsapit ng Monday hindi para makapaglakad papasok sa school. Exam namin ngayon kyaah kinakabahan ako. Pinaghandaan ako ni mama ng baon ko syempre nag almusal na rin ako.
Paglabas ko ng gate saktong labas din ni crush sa gate nila si Teo, Matteo Andrew Salazar 23, third year college civil engineering course nya. Long time crush ko sya.
Childhood friends kami dahil mula bata magkakilala na kami 5 years old pa lang ako nong lumipat kami rito.
"Teo!" agaw pansin ko sa kanya "Good Morning sayooo" masiglang bati ko sa kanya sabay ngiti
"Morning" bored nyang sagot, oh diba
"Papasok ka na?" Tanong ko sa kanya pero tango lang sinagot nya "Sabay na ko ha?" nakangiti ko pa ring sabi sa kanya pero di na sya umimik hmmp sungit talaga
Walking distance lang school mula sa subdivision namin at magkasama lang ang senior high at college student sa isang school, hiwalay lang ng building kaya ang saya ko.
Maaga pa naman 8:30am unang test ko hindi na ko nagrereview dahil kapag piniga ko pa utak ko sa kakareview baka lalo akong walang masagot.
Yung unang test pa man din eh hindi ka pagsusulat kundi iisa-isahin kaming tatawagin at tatanongin, parang recitation mas mahirap nga lang dahil 5seconds lang iibigay sayo para maisip sagot.
Napasimangot ako dahil don at nang humarap ako kay Teo nakakunot noo syang nakatingin sakin, nang nakita nya kong nahuli synag nakatingin sakin agad syang umiwas at walang kibo.
Ewan ko ba dito daig pa may reglang babae kung umasta. Dati naman close na close kami nakakapasok pa nga ako sa kwarto nya ei pero simula nong 12 years old ako sa park kami don sa swing aksidente kong nabanggit na crush ko sya.
Noong una akala ko okay lang sa kanya pero kalaunan lumayo na loob nya sakin. Sakit lang dahil parang hangin lang ako dito sa tabi nya, pero dahil ang motto ko ay walang susuko laban lang ng laban" ay pinupursige ko sya kahit ipag tulakan na nya ako.
Napabuntong hininga na lang ako ng malalalim.
Pagkarating sa school naghiwalay na kami, nauna syang umalis di man lang nagpaalam ang loko.
Nasa East side ng school ang building ng college students at west naman ang mga senior high school. Samantalang ang teachers office, faculty, principal's office, atp. ay nasa may bandang north naman. Ay naku basta mauna na ko baka malate pa ko.
Pagdating ko sa room namin na nasa 1st floor lang ayon himalang tahimik ang mga kupal. Palibhasa takot bumagsak.
Pagkaupo ko sa designated chair ko wala pang ilang segundo may mga istorbo ng dumating.
"Huyy Ems di ka man lang ba mag rereview?" tanong sakin ni Anna, friend ko. Umiling lang ako.
"Ano ka ba naman Anna kailan ba nagreview yan sa school?" Sabat naman ni Joberto, I mean Jobie pala, friend ko rin, gay yan.
"Inggay nyo" sabat naman ng inaantok na si Ashley, friend ko rin, the boyish.
"Isa ka pa Ash, ke exam ngayon napaka antokin mo pa rin baka naman gusto mong magbago diba?" Mataray na saad ni Anna kay Ash na walang paki sa kanya.
"Napaka taratitat mo talaga Anna ginigigil mo ko sarap mong sabunutan. Mind your own business na lang kaya" marteng saad rin nong bakla
Napahagikhik na lang ako sa kanila na ikinalingon nila sakin.
"What?" Inosenteng tura ko habang natatawa.
Nanahimik rin yung dalawa ng dumating na yung first subject teacher namin, di tuloy sila nagkapag review.
NASA canteen na kaming apat ngayon. Tapos na ang dalawang subject namin kaya break time na, lamunan naaa.
Habang busy sa pagkain yung tatlo busy rin ako sa cellphone ko.
Kinukulit ko si Teo na sabay kaming uuwi mamaya.
To Teo🤍:
Teo?Sige girl, kulitin mo lang bibigay din yan.
To Teo🤍:
Teo busy ka?To Teo🤍:
Sabay tayong uwi mamaya ha??Habang naghihintay sa reply nya sumusubo ako ng favorite kung carbonara.
"OMG si Emmit mah labs andyan" natatarantang ani ni Anna "ano guys okay ba itsura ko?" Tanong nya samin walang sumagot sa kanya.
Kung ako long time crush ko si Teo, si Anna naman crush si kuya I mean kasali sa listahan ng mga crush.
Napatili ng mahina si Anna ng sumulyap dito si kuya, nah hindi sakin. Bumaling ako sa katabi ko, si Ash. Yap, si Ash ang gusto ni kuya pero shhhh lang tayo hihi.
Napabaling ako sa phone ko ng tumunog ito. Dali-dali kong binuksan ang message ng makitang si Teo ito.
From Teo🤍:
I can't, busy ako. Stop texting me.Eh? Ang cold naman nito. Napabusangot ako ng mabasa ko ang text nya.
"Nakabusangot ang muka mo dyan?" Tanong ni Jobie
Marami silang tanong at pinaguusapan pero wala akong naiintindihan.
Mula sa canteen hanggang room hanggang matapos ang exam at ang araw nakabusangot lang ang muka ko.

YOU ARE READING
My Emily
Подростковая литератураEmily, a young woman living next door to her long-time crush, Teo. Despite the proximity, Teo has been mysteriously distant, leaving Emily to grapple with her feelings alone. As Emily navigates the joys and challenges of life, she finds solace in h...