Sa last period namin ay hindi kami sinipot ng teacher namin kaya nag announce ang President namin at si Ash na na assign raw ang section namin sa booth, dalawang booth kaya nag butuhan kami kung anong booth ang okay.
Bukod kasi sa masquerade ball na gaganapin sa gabi ay magkakaroon ng booths the day before the night ng masquerade ball, which is magiging open ang school sa mga outsiders.
DIY Craft at dessert booth ang napili ng section namin. Diy crafts kung saan ang mga tao mismo ang gagawa ng bracelet, keychain and necklace nila at dessert booth para may mabenta kami.
Naghati sa dalawang grupo ang section namin at kaming magkakaibigan ay napunta sa dessert booth.
"Okay guys settled na ha? Gagawa na lang ng gc per group para doon mag usap. Sa Thursday na yan maki cooperate kayo lahat" wika ng president namin "Sige na magsi uwi na kayo"
Nag-ayos na kami ng gamit para umuwi.
"Huy, tama na yan, Annalise, uuwi na lang kung makeup pa," Jobie said teasingly, calling out Anna.
"Wala kang pake," Anna retorted with an eye roll, while she tidied up her things to leave. "Tsaka mabuti nang ready, baka nasa hallway isa sa mga crush ko."
"Kahit anong lagay mo sa muka mo, di matatapatan ang pangit mong budhi," Jobie shot back, not the one to back down.
"Palibhasa inggit ka kasi di ka makapag-makeup, baklang to!" Anna retorted, her tone laced with playful banter.
"No need, I have a natural face para makapang-akit," Jobie said with a smirk, patuloy sa kanilang bardagulan.
Ash and I exchanged amused glances as the two of them continued their asaran, naku ang dalawang ito talaga.
Pagdating sa gate, nag hiwa-hiwalay kami ng daan pauwi, each of us taking a different route.
Pag uwi ko sa bahay naabutan ko si mama na nagluluto ng hapuhan at si papa na mukang kakauwi lang rin galing ng trabaho.
"Ma, pa nakauwi na po ako" tawag pansin ko sa kanila, narinig ako ni mama kaya humarap sya sa akin.
"Oh nandyan ka na pala. Ang kuya mo hindi mo ba kasabay?" Tanong nya
Lumapit ako sa kanila para mag mano "Hindi ko naman po sya nakakasabay sa pag uwi ma"
"Oo sya magbihis ka na sa itaas at tatapusin ko lang itong niluluto ko" nag paalam na ko para umakyat at magbihis.
Mamaya ko na lang sasabihin yung about sa event sa school pagdating ni kuya.
After ko mag bihis ay umupo ako sa study table ko, napasilip ako sa tapat ang kwarto ni Teo. amaya pa ang uwi nya 7, tahimik ang bahay nila siguro ay bumalik na sa barko ang papa nya. Pareho kasing seaman ang kuya at papa nya at ang mama nya ay dating teacher na ngayon ay housewife.
Inabala ko muna ang sarili ko sa pagbabasa hanggang sa tawagin ako para sa hapunan. Dumating na pala si kuya?
Habang kumakain si kuya ang nagbangit kila mama about sa event sa school. Ang strand pala nila ay na assign sa booth ng mga games.
"Kayo Emily anak anong gagawin ng section nyo" tanong sakin ni papa
Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot "diy po tapos dessert booth, napunta po ako sa dessert"
"Naku mabuti naman, hindi ba't magaling kang gumawa ng mga dessert anak" proud na sabi ni mama
"Ma marunong lang po hindi magaling"
"Naku kahit na" sabat nya "Naaalala ko nga dati ay nag experiment ka ng mga dessert sa kusina"
"Oo ma tapos ibibigay nya kila tita Martha" pang-aasar ni kuya kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Ano namang balak nyo sa masquerade ball?" Tanong ni papa "Kung kailangan ng chaperone ay kayong dalawa na lang ang magsama" suggestion nya pa.
"May kasama na ko pa, pumayag na kanina" mabilis na sabat ni kuya. Halatang ayaw akong kasama ah.
Tumingin sakin si papa nag-hihintay ng sagot ko. Yung tingin nya na para babg ayusin mo sagot mo malilintikan ka sakin.
"Mga kaibigan ko po ang kasama ko" napatango si papa, satisfied sa sagot. Halata ring ayaw akong may ka date huhu.
Natapos kaming kumain ay si kuya ang naghugas ng plato, nauna ng umakyat si mama at papa para mag pahinga. Nakatambay naman ako dito sa sala.
"May ka date na kaya si Teo?"bulong ko sa sarili. Feeling ko meron na, sya kaya ang nag ayaw o sya ang inaya? Sana naman wala pa.
Sa pagkatulala ko ay hindi ko namalayan sa tabi ko si kuya, "Meron na yun, narinig ko kanina napadaan ako sa department nila"
Napalingon ako sa sinabi nya "Talaga? Sino kaya"
"Trish ata pangalan di ko lang sure" sagot nya
"Trish yung ssg pres ng college dept?" tanong ko pa sa kanya. Nalulungkot na ko for real.
"Aba malay ko, bat di mo kaya itanong diba? Di yung nag overthink ka dyan. Matulog ka na nga" nauna na syang umakyat.
Totoo kaya yun? Kung oo sino kaya ang nag aya?
Sumunod na rin ako sa taas pagtapos kong patayin ang mga ilaw.
Hindi na ko nag puyat kakaisip, bukas ko na lang itatanong.
YOU ARE READING
My Emily
Teen FictionEmily, a young woman living next door to her long-time crush, Teo. Despite the proximity, Teo has been mysteriously distant, leaving Emily to grapple with her feelings alone. As Emily navigates the joys and challenges of life, she finds solace in h...