Nanglibre si Anna ng ice cream samin. Hindi na rin kami nag tagal mag ikot then after nun ay bumalik na kami sa pwesto namin.
Nagulat kami dahil pagdating namin ay andoon sa tapat ng pwesto namin ang principal kasama ang chairman ng school.
Napatingin sa akin ang mga kasama kaya nagtaka ako "Emily tara dito dali"
Nagmadali akong lumapit sa kanila "B-bakit?"
"Sya po ma'am sya po yung gumawa nyang carrot cake pati nitong iba pa"
"Oh so it's you" ngumiti sa akin ang chairman "Wag kang kabahan iha. Tinanong ko kung sino ang gumawa nitong mga paninda nyo para mapuri dahil it tastes good"
"Ah hehe salamat po" magalang kung sagot. I don't know what to say, kinakabahan kasi ako.
"The carrot cake taste perfect. I wonder how you do it iha. HE ba ang mga strand nyo?" Tanong nito sa amin
"ABM po kami ma'am"
"I see. By the way keep it up iha masarap ang gawa mk" ngumiti ito sa akin
"Masarap po talaga yan ma'am praktisadong pratisado nya yan kasi favorite ng crush nya yan" sinamaan ko ng tingin si Jobie sa sinabi nya.
Tumawa ang chairman sa sinabi ng bakla "Pasensya na po ma'am and Thank you po sa compliment" sabi ko. Nakakahiya itong bading na ito.
"Sige na we have to go" paalam nila.
Pag alis nila ay tinampal ko si Jobie sa braso. "Ikaw kahit kailan talaga yang bibig mo pasmado! Nakakahiya kaya" tinawanan lang ang ng bruha.
Napansin ko na paubos na ang paninda namin. Mayroon na lang tatlong pirasong chocolate chip cookies, five pieces na butter cookies at apat na mini cheesecake bite tapos yung carrot cake ay dalawang slice na lang. Binili ko na yung isang slice at itinabi.
"Mukhang mabenta ang gawa nyo ah" napalingon kami sa nagsalita. Si Sandro kasama ang mga kaibigan nya.
"Andito na pala ang gwapo naming kaibigan at kasama ang gwapo rin nyang mga kaibigan" pangbubulo ni Anna.
"Oo nga. Bilhin nyo na oh masarap yan si Emily may gawa nyan!" Proud na proud na pambubula ni Jobie.
Manghang napatingin sakin si Sandro "Really Emily gawa mo to?" Tumango ako at ngumiti "Woah! Sige bilhin na namin para ubos na"
Binili na nga nila lahat. Nakakahiya pero sige magiinarte pa ba ako.
Tinikman nila yun at pinuri ang gawa ko. Proud na proud naman ang mga kaibigan ko akala mo napaka laging bagay nun.
Umalis na rin sila para daw makapag ikot pa. Ayaw pa nga sana ni Sadro kaso hinatak na sya nga mga kaibigan nya.
Kinuha ko ang carrot cake at nag paalam muna sa kanilang may pupuntahan lang.
Pumunta ako sa pwesto ng section nila Teo para hanapin sya pero wala sya doon. Sinabi ng isa sa mga kaklase ay ay pumunta daw sa room nila para kumuha ng gamit. Ngumiti at at nagpasalamat.
Dumiretso ako sa room nila dala dala ang cake na ibibigay ko sa kanya. Tatanongin ko na rin kasi sya kung may kasama na sya bukas.
Pagkarating ko sa tapat ng room nila ay nakabukas ang pinto. Pero ang masayang ngiti ko ay nawala ng makita kung sino ang tao sa loob ng classroom.
Hindi ko makita kung ano ang ginagwa nila dahil likod lang ni Teo ang nakikita ko kaharap ang muka ng babae pero alam ko kung anong ibigsabihin nun, naghahalikan sila.
Napahawak ako sa dibdib ko. Masakit. Naagaw ko ang pansin nila ng may maapan akong plastic pag atras ko.
Gulat ang expression ni Teo ng makita ako "Emily?"
"A-ano Teo" hindi ko alam ang sasabihin ko "Dumaan lang a-ako kasi ibibigay k-ko itong favorite m-mo. " inilapag ko ang cake sa mesa "S-sige una na ko"
Hindi ko na hinintay ay sagot nya at tumakbo na ako.
Ang sakit naman nun. Para akong sinampal ng katotohanan sa nakita. Si Trish yun hindi ako pwedeng magkamali.
Pinunasan ko ang luha ko at bumalik sa pwesto namin. Andon pa ang mga kaibigan ko mukhan hinihintay ako.
"Oi, Emily san ka galing?" Takhang tanong nila sa akin.
"Anyare sayo?" Nag aalala dilang lumapit sakin ng makitang hindi maganda ang itsura ko.
"Ha? Ano, wala to"
"Sigurado ka? Mukhang hindi ka okay Ems. Anong nangyari ba sayo" nag aalalang sabi sakin ni Ash.
"Wala nga kulit nyo" natatawang sabi ko kahit halata naman peke yun. Hindi na nila ako kinulit at sinabing pwede na daw umuwi.
Tumulong ako sa pag likigpit sa pwesto namin bago umuwi.
Dumating ang adviser namin at nag sabing kailangan daw naming lahat pumunta bukas dahil bibigyan nya daw kami ng plus points sa subject nya. Para din daw makapag enjoy kami.
Makakapag enjoy kaya ako? Masakit sa dibdib ei.
Umuwi na ako pagtapos ng gawain namin para makapag pahing na rin, masyadong nakakapagod ang araw na ito para sa akin.
Tumunong ang phone ko, may nag text ata. Wala sana akong balak basahin pero baka importante.
Sandro:
Hey, Emily are you up?To Sandro:
Bakit Sandro?Sandro
Tatanongin ko lang sana if anong sagot mo sa offer ko last time?Hala oo nga pala. Sa sobrang busy ko ay nakalimutan kong sagutin si Sandro. Kaya pala parang may sasabihin sya kanina.
Shunga talaga Emily.
To Sandro:
Sorry Sandro nawala sa isip ko patawad.Sandro:
Okay lang yun.Sando:
So ano nga sagot mo?Nakakahiya naman ilang araw na yun, kung sana na turn down ko ng maaga may mahahanap pa sana syang date.
To Sandro:
Sige payag na koSandro:
Yes! Thank you Ems. Good night see you tomorrow.Ngayon naman ay parang nag dalawang isip ako. Hay naku Emily ang gulo mo.
Natulog na lang ako kahit masama ang loob sa nakita kanina.
A vote will be highly appreciated tysm!
YOU ARE READING
My Emily
Teen FictionEmily, a young woman living next door to her long-time crush, Teo. Despite the proximity, Teo has been mysteriously distant, leaving Emily to grapple with her feelings alone. As Emily navigates the joys and challenges of life, she finds solace in h...