"Tao po?" Katok ko sa bahay nila Teo. Nakasuot lang ako ng simpleng floral dress dahil simpleng salo-salo lang daw ito.
"Oh Emily andyan ka na pala mabuti't nakarating ka" ngiting bungad sakin ni Tita.
"Opo, Happy Birthday po tita, pasensya na po dahil wala akong regalo sa inyo" nahihiyang bati ko sa kanya.
"Ano ka ba iha ayos lang yun andito ka naman na tara na sa loob" aya nya sakin. Marami ring tao dito, Nakita ko ang papa nya nakikipagkwentuhan habang uminom sa kapitbahay namin rito. Nang tumingin sya sa gawi namin binati ko sya.
Nakita ko rin si Kuya, may mga kausap sya don na hindi ko kakilala. Dumiretso kami sa dinning area at andon ang maraming pagkain.
"Kumain ka na dyan iha wag kang mahihiya, dalhan mo na lang ang mama't papa mo mamaya" nagpalinga-linga ako sakaling matyempohan ko si Teo pero wala, bayaan. Mukang napandin yun ni tita "Si Teo ba? Inutusan syang bumili ng papa nya sa convenience store" nanunuksong sabi nya.
Dahil sa hiya naupo na lang ako at nagsandok ng makakain ko. Nakakahiya ka Emily masyadong pahalata ayy.
Iniwan ako ni tita dahil pupunta daw sa mga bisita. Kumain ako ng makarinig ng yapak, pagtingin ko si Teo yun. Dali-dali akong tumayo para sana batiin sya kaso dumiretso sya sa ref.
"T-teo" tumingin sya sakin ng nakakunot ang noo. "Uhmm Yun-
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mga lalaking biglang sumulpot kung saan, epal naman. Dumiretso sya kay Teo at tinapik ang balikat nito. Mukang hindi nya ko napansin.
"Matteo hinahanap ka na don" napatingin sya sa gawi ko napa"Ow" sya, narinig ko rin ang pag 'tsl' ni Teo " Who's this beautiful lady here?" Lumapit sya sakin ng may malawak na ngiti, eh? Muka syang playboy pero maganda syang lalaki in fairness "I'm Sandro by the way and you are?"
Inilahad nya ang kamay sakin aabutin ko na sana yun at magpapakilala kaya lang bigla syang inakbayan ni Teo, "She's off limits bro" at hinila paalis. Problema non?
Imbes magisip ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Alam kong si tita ang nagluto nito, masarap kasi syang magluto. Dumating na rin si tita kaya nakapagkwentohan kami sandali.
Nang mag 6pm na nagpaalam na ako kay tita na uuwi. Iniahatid nya ko hanggang gate nadaanan namin yung barkada nila Teo, napansin kong nakatingin sakin yung Sandro ba yun? kaya nagiwas ako ng tingin. Nagpaalam na ko kay tita na uuwi, magkatapat lang naman kami ng bahay.
Papasok na sana ako ng gate namin ng may tumawag sakin kaya napatigil ako.
"Heyy" lumingon ako sa kanya iyong Sandro ito ah? Ano naman kayang kailangan nya?
"Bakit?"
"You haven't told me your name, Miss?"
"Emily" tipid na sabi ko. Gusto ko ng humilata sa kama ko. Tumingin sa sa bahay namin.
"So, dyan ka pala nakatira" obviously
"Oo, kaya sige mauna na ako bye" paalam ko saka tinalikuran sya. Ayoko ng mahabang usapan sa di ko kilala. Nagpakilala sya Emily, he's Sandro.
"It's nice meeting you Emily" pahabol nya sakin bago ko isarado ang gate.
KINABUKASAN maaga akong nagjogging. Napatingin ako sa bahay nila Teo, hmm tahimik siguro tulog pa, pero alam ko may pasok pa rin sila Matteo.
Balak naming magkakaibigan ng 9am pumasok tutal completo naman kami sa lahat. Tutulong lang kami para mag check ng test papers at mag-ayos ng room.
Matapos ang isang oras ko sa park napagdesisyonan ko ng umuwi. Hindi naman ako nag jogg ng 1 hour mga 30 minutes tapos nakipag kwentuhan sa mga kakilala ko. Dahil mag 8 am na nagayos na ko ng sarili para pumunta sa school.
Pagkarating sa school mapapansin mo agad ang pinagkaiba. Sa side ng College students mangilan-ngilan lang ang mga studyante sa labas samantalang sa senior high mga hindi magkandarapang estudyante, hinahabol mga kulang nila.
"EMILY" napaigtad ako sa kinatatayuan ko ng may malakas na tumawag sa pangalan ko marami tuloy tumingin sa gawi ko. Nakita ko yung tatlo papunta sa gawi ko, ang mga lapastangan.
"Ano ba! Kailangan talagang sumigaw ng ganon Anna??"
"Masyado kasing malalalim iniisip mo kanina ka pa namin tinatawag kaya kailangan ng gamitan ng special technique girl" with flip hair na sabi nya. Napailing na lang ako sa kanya.
Nagpunta na kami sa room naabutan namin doon si ma'am ng magisa, mukang walang ibang nagpunta ah?
"Hello ma'am" tawag ng pansin sa kanya ni Anna, kita mo 'tong babaeng ito.
"Oh kayo pala yan. Buti't nakapunta kayo. Wala naman kayong kulang sa kahit anong subject nyo" nakangiting sabi nya samin.
"Ma'am diba magchecheck at magaayos ng room" sabat ni Jobie tinawanan lang sya ni ma'am.
Binigyan nya lang kami ng gagawin dahil maaga pa daw sya don naumpisahan na nya yung iba kaya kaunti na lang ang gagawin. Ako at si Ash ang katulong na magcheck habang si Anna at Jobie ang nagaayos ng room.
Tinatawanan na nga lang namin sila dahil maging sa pagaayos nagtatalo pa rin. Hindi na nagkasundo ang dalawa. Napailing na lang si ma'am at bumaling sakin.
"Emily congratulations ikaw nanaman ang nangunguna sa klase keep up the good work" dahil sa sinabi nya pinuna na ko ng mga kaibigan ko.
"Naku ma'am may inspiration kasi kaya ganyan" Anna
"Oo ma'am kita nyo naman nagboblooming si Emily oh ma'am look nagbublush sya" tukso ni Jobie ang dalawang ito masasabunutan ko na talaga, ako ang nahiya sa kanila.
Mabilis natapos ang gawa namin. Inilibre kami ng lunch ni Ma'am tatanggi na sana ako kaya lang naunahan na kong nong dalawa sayang daw ang libre. 4 na ng hapon pauwi na kami.
"Guys labas tayo bukas?" Naeexcite na sabi ni Anna. Tutal wala namang pasok next week hindi naman masamang gumala kasama ang barkada diba?
"G kami dyan! Let's relax our souls" pagsang-ayon ni Jobie. Kaya sumangayon na lang rin kaming lahat.
Nagpaalam na kami sa isa't isa para umuwi dahil hapon na.
Nang makauwi napansin kong tahimik pa rin ang bahay nila Teo, why naman kaya?
YOU ARE READING
My Emily
Teen FictionEmily, a young woman living next door to her long-time crush, Teo. Despite the proximity, Teo has been mysteriously distant, leaving Emily to grapple with her feelings alone. As Emily navigates the joys and challenges of life, she finds solace in h...