6

4 1 0
                                    

Nagulat ako ng makita si Sandro pero mas ikinagulat ko na makita si Teo sa misang pinanggalingan nya.

"Emily" ngumiti si Sandro pagkalapit sa amin.

"S-sandro Ikaw pala" So bat ako kinakabahan? Nasa likod nya sila Teo at nakatingin sa gawi namin. What if mag selos sya kay Sandro? Pero bakit naman sya magseselos kung wala namang kami?

"Yep, I'm here with my friends, I guess you too." Nandito pa pala si Sandro. Sorry na overthinker ako eh.

"Ah Oo, friends ko" sabi ko at itinuro sila Jobie na nasa likuran ko. Ang gaga nangungurot at alam ko na ang ibig sabihin non, kinikilig at nagagwapohan sya kay Sandro."Ash, Anna and Jobie" turo ko isa isa sa kanila. Ngumiti lang si Sandro sa kanila sabay baling sa akin

"Wala kayong pwesto?" Tinangoan ko lang sya dahil ano ba dapat dabihin ko? "You guys can share on our table"

"Naku hindi na Sandro hahanap na lang kami ng ibang pwesto nakakahiya naman sa mga kaibigan mo- " humarap ako sa pwesto nila nakita ko si Teo na kausap isa nilang kaibigan pero ang umagaw sa pansin ko ay si Kuya Emmit na kasama sa groupo nila. Bakit hindi ko sya napansin kanina? At ang loko nagnanakaw nanaman ng sulyap.

"No it's okay they won't mind, right guys?" Humarap sya sa mga kaibigan nya, nag thumbs up lang ang mga ito.

"Hindi na Sandro. Mauna na pala kami sige na bye. Salamat sa offer " dahil kahit ayaw kong mag tunong rude wala na akong magagawa dahil makulit sya. Isa pa si Teo nandon.

Nagpaalam na lang kami bago umalis para humanap ng pwedeng pwestohan pero literal na maraming tao. Kaya no choice kami kundi ang magpunta sa park at doon kainin ang pagkain na binili namin.

"Huyy gaga ka." Hinampas ako ni Anna "Sino yun ha?"

"Ikaw babae kumikiringking ka na ah, hindi mo kami sinabihan" pang-aasar pa ni Jobie

" Anong kumikiringking ka dyan, si Sandro yun nakilala ko sa birthday ni Tita Martha" pag-papaliwanag ko. "Tsaka di ko sya type, mataas standard ko, mga 6'2 tapos engineering" humagikhik ako

"Sabagay sa Matteo nya lang dya kikiringking" nagtawanan ang dalawa dahil sa naiisip.

"Nga pala guys, ilang months na lang katapusan na natin" maluha-luhang sabi ni Anna

Natawa kami ni Ash sa sinabi ng babae.

"Oo nga eh, gusto mo unahin nakita Anna?" sarkastikong sabi ni Jobie sabay kunyaring babatukan si Anna

Ilang months na lang kasi graduation na natin, magiging college na kami at maghihiwahiwalay na kami ng landas, I mean dahil sa course na kukunin namin sa college. Although pare-pareho pa rin kaming sa Harmony Collegiate Academy (HCA) pa rin mag-aaral, magkakaiba nman ang course namin.

Ang kukunin ko ay Tourism, si Jobie ay Business Administration dahil only child sya at sya ang mag-mamana ng business nila, Accountancy naman kay Ash at si Anna ay BEEd nag abm sya dahil kapag nag humss daw sya ay sya lang mag-isa.

Hindi na kami nagtagal at umuwi na rin, anong oras na rin kasi at padilim na.

Nakasabay ko pa sila kuya Emmit kasama si Teo sa sakayan. Punuan ang jeep kaya sumabit sila Teo at kuya Emmit isa na lang kasi ang kasya kahit sabi ng driver ay tatlo pa pero isang kalahati lang ng pwet ko ang kasya, ang hirap pa namang mag-panggap na nakaupo.

My EmilyWhere stories live. Discover now