3

6 2 0
                                    

SECOND day ng exam ngayon din ang last day. Last subject na lang ang itatake namin.

Nandito kami ng mga asungot ngayon sa field naka salampak kami sa damuhan. Magrereview daw sila dahil pa goodshot kay ma'am which is yung adviser namin, mga sipsip sarap sakalin. Pero kami ni Ash hindi nagrereview si Ash nakahiga nakatakip yung book sa muka nya, tulog yan malamang habang ako nagbabasa lang ng kung anong libro ang nahablot ko sa bookshelf ko kanina.

Habang nagbabasa ako, tumunog ang aking cellphone.

Napangiti ako ng makita kung sino ang nagtext, nah hindi si Teo kundi si Tita Martha yung mama ni Teo.

From Tita Martha:
Iha. Kaarawan ko ngayon, iimbitahan sana kita kaninang umaga pero maaga ka raw umalis. Punta ka sa bahay ha.

Hala si tita talaga hindi nakalimutan yung future daughter in law nya hihihi.

Dahil sa text na yun, nag-aya na akong pumunta sa room.

"Ems may 5 minutes pa wait lang naman" lakas talaga ng boses ni Anna.

"Wait patapos naman na ako ligpitin ko lang mga gamit ko" buti pa si Jobie may pakisama.

"Wait lang saglit pa pasok na lang tayo kapag ring ng bell" Anna

"Girl pwede mo namang ituloy yan sa room" maarteng sabi ni Jobie.

Napatingin ako kay Ash dahil mulang walang balak gumising ang isang to niyugyug ko na sya.

"Ash gising na" ayaw pa rin? "Huy Ashley gumising ka naaa" dahil nilakasas ko na ang boses ko ayon gising na rin.

Pupungay-pungay syang syang tumingin sakin "Bakit ba?" hala ang cute talaga nya. Kahit paboyish itong babaeng ito maganda pa rin sya at the same time pogi rin kaya nabighani ang kuya ko.

"Punta na tayo sa room" sabi ko

"Okay" nauna na syang tumayo nilahad nya ang kamay sakin para tulungan rin akong tumayo. Ngumiti ako bago tinanggap yun. Naku kung wala lang akong Teo baka si Ash ang hinaharot ko ngayon napaka gentleman, tama bang gentleman ang tawag ko sa kanya? Ah basta.

Nakatayo na kami ganon din yung dalawa pero busy sa pagbabangayan.

Pagdating namin sa room saktong ring ng bell kaya nagsi-ayos na mga kupal kung kaklase.

"Sabi ng wait lang kasi di ko tuloy natapos magreview" nakabusangot na sabi ni Anna.

Si Jobie kasi habang naglalakad, samantalang si Anna imbis na gayahin si Jobie puro reklamo ang gaga.

Kami ni Ash wala lang nakahawak kasi sya sakin, kikiligin sana ako kaso naalala kong may Teo na pala ako.

Nakaupo na kaming lahat ng dumating si Ma'am ngumiti sya samin bago inayos yung mga gamit nya.

"So class, i hope nagreview kayong lahat. I'm expecting you all to pass hindi lang dito sa subject ko kundi sa iba nyo pang subjects." Sumangayon kaming lahat pero nangingibabaw bosses nila Anna. Ngumiti si ma'am sa amin. "So let's start"

Pagkabigay ni ma'am test papers nagsimula na kami agad. Medyo madali lang naman ito dahil nagreview naman na ako.

Pansin ko rin sa mga classmates ko, parang easy lang sa kanila. Ganyan nga naman talaga pag favorite subject lalo na't adviser.

NATAPOS namin lahat ng subject na dapat itake ng test, buong week next week walang classes. Inannounced yun ni ma'am kanina bago kami idismissed. Ang mga kaklase ko? Ayon hiyawan.

Bukas kailangan parin naming pumunta sa school pero walang klase half day lang. Kailangan namin mag check ng test papers and completion rin para sa may mga kulang.

Magana akong naglalakad ngayon pauwi. Pupunta nga pala ako sa bahay ni Teo dahil birthday ng mama nya kaya binilisan ko ng maglakad para makauwi agad.

Pagkarating sa bahay medyo hinihingal ako.

"Naku kang bata ka sinabi ng huwag mong pagurin ang iyong sarili. Gusto mo bang mahiga nanaman sa kama mo ng ilang araw?" sermon ni mama pero hindi ganon kagalit sakto lang.

"Sorry po ma" nakayukong pahingi ko ng umanhin. Napaka-tigas talaga ng ulo ko lagi ko na lang silang pinag-aalala.

"Oh sya sige umakyat ka na sa kwarto mo't magbihis ka na." Ngumiti ako at tumango "Sya nga pala si Martha pinapapunta ka sa kanila kaarawan nya raw"

"Opo ma magbihis lang po ako"

My EmilyWhere stories live. Discover now