13

2 1 0
                                    

As the evening progressed, Teo's magnetic presence continued to captivate the crowd, including myself. As I watched him effortlessly command the stage, I couldn't help but wonder what it would be like to be by his side. Would he finally notice me?

"Huy te, ano ka na dyan. Kung ako si Teo, kanina pa ko tunaw" natatawang sabi ni Jobie.

"Kaya nga hindi ikaw sya" sabat ni Anna "Straight sya ikaw baliko" natawa kami sa sinabi nya.

"As if naman gusto kong maging sya nu!" Sagot naman ni Jobie "I rather want to kiss him than be him nu" irap pa nito. Sinaaman ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya "Biro lang te, ikaw naman!"

Nagpatuloy kami sa pag uusap pero mas lamang dun ang pag babangayan ng dalawa sa tabi ko.

Tumayo si Kuya ng tumugtog ang isang slow damce, nag punta sila ni Ash sa gitna at nagsayaw. Nakasimangot akong sinundan sila ng tingin at pinanood, kita ko ang saya sa mata ni kuya ganon din kay Ash pero ang lokong babae mas lamang ang pagkamalditang aura.

Narinig kung inaya ni Anna si Jobie na magsayaw pero ang bading ayaw gusto nya raw maghanap ng boylet.

"Gaga ka talaga! Wala kang mahahanap dito hanggat nasa tabi mo ko!" Pananakot ni Anna sa kanya.

Natawa na lang ako dahil si Anna ang naghila sa nakasimangot na si Jobie. Kung hindi lang talaga bading itong si Jobie, iisipin kong may secret relationship ang dalawang ito dahil sa inaakto nila.

"Hi can I have this dance?" Nagulat ako ng inilahad ni Sandro ang kamay nya sa harap ko. Wala sya kanina pa dahil inaya sya ng mga kaibigan nya at ngayon lang ulit nakabalik.

Hindi ko agad tinangap iyon kaya nahiya ako't kanina pa iyon nakalahad. Kaya tinangap ko rin kalaunan. Nagpunta kami sa gitna at dun sumayaw. Hindi naman ito ang una kong sayaw pero kinakabahan ako, bakit pa kasi sa gitna kami. Huhu Sandro naman talaga.

"Don't be nervous pretty, I won't eat" Sandro chuckled.

"Ikaw kasi, bakit mo kasi ako dinala dito sa gitna." Nakasimangot kong reklamo

"It's okay, Emily" sabi nito "Dito tayo sa gitna because I wanted them to know na mayroong babae dito ngayong gabi  that looks gorgeous" namula ako sa sinabi nya. Huy gorgeous daw. Ano kayang feeling kung si Teo ang nagsabi sakin nun?

"Thank you, Sandro" wala na akong masabi. Naalala ko nanaman si Teo, lakas talaga ng tama ko sa lalaking yun.

"Emily?" Napatingin ako kay Sandro ng tawagin nya ang pangalan ko. "Matteo" bangit nya sa pangalan ni Teo na nagpalikot sa dibdin ko. Oh tamo pangalan pa lang yan ah!

"B-bakit?"

"You like him, right?" ani nito. Nagulat ako dahil sa sinabi nya kaya hindi ako agad nakasagot "I see"

"A-ano, crush ko lang yun si Teo" humina ang boses ko. Crush ko lang naman sya diba?

"I see. I thought you like him base sa napapansin ko, and it's actually good that you only have crush on him" napakunot ang noo ko sa sinabi ng lalaking ito. Aba kupaloks tung lalaking to ah "I heard he's courting Trish, the ssg president"

Doon ako natahimik, ang makitang naghahalikan sila ay masakit para sa akin sabayan pa ng malaman kong nililigawan na nito si Trish, masakit.

Natapos ang sayaw namin kaya bumalik na ako sa pwesto namin, umalis na rin si Sandro at tinawag ng mga kaibigan nya. Si Ash at ako na lang ang natira dito dahil kanina pa may nagsasayaw kay Anna si Jobie naman ay nagpogi hunt. Si kuya Emmit ay hindi ko alam kung nasaan. Napansin ko rin na nakasimangot si Ash, anyare kaya sa dalawang to.

Matapos ang sayaw namin ni kuya ah bumalik na ako sa upuan, magisa na lang ako dito dahil umalis si Ash. Mabuti na lang at medyo madilim tung pwesto namin. Lumipas ang oras pero andito lang ako nanonood sa paligid. Maraming nagaaya ng sayaw sakin pero tinatangihan ko, nawalan ako ng gana sa sinabi ni Sandro.

Naconfirm ang naisip ko dahil dun, maghahalikan ba ang dalawang yun kung walang namamagitan sa kanila. Baka nga noong nakita ko silang magkahalikan ay sila na ei. Ang sakit lang.

Kaya siguro dumistansya sakin si Teo dahil ayaw nyang ma issue sya at mabusted ng nililigawan nyang si Trish.

Ilang oras na lang ay patapos na ang program, mabuti naman at makakauwi na ko. Gusto ko na ring magpahinga.

The program ended and we're about to leave nang magaya si Anna na mag cr, ayaw ko sanang samahan dahil nakakatakot ang cr sa banda college department madilim rin ang papunta dun, kaya lang nakakaawa naman ang babaeng ito.

"Wait mo na lang ako dyan sa labas. Subukan mong iwan ako malilintikan ka sakin Emily sinasabi ko sayo"

"Oo na dito lang ako"

Pumasok sya sa loob habang nandito ako sa labas. Tahimik na ang paligid dahil nagsiuwian na rin ang karamihan.

Napatili ako ng may humawak sa braso ko at hinila ako sa madilim na part, muntik na akong atakihin ko hindi ko lang naamoy ang pamilyar na pabango neto.

"T-teo"

"I didn't have my chance kanina dahil may nakaaligid sayo, Emily" naahawak ako sa puso ko ng magsimula nanaman itong magwala, ano nanaman ba ito Teo. "Can we dance Emily?"

"Pero walang music, T-teo" sabi ko dahil ang weird naman na sasayaw kami kung walang music diba? Pero ang totoo kahit walang music go lang sabi ng walang hiya kung puso.

"It's okay, we can still dance even without music." Tuluyan ng sumabog ang nararamdaman ko ng magdikit ang aming mga katawan at nag simula ng sumayaw.

My night was complete even tho the pain is still here dahil sa nalaman ko. At least I have my special moment with him.

Hi mga irog ko! Long time no update huhu. Miss you all!

My EmilyWhere stories live. Discover now