9am ang usapan naming magkakaibigan na magkita-kita sa Mall, balak kasi nilang dito buong araw.
Halos sabay lang kaming dumating ni Ash, naunang dumating sila Anna and Jobie.
"Himalang ang aga nyong dalawa" bungad ni Ash pagkatapat namin sa dalawa. Wala kaming Hi Hello na batian ganyan ang batian naming apat.
"Oo nga, pag talaga mga lakad ang bibilis nyo"
"Girl ano ka ba, ngayon na lang tayo ulit makakagala magkakaibigan syempre naexcite" paliwanag ni Anna habang inaayos ang suot nyang bow ribbon puff sleeve crop top partner with high waisted jeans. Bilib talaga ako sa fashion ng babaeng ito
"Oo sige na tara na dahil ang init gusto ko ng magpalamig sa loob sayang outfit ko dito" natawa na lang kami kay Jobie dahil nuna na itong pumasok sa loob, rumarampa pa ang bakla. Pano namang hindi sya maiinitan naka white long neck sweater top with khaki long sleeve polo and brown suit pants with matching tote bag pa.
Grabe ang gara nilang pomorma pwede na silang magsama ni Anna.
Si Ash ang suot nya ay white v neck knit crop top cardigan partner sa beige trousers, bagay talaga sa kanya mga trousers.
Sakin? Smocked Puff Sleeve Crop Top Off Shoulder parter sa High waisted denim shorts.
"Ano girls san nyo unang gustong gumura?" Excited na sabi ni Jobie
"Aba batla, himalang kami una mong pinapipili. Anong nakain mo?" gulat na patanong ni Anna sa kanya, maski kami napatingin din sa gulat daw sa bigla nalang na sinabi ni Jobie.
Sya kasi yung tipo ng gusto sya masusunod, sya magdidisiyon never pang nagpalamang ang baklang yan as in, kaya nasanay na kami sa kanya.
"Wala akong nakain gaga ka at saka ayaw nyo yun? Mabait ako for today nag paraya na nga ako okay sige ako na mag dedecide" maarteng sabi nito.
"Haba ng explanation halatang defensive" naiiling na sabi ng katabi ko, si Ash.
"Naku wala ng bawian sige tara arcade tayo!" Excited na sabi ni Anna sabay hila kay Jobie. Hinila ko na rin si Ash na ang likot ng mata, para syang may hinahanap sa paligid.
"Huyy Ash okay ka lang? Sino hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.
"ha? ah wala let's go" hinawakan nya ang kamay ko at sya na ang humila sakin palapit kila Anna.
Nang makapasok na kami sa loob ng arcade nag papalit kami ng maraming token, maraming pwedeng gawin dito aa loob inuna na nila ang shooting game, iyong parang may binabaril ka tapos may hawak kang baril tas binabaril mo yung sa screen ah basta.
Natapos namin yun sumunod naman sa car racing, naka upo ka lang tapos para kang nagdidrive. Tuwang tuwa ang mga isip bata.
Nang magsawa sa driving sumunod naman sa dance machine, sila Anna at Jobie lang dahil pagod na ko sa mga pinag gagagawa namin si Ash sabi nya para daw may kasama ako.Ang tagal nilang dalawa dahil nag kukumpetensya pa silang dalawa. Marami pang ginawa isa na doon yung may babarilin ng cups tapos pag tapatumba mo lahat makakakuha ka ng prize, teddy bear.
Sa kasamaang palad ay hindi kami pinalad. Nagaya si Anna sa may basketball dahil amy naisip daw syng idea.
"Team kami ni Jobie the girl tapos kayo naman ni Ash ang team kung sino ang matatalo sila ang manlilibre ng lunch natin!"
"Ito na idea mo?" mataray na tanong sa kanya ni Jobie
"Oo bakit? Angal ka?"
"Oo dahil gumawa ka lang ng paraan makatipid dahil kuripot ka gaga ka"
"Whatever" inikotan nito ng mata ang kausap saka humarap sa akin "Ano Ems, okay idea ko diba?"
"Okay lang, pero tama si Jobie, Anna kuripot mo talaga gurl" sabi ko sa kanya "pero go ako dyan"
"Hala sya! Pinagkaisahan nyo akong dalawa parang hindi tayo magbebestfriend" emosyonal na sabi nya sabay yakap kay Ash. Tumawa kami ng itulak sya ni Ash.
"Napaka mong babae ka! Tara na nga game!" aya ni Jobie
Kinilabit ko si Ash "Ash I don't know how to play basketball, alam mo ba?" Tumingin ako kila Anna sinasabihan nya si Jobie na galingan dahil nakasalalay daw doon ang lunch nya.
"Gaga kahit matalo tayo makakapag lunch ka pa rin naman" singhal sa kanya ni Jobie
" Sakto lang " Tumingin ako kay Ash nang magsalita sya
"Ano guys start na tayo gutom na ko! "
Sabay kaming nag hulog ng token para saby ring mag start ang timer.
Nagsimula ng magshoot sila Jobie at Anna pag kastart ng timer, nagaaway pa sila dahil nagkakasabay sila kaya nagkakataman ang mga bola at hindi nag shoshoot sa ring pati mga siko nila nagkakatamaan rin.
Sinabihan ako ni Ash na sya ang taga shoot at ako ang tagaabot ng bola para mas madali at hindi kami magkagulo kagaya na lang nong dalawa. Namangha ako kay Ash dahil puro shoot sya, akala ko pa Sakto lang?
Sa huli kami ni Ash ang nanalo kahit wala naman akong ambag maliban sa pagaabot ng bola. Nakabusangot si Anna dahil sa pagkatalo.
Kami ni Ash ang namili ng kakainan, sabi ko sa food court na lang dahil maraming pag pipilian at mura.
Pagdating namin sa food court maraming tao at wala ng bakanteng pwesto. Lilipat na sana kami ng may tumawag sa pwesto ko.
" Emily! " Nanlaki ang mata ko ng may sumigaw ng pangalan ko, marami tuloy napatingin sa pwesto ko nakakahiya.
Mas nagulat ako ng makita ko si Sandro na malawak ang ngiti na naglalakad papunta sa pwesto namin, ko!
Tumingin ako sa pwestong pinanggalingan nya, si Teo, kasama nya si Teo!
Hi mga irog ko! Tagal kong di nag update. Sorry for that. So, gusto ko sanang humingi ng favor kahit vote nyo lang and reactions nyo about sa story and sa characters or mga mali ko para maimprove ko. Thank you love lots mga irog ko!
-BinibiningKee
YOU ARE READING
My Emily
Teen FictionEmily, a young woman living next door to her long-time crush, Teo. Despite the proximity, Teo has been mysteriously distant, leaving Emily to grapple with her feelings alone. As Emily navigates the joys and challenges of life, she finds solace in h...