9

3 1 0
                                    


Masigla akong pumasok kinabukasan para kausapin si Teo. Umaga ko sana sya kakausapin kaso nag patawag ng meeting per group para sa Thursday.

Pagkarating ko sa room nakaseparate na yung two teams waiting na lang sa ibang wala pa.

Nagsimula na kaming mag usap usap pagkarating nung iba. May mga kanya kanyang ideas and suggestions na sinasabi kay Ash since sya yung ginawa naming lead kahit ayaw nya pero no choice sya.

"Sige ganto na lang para hindi tayo magkagulo, gawa ng team na gagawa ng design sa booth at ang gagawa ng desserts" Ash proposed.

"Yung mga marunong at magaling sa pag decorate magtaas ng kamay" sabi ng isa sa amin.

Pinangunahan ni Jobie ang pagtaas ng kamay kaya tinaasan sya ng isang kilay ni Anna. "Oh bakit? Magaling ako sa pag decorate gaga ka"

"Sige lapitan nyo na lang si Jobie kung gusto nyong mag decorate."

"Ngayon yung may alam naman sa pag bake pag gawa ng sweets ay para sa pag gawa ng ibebenta " sabi Ash "Lapitan nyo na lang si Emily.

Mabilis akong napalingon kay Ash dahil sa sinabi nya "Bakit ako?"

"Kasi magaling ka mag bake. Sige na para matapos tayo sa pag paplano" Lumapit sakin si Anna kaya umarko ang kilay ni Jobie sa kanya.

Wala na akong nagawa nung magsilapitan na sila sa akin.

"Okay kayo na lang bahala mag hati ng mga gawain para mabilis" sabi ni Ash nung settled na ang groupings "Since baking nga ay may gagastusin tayo. Expected naman na yun, pero kinausap kami kanina ni Ma'am Rancho sabi nya ay ito na daw ang magiging last activity natin at dito kukunin ang kalahati ng grade natin sa Entrepreneurship"

Natatuwa kami sa narinig, mukang nasabi na rin ni pres sa kabila dahil nag hiyawan din sila.

Nag estimate kami ng kung magkano ang magagastos namin para sa ambagan. Since mag titinda kami ay maibabalik din samin ang pera either double or sakto lang.

Pagkatapos mag compute ay nag kasingilan na nga.

"Hindi ako ready dito ah" nakasimangot sa sabi sakin ni Anna.

"Oo nga hindi mo kami binalaan, Ashley. Bawas tuloy allowance ko" reklamo rin ni Jobie.

Tinawanan ko lang sila sa reklamo nila. Hindi rin naman ako handa, nakalimutan kong humingi kay papa pero okay lang wala naman akong pag gagastosan.

Kasama ko si Anna tapos magkasama naman si Jobie at Ash sa decoration team.

"Anong plan mo Ems?" Tanong ni Cecil, one of the mem.

" May mga alam naman kayo sa pag bake diba? Tanong ko sa kanila.

"Ako wala"

"As expected Anna" natatawang ani ko sa kanya.

"Ako may alam pero hindi skilled" sabi ng isa sa kasama ko.

"Sige." Yun na lang nasabi ko "Wednesday na bukas at sa Thursday na yun gaganapin, so mamaya kung maaga tayo matatapos balak ko sanang mamili na ng gagamitin then bukas na gagawa." dugtong ko pa.

"Pero Emily diba mas okay kung fresh yung ibebenta natin?"

"Naisip ko rin yan kasi kukulangin tayo sa oras kasi 8 ang start ng fair" paliwanag ko. Kung maaga kasi kami kailangan madaling araw kumilos na pero magiging hassle yun magmamadali kami sa pag gawa may chance pang di maging masarap kakalabasan hindi pa man din ako expert, mga kasama ko pa hindi rin marunong.

"Pero itatry kong gawin yung cookie na pwede ma freeze then ibabake sa mismong araw. Sa ngayon isip muna tayo ng mga sa tingin nyo mabenta sa tao" dagdag ko, kailangan muna naming mag isip at mag finalize ng gagawin bago bumili ng ingredients.

Nagbigay sila ng mga suggestions nila, yung ibang sinabi nila is yung mga gusto nila mismo.

In the end ang gagawin namin ay mini cheesecake bite instead of brownies, yung cookies na gagawin ko chocolate chip and butter cookies and carrot cake.

Nag okay na sila dahil ako naman daw ang gagawa at tutulong lang daw sila Tignan mo tong mga hinayupak na to.

Hindi kami sinipot mga mga teachers namin kaya nag decide na kami na mamili para bukas.

Sa isang supermarket lang kami namili sa malapit lang rin. Nag tanong ako sa kanila kung may gusto ng umuwi kasi napakarami namin dito pero lahat sila ay gustong sumama, hinayaan ko na lang.

Pagtapos namin mamili ay ang nagdala na ng mga pinamili ay si Emerson. Nag suggest kasi sya na sa kanila na lang kami gagawa tutal complete naman daw gamit don.

Nag hiwalay na rin kami after para umuwi.

Balak ko paman ding kausapin si Teo peri hindi natuloy. Mukang busy rin ako bukas, siguro sa susunod na lang pag di na gaanong busy.

Hi mga irog ko! Pavote po tysm🤍!

My EmilyWhere stories live. Discover now