As time passes, isang buwan na lang graduation na namin. Tinatapos na lang namin ang research paper namin at pagtapos nun ay makakapagpahinga na kami and to prepare for our upcoming graduation.
Nakwento ko sa mga kaibigan ko yung nangyari sa ball. Nagalit kasi si Anna bigla daw akong nawala kala nya kung anong nangyari. Nawala na rin kasi sa isip ko na sinamahan ko pala si Anna mag banyo, ang isip ko kasi ay nakay Teo na kasayaw ko.
Ang reaction nila? Ayon mamatay-matay na sa kilig kala mo sila sinayaw. Ginaslight pa nila ako na kesyo may gusto daw sakin si Teo, maniniwala na sana ako kung hindi ko lang nalaman na may something sila ni Trish.
After nun wala na ulit paramdam si Teo, hindi ko na rin sya kadalasang nakikita kahit pa sa bahay nila.
Lumipas ang mga araw ganon lang ang ginawa namin, research paper revisions, and last-minute studying sessions.
Hindi kami subsob dahil patapos na rin naman kami. Napabuntong hininga na lang ako sa naisip.
"Uy ano ka dyan te?" sabi sakin ni Anna. Nandito kami sa tamabayan namin, pahinga lang dahil mamaya research nanaman.
"Wala" sagot ko
"Hays. Napapagod na ko sa research na yan!" Reklamo ng magaling na si Jobie, "Sana ako na lang naging ka group mo Emily."
"Humiling ka pang maging kagroup si Emily. Hirap na nga yan, pahihirapan mo pa lalo!" Sabat ni Anna. Tatlo lang kami dito, wala si Ash may meeting daw sila.
"Duh muka bang nahihirapan yan? Ei laging nakatunganga lalim ng iniisip!" Inirapan ko sya sa sinabi nya.
"Hirap kaya! Kala nyo lang madali!" Reklamo ko sa mga to.
"Hirap ng research o hirap abutin ni Teo?" Tanong ni Anna
"Pareho" sagot ko. Wala ng sagot yung dalawa. Bumalik na kami sa room dahil tapos na ang break time. Malapit na rin namang mag-uwian, gusto ko na rin magpahinga.
Nakapabilog kami ng ka group ko para mapag usapan ang research paper namin. Kakatapos lang naming ireview ito at ipacheck at okay naman na. After nito ay for book binding na, mabuti at meron ang isang group mate ko. Magbabayad na lang kami para hindi naman nakakahiya.
Nang malapit ng maguwian ay nagpunta ang adviser namin sa room para sabihing ang graduation pictorial daw namin ay next week na. Ayun lang at umuwi na kami.
Sa hapunan namin ay sinabi ko kila mama ang gaganaping pictorial, ganon din pala sila kuya.
"Ganon ba anak," sabi ni mama, "Ano naman daw susuotin nyo kung ganun?"
"Uniform daw po ma saka formal attire. Meron din daw po kami toga na isusuot," sagot ko rito.
"Mabuti naman kung ganon," binalingan nito si kuya, "Kayo Emmit, ano naman daw ang inyo?"
"Ganon din daw po ma" sagot ni kuya.
Matapos kumain ay hindi na nila ako pinag hugas, kaya umakyat na ko sa kwarto. Napasilip ako sa kwarto ni Teo, bukas pa ang ilaw dun. Kamusta na kaya sya? Tagal ko na syang hindi nakikita, siguro ay sobrang busy na nya.
Sabagay ay third-year college na sya, siguro marami silang tambak na gawain. Next year, ay graduating na sya, kaya't lalo syang magiging busy. Ang alam ko rin kasi ay pagka graduate nya ay babalik na ang papa nya dito sa Pilipinas at hindi na ulit tutungtong ng barko.
Mabilis lumipas ang araw kaya nandito kami sa Mall ngayon. Nag-aya kasi sila Anna na mamili ng susuitin sa pictorial namin. Ako lang ang hindi bumili, may susuotin pa naman ako, kaya hindi ko pa kailangan ng bago.
"Hey, guys," tawag samin ni Anna. "Sa tingin nyo, ano na kayang mangyayari after graduation?"
Ash shrugged, a thoughtful expression crossing her face. "Hindi ko muna iniisip yan masyado. It's kind of scary, you know?"
I nodded in agreement. "Yeah, it feels like we're standing on the edge of a cliff, not knowing what's waiting for us on the other side." Sabi ko at saktong lumingon sa mga taong naglalakad, and to my surprise, nakita ko si Teo roon naglalakad, with his friends, of course.
Hindi iyon napansin ng mga kaibigan ko dahil busy sila sa kinakain.
Anna sighed, her fingers tapping the table. "Si Teo? May balita ka pa ba sa kanya Ems?"
Speaking of, hindi pa rin sila maka move on, pano pa kaya ako? "Who knows? Siguro busy pa sya masyado."
"Sabagay last year nya na next year," said Anna. "Mawawalan nanaman ng batch ng mga pogi next year."
Jobie raised an eyebrow sa sinabi ni Anna saka ito bumalinb sa akin. "Or maybe he's avoiding you, kasi nahiya sa ginawa nya last time sa ball."
"Tinatablan pala ng hiya si Teo?" Biro ni Anna. Natawa na lang ako sa sinabi nya. Niwala ngang expression ang lalaking iyon, hiya pa kaya?
Nagpaalam na kami sa isa't isa para umuwi dahil pagabi na at hinahanap na rin ako nila mama.
Nandito ako ngayon sa sakayan ng jeep, nagaantay ng masasakyan syempre. Padilim na rin at wala gaanong jeep, kung minamalas ka nga naman oh.
Nang may parating na jeep ay hinanda ko ang sarili ko para makipag unahan, nagulat ako ng pasampa na ako dahil may kamay na umalalay sakin para hindi ako mabundol, pero ang mas ikinagulat ko ay si Teo iyon. Binundol ako ng kaba dahil ang lapit nya dakin. Oh my goodness!
"Tititigan mo na lang ba ako o baka gusto mong sumakay na?" Sungit naman nito. Ngayon na nga lang nagparamdam ulit hmp.
Sumakay na ako at tabi kami sa upuan ni Teo. Ang bait mo naman sakin ngayon, Lord! Go lang po, magpapakabait ako lalo.
Sabay kami ngayon ni Teo naglalakad pauwi. Hindi ko maiwasang kiligin at sumulyap sa kanya paminsan-minsan. I just can't believe tagal ko syang hindi nakita ngayon na lang ulit.
"Alam mo, Teo,ang galing kasi graduating ka na pala next year, bilis ng panahon nu?" sabi ko na binasag ang katahimikan. Tumango lang sya.
"Yeah," ano ba yan tahimik naman ng lalaking to kaasar. "Long journey indeed."
Malapit na kami sa bahay, iniisip ko kung tatanongin ko ba yung tungkol sa nangyari noong ball or wag na? Hays ano ba yan.
"Uhm, Teo?" Tawag pansin ko sa kanya. Hindi naman ako nabigo at tumngin sya sakin.
"Why?" Tanong nya.
"Yung ano pala" panimula ko "Yung sa ball" humina ang boses ko dahil bigl akong nahiya huhu
"Ball?" Ulit nya kaya tumango ako. "Ah, the dance. It's just a friendly dance, Emily; don't think about it."!
Friendly dance lang pala! Pero bakit kasi noong tapos na ang event at sa madilim nya ako sinayaw? "Ah ganon ba hehe okay," ayun na lang ang nasabi ko.
"Teo? Pwede bang magtanong ulit?
"Nagtatanong ka na Emily"
Soplado talaga nito, "Si Trish?" Simula ko kaya humarap sya sa akin. Nandito na kami sa tapat ng bahay, huminto lang dahil gusto ko lang magtanong sa kanya. "Nililigawan mo ba sya?"
Nakita ako ang bahagyang pag angat ng labi nya wari mong natawa pero nawala rin iyon bigla, "No, I'm not courting her, Emily," sagot nya, kaya nagwala naman ang puso ko, "Wag mo ng isipin iyon." Lumapit sya sa akin at inayos ang hibla ng buhok ko."Kung gustuhin ko mang manligaw, I have one specific person that I want to court, Emily."
YOU ARE READING
My Emily
Teen FictionEmily, a young woman living next door to her long-time crush, Teo. Despite the proximity, Teo has been mysteriously distant, leaving Emily to grapple with her feelings alone. As Emily navigates the joys and challenges of life, she finds solace in h...