20: Capable

30 4 0
                                    

IAN's POV

It's been a week since I left Manila.

Mom is still in the Hospital. Hinang-hina pa rin at nagpapagaling.

Wala naman akong inaksaya na oras at nag apply agad ng bagong trabaho. Pinili ko ang pinakamalapit pero mas maganda ang pasahod.

Ino recommended me to La Casa. Alam ko namang marami rin siyang kakilala pero doon, malaki talaga ang pasahod dahil pribadong Hotel.

Next week pa ako magsisimula kaya inabala ko muna ang sarili ko.

Just like the what I usually do back then, I walked to the vast forest after fishing and going to Tita's resort. Masakit ang ulo dahil ilang araw na rin ako hindi natutulog ng maayos. Sumabay pa ang sikat ng araw. Medyo hindi na sanay ang katawan ko sa ganito. Mabuti at nakauwi ako bago lumubog ang araw.

Dito muna ako dahil matagal na rin hindi nalilinisan ang bahay namin. Pagtapos kong kumain, nagsimula ako maglinis.

I was so tired I didn't noticed that I slept on the couch.

Kinabukasan, lumakad agad ako papuntang Centro. May mga aasikasuhin lang na papeles bago pupunta kay Mama. Bukas pa ako mags-stay para bantayan siya.

Hapon na rin nang matapos akong dumalaw pero dumiretso pa ako sa Resort para tignan kung ano pang gamit ang kailangan kong dalhin. Ngayon ay hindi gaanong mainit ang panahon. Papasok na kasi ang ber months at balita ko, may bagyo pa raw.

Kunin ko na pala mga gamit ko don dahil baka bagyuhin nga ako, delikado pa kung uuwi uwi pa ako sa gubat.

Wala masyadong guests kaya tahimik sa resort.

I was about to enter when I noticed the car parked near the entrance.

Napamura ako agad.

Hindi ko alam tuloy kung papasok ako!

Bago pa man makapag desisyon, nakita ko nang tumayo si Mark sa lobby. Kausap si Ino at mukhang seryoso.

Shit.

Hindi naman siguro ako nilaglag ng pinsan ko?

Suminghap ako at umiwas ng tingin pagkalapit sa kanila.

Umiling si Ino at mukhang nabasa ako. Umatras siya at nagpaalam na aakyat sa taas.

"I have been calling you." Mahina niyang sabi.

Hindi ako nakasagot.

"You resigned?"

Tumango ako habang nakayuko.

Mabilis niyang hinila ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong.

Mabilis akong pumikit para pigilan ang pagtulo ng luha. Naamoy ko ang pamilyar niyang pabango na dahilan para manlambot ang tuhod ko.

I can't believe this.

"Why are you here?" Kumalas ako sa yakap niya.

Pinisil niya ang kamay ko. "I can't reach you. I'm worried."

Hindi naman ako nakipaghiwalay. I just needed a space. Now, I miss him too.

"Sorry." Tinignan ko siya sa mata.

Mabilis lang siya na tumango na parang wala lang iyon. He was really busy these days. Naiintindihan ko naman iyon.

He seems to understand me even if I don't tell him my side.

Now, how can I say no to this man?

I told him my reasons and he said that it's okay. Sobrang guilty tuloy ako dahil nga hindi ko sinabi sa kaniya.

"You should just stay here. Uuwi pa ako at kukuha ng mga gamit."

Umiling siya. "I'll come with you."

Kahit na ilang pilit ko, ayaw niya nga makinig. Sumama pa rin kahit na alam niya kung gaano kalayo iyon. Hindi pwede ang sasakyan kaya kailangan talagang mag lakad ng malayo.

Mabuti at may mga malinis naman na damit doon.

"Pasensya na sa bahay. Ngayon lang ulit nakapunta dito at hindi pa ako tapos maglinis..."

Nakakahiya dahil may mga nakatambak pa sa labas ng bahay na basura galing sa nilinis ko kagabi. Mabuti at nalinis ko ang mga higaan at mga damitan. He bought his own clothes so I don't have to worry.

Hindi gaanong malaki ang bahay namin dahil nag-iisa lang iyon sa gitna ng gubat.

Luma ang bahay at mas matanda pa sa akin. There's a lot of antique things and the walls have paintings. Sabi ni Mama, ibinigay iyon sa kaniya noon.

Pinalitan na ang mga kahoy na lamesa at upuan. The living room has a couch. There are three rooms so everything is fine.

Nauna na akong naligo sa kaniya dahil hiyang-hiya na ako sa amoy ko.

At habang hinihintay siyang matapos maligo, hinain ko ng pagkain na binili namin papunta rito. Pagtapos niya ay tahimik kaming kumain.

"Hindi ka ba natatakot dito? Baka may manloob dito." Kuryoso niyang tanong.

Umiling ako.

"Mababait ang tao rito at wala pa namang nangyayaring ganoon."

Ramdam kong gusto niyang makipagtalo pero umiling na lang kaya napangiti ako.

I never mind sleeping in the same bed with him. Wala lang ako sa wisyo pero namiss ko pa rin siya.

This place has been really special for me. Whenever I'm asking Mama why we lived here, she just say that she wants a peaceful life.

Pero palagay ko hindi lang dahil doon 'yon. Ngayong Mama mismo ni Mark ang nagsabi na siya ang may kasalanan kung bakit dito tumira si Mama. I badly want to tell Mark what happened but I can't. Halata ko namang hindi niya rin alam ang nangyari sa kanila.

Sumandal ako sa balikat niya habang nakaupo kami sa sofa. Kakatapos lang ng mahabang pag-uusap tungkol sa mga nangyayari.

It's very comfortable.

With him beside me, I feel like I could just forget the world.

We were both wearing pajama and white shirt. Walang WiFi kaya nagpatugtog na lang ako sa speaker.

Pagod akong bumuntong hininga.

I think about it for one last second before asking him.

"Uhm... ano pala ang business ng family niyo?"

Alam kong nabigla siya sa tanong ko kaya parehas kaming napalingon sa isa't-isa. Tumaas ang kilay niya.

"Why do you ask?"

Nagkibit balikat ako. Isinandal ko ulit ang ulo ko sa bakilat niya ay niyakap ang braso niya. Ang lamig. Ang lakas na ng ulan kaya nakakaramdam ako ng lungkot.

"Curious lang."

Matagal siya bago sumagot.

I heard him sigh. "Clinic and hospitals. They produce hospital equipments and medical supplies in the company."

Pumikit ako.

So they're that capable?

Nakakaiyak.

"Bakit ayaw mong magtrabaho doon?"

I heard him chuckle. "I hate it."

He just hate it.

May mga bagay rin kaya siyang hindi sinasabi? O ako lang. He's been really vocal about his feelings. Kahit noong hindi pa kami, he'd tell random stories about his work and friends. That's how much he trust me.

"Akala ko iniwan mo na ako." Pagbabago niya ng usapan.

May malakas na sumipa sa dibdib ko.

Akala ko rin.

Pagsamo | 𝘔𝘢𝘳𝘬𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon