26: Property

55 2 1
                                    

MARK's POV

Lumabas agad ako kahit na umuulan. Hindi naman ganoon kalakas kaya hindi na ako nag abala maghanap ng payong. My snapback is fine.

Dumaan ako sa bakuran at tinahak ang diretsong daan papunta sa nag-iisang lugar na pwede niya puntahan dito.

It was so familiar that even if I close my eyes, the trees will still lead me to the gem.

Napahugot ako ng malalim na hininga nang matanaw ko siyang nakasandal sa bato. Humilig ako sa malaking puno at pinagmasdan siyang payapang nagbababad.

He wasn't wearing anything beside his black shorts. Dahan dahan siya lumubog bago humiga sa tubig.

He's floating while his eyes are close.

I suddenly remember the first time he bought me here. That was the last time too.

The hot spring is not that big. There are some locals who visits this place but it's not open for tourists. Minsan lang din dayuhin kasi malayo. Pero kapag summer, may mga dumadayo talagang mga taga bayan dito.

Damn it.

I wish I could see you like that everyday. Hindi ako mapapagod kakatitig sa 'yo.

Halos limang minuto siyang nanatiling nakapikit. Habang pumapatak ang ulan sa mukha niya, natulala na lang ako.

At nang umahon siya, agad nagtama ang tingin namin.

Kitang-kita ko ang gulat niya. Nagtitigan pa kami ng ilang segundo hanggang sa unti-unti nagbago ang ekspresyon niya mula sa pagiging kuryoso at iritado. Bumangon agad siya at nagmartsa paalis sa tubig.

Dere-deretso siyang naglakad at hindi ako pinansin.

Damn, baby. I'm not a ghost.

Nang makarating kami sa bahay ay hinarang ko ang kamay ko sa pintuan. Napangiwi ako nang maipit ang kamay ko.

Aray ko ha?

"Hey..." Bati ko.

"What the hell are you doing?"

"I brought you food-"

"This is trespassing." Sarkastiko niyang sabi.

And here we go again.

"Can you please open this?" I asked softly.

"No."

Hindi ko tinanggal ang kamay ko doon. Siguro napagod na lang siya kaya binitiwan na lang matapos ang ilang minuto naming titigan!

Akala ko mapuputol na kamay ko e.

"Hindi ka pa yata kumakain..."

"Leave my house." Malamig niyang sabi.

Basang-basa pa rin siya dahil sa mabilisang banlaw sa bakuran. Ni hindi nakapagpunas ng buhok.

"Our house." Pagtatama ko.

"Babayaran kita kaya umalis ka na muna. Kakausapin ko ang abugado-"

"Nasa Resort ng Tita mo ang abugado." Sabi ko.

Tumaas ang kilay niya. "Okay. Alis na."

Hindi ako umimik dahil narinig ko ang malakas na kulog. Ang lakas na ng ulan.

"Kumain ka na." Balewala kong sabi.

Tinitigan ko siya at umasang kakausapin ako ng maayos. Walang nagbago sa titig niya kaya humakbang ako palapit.

Agad naman siyang tumalikod at naglakad papunta sa kwarto niya.

Isinarado ko ang mga bintana at pintuan. The antique house is warm and comfortable. It is always welcoming and I understand why loves it. Hinintay ko siya na matapos sa pagligo at umasang lalabas siya. Inihanda ko na ang mga pagkain niya sa lamesa kaso ang tagal niya lumabas.

Pagsamo | 𝘔𝘢𝘳𝘬𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon