IAN's POV
Hindi ko na siya nakita ulit sa resort pagtapos ng meeting namin. I had to leave in the afternoon. Panigurado namang nagcheck out na siya non kasi sabi niya, aalis siya bukas para sa isang party ulit.
Nang makauwi ako ay naghintay ako ng tawag o text sa kaniya. Hindi ko alam. Maybe, it was just the time that let us meet again for convenience. If it will only allow me to imagine things, I'd rather not think about it.
Nandito ako ngayon sa resort ni Tita.
She was shock when she saw us came home together. Ino smirked at me before going to his room. Kung ang pagiging malayo sa Mama niya ang sagot sa ugali niya, mas mabuti ngang sumampa siya sa barko. He definitely need some time alone.
Halos dalawang buwan kong hindi nakita si Mama kaya naman napagdesisyunan kong ipasyal siya bukas. Marami akong ikinuwento sa kanya hanggang sa makatulog siya. Ako naman, kahit pagod sa biyahe ay hindi agad ako nakatulog kaya tumambay ako sa restaurant para magpahangin saglit. Wala rin naman tao doon.
"Can't sleep?"
Hindi na ako nag-abalang lingonin siya. Hindi pa ako sigurado kung nagbago na siya pero alam kong sinusubukan niya rin makitungo ng ayos. Maybe, the training helped him realized his wrong doings.
Tumango ako habang nakatanaw sa madilim na kagubatan.
"Maybe you're thinking about that man." Usisa niya.
Still a bit nosy, huh.
"What do you mean?" Tanong ko.
"You know what I mean. Don't deny because I saw you a couple of times. Ang tagal ko inisip... he's the same person who brought you home last year. Tama ba ako?" Nakangisi siya kaya hindi ko mapigilan na mag-angat din ng labi.
Kung ang skills ko ay mag memorize ng pangalan, siya naman ay sa mukha ng tao.
Tumango ako at ibinalik ang tingin sa mga puno.
"Is he your boyfriend?" Nangiintrigang tanong niya.
Umiling naman ako agad. "He's a friend. I was their tour guide last year."
"Oh, really," Tinanong ko siya kung bakit kuryoso siya.
"I just want to tell you. Men like him will only give you thousand of heartbreaks. Better take care of your heart. Alam kong matapang ka pero... hindi ka pa naman nagmamahal kaya hindi mo alam ang pwedeng mangyari."
"I don't love him,"
Umirap siya . "I was just saying! You know. Bakit, wala ka bang gusto doon?" Nagsimula na naman siyang magtaray.
Hindi ako nakasagot agad.
Wala, diba?
Binalingan ko siya at inilingan.
"Ang dami mong sinasabi," Natawa ako. "Bakit nagmahal ka na ba?" Tinaasan ko rin siya ng kilay.
Alam kong hindi siya kumbinsido sa tanggi ko kaya naman binago ko ang usapan namin.
"Hindi, pero alam ko lang."
Is that even possible?
Siguro ayaw niya lang i-share.
"Okay."
Humagikgik siya kaya ngumiwi ako.
"Basta. You two look good together but I feel like he'd give you all the aches you've never experienced before,"
Natawa ako.
He sure has a lot to say.
"Pero may isang sakit ang magandang makuha mo mula sa kaniya," Napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pagsamo | 𝘔𝘢𝘳𝘬𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬
Фанфик"Hindi ako susubok kung hindi ikaw..." √ Finished - February 21, 2022 √ Written in English and Tagalog √ Edited Version • • • NOTE: The book is purely created in the author's mind. Some places in the book were real but most of it is not. This is not...