22: Dark light

42 3 1
                                    

IAN's POV

"Will you tell him?" Ulit ng pinsan ko dahil hindi ko siya nilingon.

Mavrix was too stunned to speak. Kunot ang noo at mukhang may malalim na iniisip.

Tanging ingay mula sa lagaslas ng mga dahon ang naririnig namin.

Alam nila ang buong nangyari. Ino is mad too because her mother suffered too.

Umiling ako sa pinsan ko.

Maayos ang lagay ni Mama dahil natututukan ng mga doktor. I am working in La Casa and gaining enough.

Makailang linggo lang ay sumubok rin ako mag apply sa isang Agency. Good news, we got in. Now, I'm so mad at myself. Confused because I don't want to leave, angry because we already started training.

Wala akong sinabi na kahit na ano kay Mark.

Goddammit.

Busy iyon sa trabaho pero palaging nagpupumilit na pumunta dito kapag may bakanteng oras siya. Syempre, hindi ako pumapayag dahil malalaman niya ang ginagawa ko. Minsan kasi ay bigla na lang siya dumadalaw kahit hindi ko pinapayagan.

I don't know how to put it in words.

Importante sa akin si Mark. Handang handa niya ibigay ang oras at atensyon niya sa mga pinagkakaabalahan ko. His words and embrace were everything to me. Can't even sleep right, I am guilty for not telling him my own dilemmas.

Alam kong nagdudusa na iyon sa pamilya niya. Ayokong lumala pa dahil lang sa akin. Ayokong malaman niya na may ganito kasakit na nakaraan.

Nilingon ko sila. "Tingin ko lang naman, hindi niya na kailangan malaman kasi lalala lang ang galit niya sa magulang niya."

My cousin smirked. "Yeah. He has a chance to have a whole family. But do you think he'd still go crying on his parents arms?"

Natahimik ako dahil dinugtungan pa ni Ino.

"Ang honest nung tao sa 'yo. Naiintindihan ka namin pero nasasaktan kami para kay Mark. He's genuine. He deserves to know but yeah... your decision."

Iyon palagi ang sinasabi ng dalawa.

Kapag bubuhos ang luha ko, hindi na ako tumatakbo kay Mark. I changed after knowing our parents' story. Wala naman akong hinanakit sa kaniya pero ang hirap lang tanggapin ng katotohanan. Idagdag mo pa ang sakit na ibinibigay akin ng magulang niya.

First of december, the two already decided their path while I am still in awe.

My mother is fine now but I don't want to leave her.

Pero pinaglalaruan yata ako ng mundo. May mga bagay lang na mahirap pigilan.

Kalalabas ko lang ng room ni Mama dahil gusto ko magpahangin. Pero masamang hangin ang natanggap ko.

Kunot noo kong tinignan ang Mama ni Mark na plano yatang pumasok sa loob.

Humarang ako sa pinto.

Tumalas ang tingin niya at bahagyang tumawa.

"I'm just going to see if she can still hear me." ngisi niya.

Damn you!

"Please leave." Matigas kong sabi.

"How dare you? You've gotten rude, huh?"

You've gotten worse! That's not even rude?

Hindi ako umimik.

That wasn't the first time she tried to see my mother. Kung hindi ako ang nakakapang abot, si Tita Selma na alam kong hindi niya papatulan dahil hindi papapigil si Tita.

She kept on talking about nonsense. About her offer which I never considered. And now, threathening that she'd do everything to make me suffer. Halos mamanhid ako sa pangmamaliit niya. Umiiyak ako kay Mama at alam kong naririnig niya ako. I can't stand Calista for letting us live like this. Marami na akong dinadalang problema, pero dinadagdagan niya pa iyon.

Paano pa kaya noong wala pa ako sa mundo? Pagtapos ko marinig kung gaano niya pinahirapan si Mama, hindi na ako nakakatulog ng maayos sa gabi. At kahit saan ako tumingin, naiimagine ko ang mga nangyari.

Last day of December, my world collapse.

Wala si Mark sa tabi ko.

Ino and Tita Selma want to celebrate new year's eve but it never happened.

Nangingig kong hinawakan ang kamay ni Mama.

Ang lamig...

Hindi iyon simoy ng hangin. Hindi rin aircon dahil nasa morgue kami. Impossible iyon.

Halos masiraan ako ng bait nang makita ang lubog na pisngi, maputlang labi, at payat na pangangatawan ng Mama ko.

She should be getting ready for cooking my favorite foods right now.

Bakit nakahiga pa rin?

It seems endless. The pain... my heart almost explode. The year is just starting but my world is already ending.

Tulala akong umalis ng ospital. No one knows how much I wanted to hurt myself right now. Just to ease the pain, I want to fucking end myself because I feel so empty. Why do I feel like... nothing's right is going on with me.

Kahapon lang, nagpaalam ako at pinisil niya ng mahina ang kamay ko. She did it as if she wants me to know that she's getting better. Could it be the worse? I think I can't take it anymore...

Humagulgol ako dahil sa galit, sakit, at pagkalito.

Namatay si Mama at hindi ko na yata kaya pang gumising ulit bukas ng umaga.

Wala sa sarili akong naglakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Ayoko siya makitang nakaburol at pumayag rin si Tita na i-cremate. I don't want to see her suffering anymore. But now, I am hurt. I am still alive but barely breathing.

Maayos ang operasyon pero inatake ulit siya? Brain injured, she was paralyzed. Hindi na kinaya ang grabeng pagdurusa. Siguro dapat hindi ko na sinabi ang mga problema ko sa kanya? Kasi baka lalo lang sumama ang loob ni Mama. Is it my fault?

Ma, pwede na rin ba ako sumuko?

Wala naman akong patutunguhan. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ngayon. Lalo't wala ka na, Ma. Bakit mag-isa na naman ako? Buong buhay ko yata, nalilito ako. Hindi na ako sigurado kung gusto ko pang maghanap ng rason.

Wala bang katapusan ang paglalakbay ko? Kasi parang gusto ko na agad tumigil.

Bakit kapag sinusubukan kong maghanap ng dahilan para magpatuloy, mas nadadagdagan ang dahilan para huminto na lang?

All my life, I tried to understand that I am still lucky because we have a house. That I have a lovely mother. That I can live the way I wanted to be because I am smart. But to be able to keep going, I need to have reason and goal. That's the goddamn problem. I still have nothing. I can't see my future. All I see is a dark path that has a small light millions away from me.

I keep my eyes closed and felt a warm hug.

Dalawang araw na yata akong tulog at hindi kumakain. Bumagyo nang umuwi ako at masama pa rin ang panahon hanggang ngayon.

I didn't bring Mama's ashes here because If I did, I'd carry the burden too much. Anong gagawin ko mag-isa dito?

Kasabay ng malakas na kulog ang pagdilat ko.

I saw his eyes spark but with pity and guilt.

If you were that light, how come it's still dark?

You always come in the right time at unexpected places. I wonder if you'd still find me when even I, myself, can't even see my own reflection.

Pagsamo | 𝘔𝘢𝘳𝘬𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon