3: Internship

48 4 0
                                    

IAN's POV

Tumalikod ako kay Mark at naunang naglakad papasok ng resort. Ino was waiting but I have no energy to argue with him.

"Ah... kaya pala hindi bumibisita rito." Parinig niya.

Dumiretso ako sa gate sa gilid ng resort. Titignan ko muna ang lagay ni Mama bago magpahinga.

"Magandang gabi po, Tita." Bati ko.

I ignored Ino's whims.

Kinausap ko saglit si Tita at hindi na binalingan si Ino na alam kong gustong-gusto na makipagtalo sa akin. Inirapan ko siya at pumasok sa kwarto.

"Ma," Niyakap ko si Mama na nakahiga sa malambot na kama.

Ngumiti siya sa akin kaya ganoon rin ako.

I put my bag down and sat beside her bed.

"Wag niyo na po isipin ang isang taon ko next year. May skolar pa po ako at... may ipon na para sa gastusin ko. Nga pala Ma, kagagaling ko lang sa tour. Malaki ang ibinayad sa akin kaya po kukuha ako ng therapist ninyo."

Hinawakan niya ang kamay ko at alam kong aapila na naman. Hindi naman siya nakakapagsalita kaya inilingan ko siya.

"May sapat tayong pera sa ngayon, Ma. Kaya magpagaling po kayo para makaakyat ka sa graduation ko. Mukhang marami kang medalyang isasabit sa akin." Ngisi ko.

I ended up sleeping beside her.

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Mabuti na lang at wala doon si Ino para sirain ang araw ko.

Naisip ko agad ang tour kahapon.

Hindi na ako tumanggi sa biyayang ibinigay ni Mark. He looks rich but reasonable.

"Ian! Pupunta lang ako saglit sa Claro. May lakad ka ba ngayon?" Sigaw ni Tita Selda.

"Wala naman po." Tumango siya.

"Bantayan mo muna ang Mama mo, saglit lang naman ako."

Maliit lang ang resort ni Tita pero sapat iyon sa halos fifty guests. Sa ngayon ay maraming nagb-book kaya naman busy ang mga tao sa resort.

I remember the friends I made after my tour. Eris, Lawreen and of course, Mark. They were kind. Mukhang galing sa magagandang pamilya, lalo ang manager nila.

Sumagi bigla sa isip ko ang dragon niyang tattoo sa likod. He said he was as wreckless as dragon. I wonder what does he mean by that? Talaga bang nagpatattoo siya dahil lang galit siya? At ano naman ang dahilan ng galit na iyon?

To get drunk and recklessly have a huge scar on your skin. He must've been devastated.

Sa offer niya sa akin, paniguradong mayaman siya. Mabuti at nakatulog ako noong isang araw dahil medyo naalibadbaran akong nasa iisang kwarto ako kasama ang stranger. He looks kind but I had to make sure he will sleep first before me. Malay natin diba?

Nakakagulat 'yung tattoo niya kaya medyo nag-alangan ako. Hindi naman siguro siya anak ng isang mafia boss?

But I could imagine him waiting in his luxury car wearing a black tuxedo! He was fun to be with. Mabait at marespeto. He was working but he doesn't let the work take up his whole time. Hinayaan niya kaming mag-enjoy at ganoon rin siya.

Naputol ang pag-iisip ko nang makarating ako sa bahay. Maggagabi na pero sakto lang ang dating ko.

Ilang araw na rin akong hindi bumibisita rito. Ayos lang sa akin na malayo ako sa centro at kay Mama. 'Wag lang niya kaming makita na laging nag-aaway ng pinsan ko. Hindi kami magkasundo dahil lagi siyang kinukumpara sa akin ni Tita. At ayokong sumasama ang ugali ni Ino kapag nandoon ako. He was still insecure even though he has it all too. And I don't understand why.

Nagpalipas ako ng gabi doon bago tumulak na ulit sa sa isang bayan kung saan ako tumutulong para sa pangingisda.

Pinarerentahan ko itong bangka na binili ni Mama bago siya magkasakit. At kahit papaano, nakakaipon kami rito. At kapag sumasama ako mangisda, nagbebenta rin ako kaya naman may karagdagang kita.

Dinadalhan ko sila Tita ng Isdang ipinangtitinda sa kainan ng resort. Kabayaran na rin sa pagtulong niya kay Mama. Kahit alam ko namang mahal na mahal niya ang kapatid niya at ayaw pabayaan.

I didn't think about the days. I just continue doing what I used to do. Until the semestral break ended.

"Ian! I have good news!" Isang araw pagbalik namin sa eskwelahan.

"Ikaw nga talaga ang napili! I told you! Congrats!"

Ngumisi ako sa kaibigan ko.

"Talaga?"

Excited siyang tumango.

"Kaso... kasama mo si President!" Humalakhak siya at nawala naman ang ngisi sa labi ko.

Tinignan ko ang lalaking naglalakad sa hallway. Mayabang niya akong tinaasan ng kilay.

"Tiisin mo na lang siguro. Ino can be an ass sometimes but I know, he would treat you good in Manila. Pigilan mo na lang ang sarili mo na awayin siya."

Inirapan ko siya. He look so proud samantalang alam kong wala naman choice.

I got a recommendation because I was running for latin honor. I represent most of the competition at ganoon rin siya. At ngayon, hindi ko akalain na pati sa OJT ay magkakasama kami. I don't treat him as my enemy but he always treat me like a competition! Napakayabang kaya hindi kami magkasundo. Pero sure ako sa highest honor at ngayong kasama ko siya sa parehas na Hotel ay medyo nag-alangan na ako.

"Fabian." Tawag niya sa akin.

Kumakain ako sa park ng school ng tahimik.

Nilingon ko siyang nakasandal sa puno sa likod nang bench na kinauupuan ko.

"I got you in the Hotel. You have to do a good job."

Iritado ko siyang inirapan.

"I got myself in. And of course, I'll do good. Baka ikaw pa ang pumalpak, Santino." I said sarcastically.

Humalakhak siya.

"Yabang mo. Papayagan ka kaya ng Mama mo?" Pang-iinis niya.

Binitiwan ko ang tinapay na kinakain at hinarap siya.

"Why won't she?"

Nagkibit balikat siya. "Ay oo nga naman ano. Paano siya makakapalag sa lagay na 'yon..." He smirk.

"Peste ka talaga ano? Tigilan mo ako kung ayaw mong sabihin ko sa Mama mo ang pinaggagawa mo sa Bayan." Tinaasan ko siya ng kilay at kita kong naalarma siya.

"W-what do you mean?" Hilaw ang ngiti niya.

"Tita will get mad for sure. Kapag nalaman niyang nanghihita ka sa mga foreigners na nagb-book sa La Casa."

My cousin look so shock. Akala niya siguro hindi ko alam ang pinaggagawa niya.

Isang beses ay nakita ko siyang may kasamang matandang foreigner. Tapos dumiretso sila sa Hotel. Hindi ko na alam ang nangyari at hindi ko pinansin dahil normal lang kung rumaraket siya. Kaso, naulit pa iyon ng ilang beses. I heard stories from our batch but I tried my best not to gossip.

"I don't know what you're talking about. Stop making stories." He tried to bring his poise back.

Nagkibit balikat ako. "Don't provoke me. I might tell Tita about your dirty doings. Shut your mouth kung gusto mong may mauwian ka pa."

That's when he stopped bothering me.


___________________________________

fyi, jaemin is Ino •ᴗ•

#santino

Pagsamo | 𝘔𝘢𝘳𝘬𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon