19: Wrath

39 1 0
                                    

IAN's POV

Nagulat ako sa hampas sa braso ko. Hindi naman malakas pero muntik na ako atakihin sa puso!

"Tulala ka diyan!"

Inirapan ko si Mavrix.

"Alangan kausapin ko sarili ko?"

Humagalpak siya. Natawa rin ako. Ang tagal ko siya hindi nakita. Habang nag-aayos pa ng ibang requirements si Ino, hindi pa rin siya nag-aapply. Alam ko nga sabay sila. Ayaw maghiwalay.

Mom's operation was successful. Sobrang pasasalamat ko dahil hindi siya sumuko.

"Is your Mom doing good?" Nagkibit balikat ako.

"Sabi ni Tita, stable sa ngayon." Lumbay kong sagot.

Tumango siya at ngumiti. We became real good friends kahit wala si Navix dito. Palagi ba naman kami nagkakasama dahil kay Ino.

My cousin will resign next week, he said.

I'll be alone here.

Kaya ko naman pero iba pa rin kapag may kasama ka. Lalo sa bahay, kapag umalis na siya mag-isa na lang ako magbabayad ng renta. Parang gusto ko na rin muna na sa probinsiya magtrabaho. May mga Bar naman doon na malaki ang pasahod. At lalo sa mga Hotel at Resorts, maraming high rated accomodations doon kaya palagay ko kaya naman. At least hindi ko na p-problemahin ang upa dito sa Maynila. At pati ang mag-asawang sumisira lalo sa pamumuhay ko dito ng tahimik.

Syempre hindi ko tinanggap ang offer ni Mrs. Lee. Hindi pa ako nababaliw! At anong gagawin niya kung hindi ko siya sundin?

Would they keep coming here?

Tingin ko nga.

Palabas na ako at maglalakad na sana nang may bumusina sa akin sa tabing kalsada. It wasn't Mark's car so I ignored it. Nasa tabi pa lang ako ng resort kaya maliwanag pa dito.

Bumusina ulit kaya huminto ako sa paglalakad.

The window on the back seat is going down so I had a clear view of the person inside.

Nang hindi nakuntento ay bumukas ang pintuan at unti-unti siyang bumaba kaya napamura ako ng mahina.

Umiwas ako ng tingin pero hindi magawang lumakad palayo.

"Have you met my son or are you going to see him..." Deretsa niyang sabi sa nanunuyang boses.

Hindi ako pinalaking bastos pero gusto ko talaga 'to sampalin. Bakit ba sa akin lagi hinahanap?

Wala ako sa trabaho pero ayoko siya i-trigger at ayokong bastusin ang magulang ni Mark.

"No, ma'am. We haven't talk in days." Tipid kong sagot.

Tumaas ang kilay niya at mukhang iritado.

"Have you considered my offer?" Ngumisi siya.

Pagod akong bumuntong hininga.

She looks ruthless. Sa totoo lang, natatakot ako sa pwede niyang gawin. Hindi ko makausap si Mama at nahihiya ako magtanong kay Tita Selda tungkol sa kanila. Ano bang pinag-awayan nila para idamay ako ng ganito? At tulad ng sabi niya, ayaw niya sa akin para anak niya. Wala naman akong pakialam doon.

"Mrs. Lee. Wala po akong alam kung saan nanggagaling ang galit ninyo. Wala naman po kaming ginagawang masama ni Mark. We're good friends for so long. At... kung may galit kayo sa mama ko, please. Nag-aagaw buhay na siya at sa ginagawa niyo, baka matanggal pa ako sa trabaho at hindi siya masustentuhan. Wala akong panahon sa mga ganito kaya tigilan niyo po ako." Malamig kong sabi.

Pagsamo | 𝘔𝘢𝘳𝘬𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon